Chapter 2- Secretly Inlove With Her

270 10 1
                                    

Mike Cabrera’s POV

 

Kanina nakita ko siya. At dating gawi nagpapayo na naman sa mga broken hearted.
Hinahangaan ko siya dahil do’n. Ang galing niya kasi magpayo. ‘Yun bang once na ganun na ang mga sinasabi niya parang di na siya ‘yung kinakausap mo… para siyang nagiging iba.

Ako nga pala si Michael Cabrera, aka 'Mike’. Umm, to describe myself, uhh, sabi nila matalino, gwapo, matangkad, mayaman, friendly… mga common descriptions lang.

At higit sa lahat…

TORPE.

Ang totoo n’yan, teka paano ko ba sasabihin? May g-gusto ako sa kanya e, kaso di ko alam kung paano ko sasabihin. Para kasing lahat ng mga strategy naming mga lalaki sa pagporma sa mga babae e alam niya. Kaya hindi ko alam kung may mga bagay pa siyang hindi alam tungkol sa ganito.

Naaalala ko pa, minsan na rin akong humingi ng advice sa kanya,

Flashback

Uwian noon at nakita ko siyang nag aayos na ng gamit para makauwi. Naglakas loob akong lumapit sa kanya kahit na nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad papunta sa direksyon niya.

“Umm, April, p-pwede ka bang m-makausap?” nahihiya at nauutal na sabi ko sa kanya.

Lumingon siya sakin at ngumiti. Nagsmile siya! “Oo naman ano ba ‘yun?” nakangiti niyang tanong.

“May itatanong lang kasi ako,” wika ko na hindi makatingin ng diretso. Baka namumula pa pisngi ko nito! Nakakahiya!

“Ano?”

Huminga muna ako ng malalim at pilit pinakalma ang nagwawala kong puso. “Paano kung may gusto ka at gusto mong magtapat sa kanya, ano ba ang dapat gawin kung sakaling magkalakas na ako ng loob na magtapat?”

Matagal tagal bago siya nakasagot, malamang sa nag isip muna.

“Una sa lahat, dapat maging handa ka sa kung ano mang magiging sagot niya. Kung tatanggapin niya ang pag-ibig mo edi, ok, pero kung sasabihin niyang nahuli ka na, na sayo na ‘yun kung anong gagawin mo. Ikaw pa din naman ang bahala sa balak mong gawin sa huli.” Paliwanag niya saka muling ngumiti.  “Pero kung masaktan ka man, h‘wag ka mag alala, kasi bawat tao may nakalaang mamahalin nila. At gaya nga ng madalas kong sabihin, maghintay ka lang, dadating siya sa tamang panahon at tamang pagkakataon.”

End of flashback

 

‘Yung mga salita niyang ‘yun, magmula noon ay di ko na makalimutan. Na para bang, may pangako akong pinanghahawakan dahil doon.

Secretly Inlove with My Love Adviser--- [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon