Chapter 9- Fever Doctor (part 1)

110 7 0
                                    

“Before I met you, I never knew what it was like to look at someone and smile for no reason…”

Mike’s POV

Kung alam mo lang…

Matagal ko nang sinubukang iparamdam sayo ang nararamdaman ko.

Di ko lang alam kung paano.

At sana rin… sana talaga!

Maging ako ‘yung unang taong muling magparamdam sayo na may nagmamahal at nag aalala sayo.

Noong minsang nagpunta kami dito sa park, naikwento niya sa’kin ‘yung nangyari sa pamilya niya.

Na siya nalang mag isa sa buhay.

Pero doon siya nagkakamali.

Kasi andito pa naman ako e, na nagmamahal sa kanya.

Palihim nga lang.

Pero kelan nga ba ako magkakalakas ng loob na magtapat? Hindi ‘yung ganito na dinadaan ko sa biro. Sana alam niya ‘yung quote na,

Some jokes are half meant…

Ang torpe ko lang talaga.

Malapit na ang Valentine’s Day. Kailangan ko nang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko!

Matapos ang aming usapan umuwi na rin kami. Napansin ko din kasi na medyo nawawala ata sa wisyo si April, parang di maganda pakiramdam niya?

Inihatid ko na siya sa bahay niya tapos nagpaalam na ako.

April’s POV

Nakauwi na rin sa wakas! Kapagod maglibot libot! Tapos medyo sumama pa ‘yung pakiramdam ko. Pahinga lang siguro kailagan ko.

Naligo na ako tapos kumain ng naihanda kong dinner tapos natulog. Uminom na rin ako ng gamot para masigurado kong mawala na ‘yung sama ng pakiramdam ko. Nakatingin ako sa kisame, tulala lang.

“Good night po, Mama, Papa.” Tas ipinikit ko na ‘yung mga mata ko.

Kinabukasan

“Ugh…” medyo sumasakit pa din ulo ko pero kailangang pumasok. Mahirap nang umabsent, ang hihirap ng mga lessons e.

Naligo ako tapos nagbihis, kahit medyo masama pa pakiramdam ko. Bumaba ako ng kusina para mag prepare ng breakfast ko.

“Itlog nalang tas fried rice.”

Kahit medyo nahihilo ako, sige pa rin at pumasok pa rin ako. Nakita ko si Mike na nasa upuan niya, bumati ng good morning sabay ngiti.

“Good morning, April” masiglang bati niya.

“Uhh, good morning din…” sagot ko naman na medyo matamlay. Pambihira naman o.

Napansin niya yatang matamlay ako kaya nangunot ang noo niya. “Ok ka lang ba? Mukhang di maganda pakiramdam mo ah, dapat di ka na pumasok.” Alalang sabi niya.

“De, ok lang ako! Mawawala din ‘to, ‘wag ka na mag alala.” sabi ko sabay thumbs up.

“Sigurado ka? Mukhang may sakit ka talaga e.” halatang nag aalala siya.

“Wala ‘no! Anong akala mo sa’kin? WEAK TYPE? Di ‘no!” pabirong sabi ko at pilit pinasisigla ang boses ko.

“O sige, umupo ka na. Malapit na magsimula ang klase.”

Umupo naman ako kaagad. Medyo nahihilo din kasi ako. Nagsimula na nga ang aming klase pero wala akong maintindihan! Ano ba’yan! Ansakait na talaga ng ulo ko!

Secretly Inlove with My Love Adviser--- [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon