Chapter 71

39 4 0
                                    

Third Person's PoV

Linggo, katatapos lamang ng simba. Napagdesisyunan ng dalagang si Alvara na magsimba mag isa. Kahit naman gustuhin niya na may makasama siya ay wala rin siyang malalapitan.

Maagang umalis ang binatang si Kiel kanina. Hindi na naabutan pa ni Alvara ang binata na umalis.

May parte rito na nanghihinayang siya at mayroon rin naman na tila ba pumipigil sa kan'ya na huwag nang magsayang pa ng oras sa binata.

"Haay..." Usal ng dalaga. Tila ba nagpakawala ito ng napakalalim na buntong hininga bago umupo sa duyan sa mismong parke na kaharap lamang ng simbahan na pinuntahan niya

Tahimik na pinagmamasdan ng dalaga ang mga bata, teenager, magulang at mga matatanda na nagsasaya sa parke. Ang iba ay nagde-date, nagpi-picnic at ang iba naman ay tila ba may reunion na nagaganap.

Hindi niya maiwasang mapangiti, iniisip niya na siguro kung siya ang nasa posisyon ng mga taong nakikita niya rito, siguro ay masaya rin siya katulad nila? Katulad ng mga batang masayang kumakain kasama ang konpleto nilang pamilya. Mag nobyo at nobyang masayang pinagdidiwang ang masayang araw nila.

Napayuko ang dalaga, pinunasan niya ang takas na luha na biglaan na lang tumulo.

Hindi mawawala ang pagkainggit sa kan'yang puso. Knowing that she's now alone. Walang kasama. Walang kaibigan. Ni hindi niya nga alam kung magkakaroon pa siya ng bagong kaibigan.

"Mom, nakakaawa po ako. Naaawa po ako sa sarili ko.." nakayukong aniya bago pekeng ngumiti

Samantala, hindi naman maiwasang mapamura ng binatang si Kiel nang makarating na siya sa opisina ng kan'yang ama.

"Kaunting pasensya pa, Anak! Makakahanap rin tayo ng ebidensya at magagawa mo na ang lahat ng gusto mo! With your wife! I promise!" Boses ng kan'yang Ama

"Dad! What the fuck? KAUNTI? Until when? Hanggang sa tuluyan na akong iwan ng asawa ko?! Fuck! You know I can't lose her! I can't even ignore her! Sobrang sakit sa'kin!" Aniya

Napasabunot ito sa kan'yang sariling buhok kanina habang tahimik na pinagmamasdan ang kan'yang asawa. Kahit tulog ito ay sobrang ganda niya pa din.

"Anak, Hindi madadamay ang asawa mo. I promise that! Basta't ilayo niyo lang si Alvara sa kan'ya! You know that woman! She will do everything just to ruin other people's lives!" Bulyaw ng kan'yang Ama

Dali daling umalis ang binata sa bahay ng kan'yang asawa dahil biglang tumawag ang kan'yang Ama. Nagsumbong raw kasi si Sunny sa kan'ya na hindi niya raw ito tinatrato ng tama.

"Damn you jerk!" Sigaw nito sa kan'yang sarili at pinaghahampas ang manibela ng kan'yang sasakyan

Nang makauwi na si Alvara ay agad niyang binuksan ang cellphone niya.

Katulad ng nakasanayan niyang nakikita sa feed ng kaniyang mga social media accounts ay puro ito update sa dalawa, kay Sunny at Kiel.

Alam naman niyang kakalat agad ang balita sa dalawa. Bukod sa parehong mayaman ang pamilya nila ay sikat ang buong angkan ng mga ito.

Peke siyang ngumiti nang maalala ang isang bagay na dapat ay pinaghahandaan niya na ngayong pag uwi niya.

At ayun ang pag sorpresa sa kan'yang nobyo na si Kiel. Unang buwan ng dalawa bukas, pagkatapos nilang magkabalikan.

Adrian's Point of View

"So what's your plan, pare?" Saad ni Mark, habang prenteng nakaupo sa aking harapan

I smirk, "Pagkatapos nung isa, iyong isa naman..." Sagot ko, nangunot naman ang noo niya

"Gagu ka pre! Kawawa naman iyong dalawa sa'yo! Ipagkumpara mo na lang ang katawan nila sa katawan mo! Walang laban iyong mga yun sa'yo, oy!" Aniya at binato pa ko ng pulutan namin

"Gusto kong maghiganti muna sa una bago ko iligpit yung sunod." Sambit ko atsaka ngumisi

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mark. Tama lang 'yan, magulat ka. Gusto kong makita kung pano magulat ang babaeng iyon kung sakaling maalala niya ako.

Nakangisi kong nilagok ang alak sa shot glass ko bago nagdekwatro.

Third Person's PoV

"Hindi na ata kakayanin ng konsensya ko..." Nakayukong saad ng dalagang si Savana

Kasama niya ngayon sina Kate at Aliah na tahimik lamang nakamasid sa paligid ng bahay ng dalagang si Alvara.

"We need to help her, at ang isa pang maitutulong mo sa kan'ya ay protektahan siya sa babaeng iyon!" Sermon ni Aliah

Sa kanilang tatlo, si Aliah ang may alam sa lahat. Siya rin ang may pinaka matured na pag iisip pero pagdating sa pagmamahal—ewan na lang.

"I-ikaw ba, Liah? Hindi ka ba nakokonsenya sa ginagawa natin sa kan'ya ngayon?" Napalingon si Aliah sa nagsalita.

Si Kate na nasa kanilang likuran. Nangingilid ang luha sa kan'yang mga mata.

Bumuntong hininga si Aliah bago hinawakan ang kamay ng dalawang kaibigan, "Ako rin, gusto ko ng sabihin sa kan'ya ang lahat lahat. Pero hayaan na muna natin si Kiel sa ngayon na ayusin ang lahat. Kapag wala pa ring nangyari, ako mismo ang magsasabi sa inyo at sasamahan ko kayo kay Alvara na i-explain ang lahat..." Nakangiting usal nito

Tumango naman ang dalawa. Sa kanilang tatlo ay lubos na nakauunawa si Aliah sa sitwasyon. Alam niya ang plano ng binata. Alam niyang may kakayanan si Kiel para ayusin ang gulo na pinasok nito.

Sabay na napalingon ang tatlo nang makitang lumabas si Alvara sa kan'yang bahay ay iniwan ang isang garbage bag sa gilid ng kan'yang gate.

Siguro ay kuhaan ngayon ng kanilang basura.

Napangiti ang tatlo habang nakatingin sa papasok na dalaga. Kilala nila si Alvara, napakatapang nito.

Pero kahit ganun, hindi maiwasang mag isip ng mga ito sa kan'ya. Lalo na't hindi nila alam ang plano ng babaeng iyon sa kanilang kaibigan.

Hindi nila tiyak kung ano ang mangyayari para sa kaibigan nilan si Alvara. Maganda ba o Hindi?

"Nasabi mo na ba sa kan'ya? Kanina pa atat sa update si Kiel sa asawa niya.." tanong ni Savana at nilingon si Kate sa likod na tanging tango lamang ang sagot

"Oo, pinicturan ko pa nga eh! Kayo naman parang wala kayong bilib sa'kin!" Aniya

"Ang dami mong sinabi, Aruray!" May halong pang aasar ni Aliah na dahilan upang sabay silang tatlo na matawa

Kahit ganito, hindi nila kinakalimutan ang magsaya. Kahit napakadami nilang problema.

Matapos ang ilang minuto pang pagmamanman ng tatlo ay agad na umalis na ang mga ito.

Ngunit hindi nila alam na sa kalayuan ay mayroon ring nakamasid sa kanila. Kanina pa....

***

Guess, who?🤔🧐

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon