Chapter 6- M&M's

109 7 0
  • Dedicated kay Julie Ann Fernando
                                    

“The spaces between your fingers were created so that others could fill them.”

April’s POV

Agad naman kaming bumalik ng room. Dumating na rin ‘yung teacher namin tas discussion.

Ganoon lang ang siste hanggang sa dumating na ang uwian!  Yeees!

Di naman halatang gustong gusto ko ang uwian ‘no?

“Umm, April,” nabigla ako nang tawagin ako ni Mike. Tulala na naman kasi ako e.

“Bakit?” tugon ko.

“Pwede ka ba ngayon?”

“Ha? Bakit saan tayo pupunta?”

“Uhh… ano kasi, gusto ko ulit hingin ‘yung pananaw mo tungkol sa… alam mo na…” paliwanag niya habang napakamot ng batok.

“Ah, Sige. Wala naman tayong mga assignments ‘di ba? Sige sama ko.” Nakangiting sagot ko.

“Sige! So, ano? Tara na?”  nakangiting aya niya.

“Sige!”

Aba! Gagala ba naman e, tutal may balak din akong bilhin, tas makakalibot pa ako!

GO LANG NANG GO!

Nagpunta kami sa mall. Tingin tingin lang naman.

Tas napadaan kami sa isang chocolate shop.

ANSARAP NG MGA NAKADISPLAY NA CHOCOLATES~

Kaso ang mamahal e, kaya tingin na lang ako nang tingin.

Mas lalo akong napatulala nung makakita ako ng isang malaking pack ng M&M’s!!!

 I WAAAAANT!!!

Mike’s POV

Naglilibot libot kami dito sa mall at kasalukuyang napatigil sa isang chocolate shop. Nakita ko siyang nakatitig doon sa isang malaking pack ng M&Ms.

“Gusto mo niyan?” tanong ko.

Agad naman siyang nabalik sa sarili niya noong tanungin ko ‘yun.

“Ha? Ah, naku e, mahal ‘yan e. Hehehe… saka, wala naman akong pera…” sabi niya na halatang nahihiya. Napangiti ako.

“Kunin mo na, ako na’ng magbabayad.” Nakangiti kong sabi.

“TALAGA?” high pitched na bulalas niya. Mukhang may madidiskubre na naman akong side niya.

“Oo, libre na kita. Saka, tinutulungan mo naman ako e, ‘di ba?”

She loves chocolates especially M&M’s

“Uwaaaah! Thank you! Thank you!!!”  nagtatalon siya sa tuwa, pero ‘yung sumunod niyang ginawa ang hindi ko inasahan.

Sa sobrang tuwa niya…

Niyakap niya ako.

Oww! Grabe! Basta mayayakap niya ako palagi, kahit araw araw ibibili ko siya ng M&M’s!

Agad naman siyang bumiitiw sa pagkakayakap sa’kin at nahihiyang nag iwas ng tingin.

“S-Sorry… nadala lang ng emosyon.” Nakayukong paliwanag niya.  Nahiya ata.

“O-Ok lang… hehehe.” sabi ko nalang pero kung pwede lang i-extend ‘yung yakap niya, ginawa ko na.

TOKWA! ANG INIT ATA NG MUKHA KO!!!

April’s POV

WAAAH!!! NAKAKAHIYA!!!!

N-Na-Nayakap ko siya!!!

Weakness ko kasi ang chocolates lalo na ang M&M’s!

Nagpunta kami sa counter at ayun, binayaran na niya.

Uwaaaahhh!!!  AKIN KA NA!!!

“Thank you ulit!”  Wika ko with my sweetest smile. I so love M&M’s!

Aba! Ngaun lang may nanlibre sa’kin ng chocolate ‘no!

“Wala ‘yun. Bilang thank you ko ‘yan sa favor ko sayo.”sabi niya sabay ngiti.

Mwahahaha! Ngayon magtutuos tayo M&M’s ka!

Secretly Inlove with My Love Adviser--- [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon