Chapter 1- Love Adviser April

288 13 5
                                    

Sometimes, the easiest advice you can give is the hardest thing for you to follow.”

“Ano bang dapat kong gawin para makapag move on?”

“Tingin mo dapat ko na siyang kalimutan?”

“Paano ba ako magtatapat ng nararamdaman ko sa kanya?”

“Eh paano kung may mahal na siyang iba? Paano na lang ako?”

Ilan lang ‘yan sa mga madalas kong marinig sa mga kaklase ko.

I am a cheerful, hyper active and sometimes a clumsy type of person, but aside from those childish traits of mine is a side of me na di mapaniwalaan ng lahat. Na, napapasabi sila ng, “Teka, April kaw ba ‘yan? Parang hindi ah.” o kundi naman “May pinaghuhugutan ka ba?”

E sa bigla nalang lumalabas ang mga salitang ‘yon sa bibig ko e, na para bang maalam na maalam ako sa mga bagay na ‘yun.

Ewan ko din nga, pero masarap sa pakiramdam na minsan nakakatulong ako sa mga taong nangangailangan ng payo. At dahil dito tinawag na din nila akong “Love Adviser”

Uwian na, kasama ko ang mga kaklase ko pabalik galing sa last subject namin at agad na kaming bumalik sa aming classroom.

Pagkapasok na pagkapasok namin, nakita ko agad ‘yung isa naming classmate na umiiyak. Nilalapitan siya ng mga kaibigan niya at kinakalma siya ng mga ito. Lumapit din ako at tinanong kung anong nangyari.

Broken hearted daw.

Nagtapat daw kasi siya sa crush niya, at ni-reject siya nito.

“Alam mo, normal lang na makaramdam tayo ng ganyan. Magkagusto, magka-crush, magkaroon ng hinahangaan. At normal lang din na masaktan tayo dahil hindi naman pwedeng puro saya lang, hindi balance ang buhay kung ganun.  Pero hindi naman ibig sabihing inayawan ka na ng taong gusto mo e katapusan na ng buhay mo. Kasi, may taong nakalaan sa bawat isa sa atin, kailangan mo lang maghintay na dumating siya sa tamang panahon at tamang pagkakataon.” Matapos kong sabihin ‘yun, tumayo na ko. Pi-nat ko ‘yung ulo niya at nginitian siya. “Makaka recover ka din. Crush lang ‘yan. Di ka pa naman ‘yan nakakamatay.” pabiro kong sabi saka naglalakad paalis.

Nakita ko pang napatulala sila sa’kin dahil do’n, hindi kasi kapanipaniwala na kaya kong magsalita ng mga gano’n. Kahit ako nawiwirduhan e.

 Umuwi na ako agad dahil pagod na rin ako. Humiga na agad ako sa higaan ko at ipinatong ko ang kanang braso ko sa noo ko sabay titig sa kisame.

“May taong nakalaan sa’tin sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Kailangan mo lang maghintay,” muling bumalik sa isip ko ‘yung sinabi ko kanina.

“Hay… matutupad kaya sa’kin ‘yun?” kahit sa’kin na mismo nanggaling ‘yun, di ko alam kung dapat ba akong maniwala.

“Ay ewan! Itutulog ko nalang ito!”  saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Secretly Inlove with My Love Adviser--- [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon