Chapter 28

65 4 0
                                    

Nandito ako ngayon muli sa bahay nila dahil nga pinababalik ako ni Tita Aicy para magpatulong sa pag aayos ng garden niya.

Plantita din pala si Tita Aicy. Para siyang si Mommy. How I missed her and her hobbies.

Iniwan ko na sa loob ang mga gamit ko. Pinagsuot naman ako ni Tita ng gloves at apron para daw hindi madumihan ang kamay at damit ko.

"Mas maganda po siguro kung dito na lang po ito..." Usal ko at nilipat ang orchids para nakabitin lang ito

Napakadaming bulaklak at halamin ni Tita. Nasa gilid lang ito ng bahay nila at sa likod naman ay pool.

Maya maya ay napalingon kami ng may bumusinang sasakyan. Sasakyan ito ni Kiel.

Bumaba ang mga sakay nito. Ang mga kaibigan niya ang unang nakita ko sina Troy na kahawak kamay si Kate, si Mauro na nakaakbay kay Aliah at si.....

Si Kiel na nakatayo lamang pero may babaeng nakapulupot sa braso niya. Lumilibot ang paningin nila na tila ba may hinahanap, agad akong nag iwas ng tingin nang sa gawi na namin ni Tita napunta ang tingin nila.

Nagbusy-busyhan na lamang ako dahil ayokong makita ang ganap.

"Oh? Andito kayo! Welcome home!" Komento ni Tita ng humarap ito

"Alvara? Is that you?! Hi!" Usal ni Kate at lumapit sila sa akin ni Aliah na sabay yumakap ng mahigpit

"Mukhang nag eenjoy kayo, Tita and Alvara?" Tanong ni Aliah. Nagkatitigan muna kami ni Tita bago tumango

"Okay, See you guys later. May ginagawa pa kami. Enjoy!" Sambit ni Tita at hinatak na muli ako sa aming ginagawa

Habang tahimik akong nag aayos ng mga paso ay nagsalita si Tita Aicy.

"Alam mo, Ija. I hate seeing my son with other girl kase gusto ko ikaw lang ang kasama niya. Lalo na ngayon, mukhang bago na naman ang babaeng 'yon at mukhang makapal pa hindi man lang nagbigay galang...." Iling iling na turan nito

"Hindi naman natin mapipilit ang tao kung ayaw po magbago, kahit ano'ng gawin natin kung mismong sarili nila ay hindi nila tinutulungan sayang din po ang efforts natin...." Saka ako pilit na ngumiti

Here I am opening myself to Tita.

"I'm sorry for what my son have done to you, Alvara...." Pang aalo nito

"Naku po, Okay lang po!" Sambit ko at itinuon ng muli ang sarili sa ginagawa at ganoon din naman si Tita.

Marami pa kaming pinagkukuwentuhan ni Tita, marami din siyang tanong. Buti na nga lang at hindi niya natatanong ang tungkol sa tatay ko.

"Can we join?" Napalingon kami sa aming likod ng may magsalita

Nakangiting naghihintay ng tugon sina Kate at Aliah.

"Bakit kayo lang? Hindi sumama 'yung isang babae?" Tanong ni Tita, umirap naman si Kate at lumapit sa amin ganoon din si Aliah

"Nakakainis nga po 'yon. She's not letting us to talk puro siya kuda at pagpapapansin sa mga boys. Puro lang inarte. Hmp!" Napailing naman ako sa tinuran ni Aliah

"Baka hindi niya lang hilig ang organizing at gardening?" Kunot noong tanong ko

"Alam naman niyang andito ang Mom ni Kiel. Hindi man lang siya kahit papaano nag abala na tumulong here! She's so annoying!" Inis na turan naman ni Kate

"Annoying nga. If she hate organizing and gardening then I'll hate her too!" Komento ni Tita. Napatawa naman kaming sabay

Nagsuot na din ng gloves ang dalawa at tinulungan kami.

Maraming kwento ang dalawa lalo na si Aliah. May halaman din daw ang Mom niya baka nga raw ipagpalit pa siya nito para lang sa mga halaman.

Si Kate naman ay ganoon din, may halaman din daw ang Mom niya puro bili lalo na raw kapag napupunta sila ng ibang bansa ay pag uwi may Dala ng seeds.

Ang daming pa naming napagkwentuhan, about what they hate and what they like. Hobbies, favorite foods and places at iba pa.

Masasabi ko na magaan na ang loob ko sa kanila. Both of them are kind and makaka vibes mo kahit saan. Kumabaga sa kaibigan, they're like Savana. They are also my BestFriend's.

Matapos naming mag ayos ay pumasok kami sa bahay at nagtungo sa kitchen. Magbi-bake daw si Tita. Naabutan pa nga namin na nagku-kuwentuhan ang mga lalaki, ang babae naman ay nakasandal sa dibdib ni Kiel.

Hindi ko sila tinapunan ng tingin pero kita ko sa gilid ng paningin ko ang nagaganap.

"Help me to bake cookies, Girls. Sino marunong sa inyo?" Tanong ni Tita

"Ako po!" Sagot ni Kate

Samantalang kaming dalawa ni Aliah ay tumulong na lang sa paghahanda ng mga ingredients at kitchen tools na gagamitin.

Nagbukas ng itlog, naghalo at naghintay. Ilan lamang 'yan sa mga ginawa namin bago maluto ang baked cupcakes na ginawa namin nila Tita.

Tinikman naman namin ito at masarap nga. Ang galing ni Tita at Kate.

"Pakitawag naman ang mga boys. Hindi ko sila makita sa sala baka nasa room ni Kiel ang mga iyon...." Tumango naman kaming tatlo at nagpresinta na sabay sabay magtawag sa kanila

Pagkabukas ng pinto ni Kate as in wide open ay nakasilip kaming tatlo. Si Kate sa kaliwa ko, Ako sa gitna at si Aliah sa kanan ko.

Nagsilapit ang dalawa kong Kasama sa kanilang mga boyfriend habang ako ay naiwang nakatayo sa harap ng pinto.

Hindi ako makagalaw at pasulyap sulyap lamang sa dalawa na nasa kama.

Kiel and that new girl having a good time. Napaiwas ang tingin ko ng halik halikan ng babae si Kiel sa mukha.

It's k.lling me. Deep inside.

Muli akong nag angat ng tingin at saktong humiwalay ang babae kay Kiel ay gulat itong napatingin sa akin, siguro nakita na ako ni Kiel dahil hindi na nakaharang ang mukha ng babae sa paningin niya.

Ngumiti lamang ako ng pilit. Don't you dare to cry, Alvara.

You are really great pretender, Kiel. You are.

"Tara na!" Aya ni Kate sa kanila

Agad namang tumayo si Kiel at akmang lalapit sa akin ng higitin siya ng babae.

Saktong paghatak din sa akin ni Aliah pababa.

"Ang tagal niyo naman! Baka kumunat!" Saad ni Tita

Lumapit na kami sa kanya at nakatayong nilantakan ang cupcakes, madami din ito. Pinagbalutan ko si Kate at Aliah dahil gusto raw nila.

"Bakit parang ang pakla?" Napalingon naman kami sa maarteng boses na 'yon

Napatingin ako kay Tita na nakataas ang kilay sa babae ni Kiel.

Lagot ka.

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon