Chapter 5- Boy Pick-up!

157 8 1
  • Dedicated kay Regine Lorraine Celoso Delim
                                    

“No one can go back and change a bad beginning, but anyone can start now and create a successful ending…”

April’s POV

Grabe lang! Ano ‘yun? Hinalikan niya ako sa noo ko?

Nagmadali akong pumasok ng bahay naming dahil pakiramdam ko ang pula pula ng pisngi ko.

Sinarado ko ang pinto saka sumandal doon habang hawak hawak ang noo ko.

Whaaaa! Ano ‘yun??

“Ok! Nagsasanay lang siya! It’s just part of the deal, tinutulungan mo lang siya sa love life lesson niya! Tama! Tama ‘yun nga lang ‘yun!” sabi ko sa sarili ko.

Nang pakiramdam ko ok na ako, umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pantulog, bigla naman akong napatingin sa kama ko.

“Ay ‘yung jacket niya! Nakalimutan kong ibalik!”  naku naman! “Di bale, lalaban ko muna tas isosoli ko nalang sa kanya sa monday.”

Habang naka upo ako sa kama ko, naisipan kong gumawa ng isang mini record book na may nakalagay sa harap na ‘Love Adviser’s Record Book’, tapos sa loob may nakalagay na ‘Student: Mike Cabrera’

Naisipan kong isulat ang mga bagay na sa tingin ko e, magugustuhan sa kanya ng mga babae.

1. He is a gentleman.

Habang nakatingin sa jacket niya, naalala ko nung ibibigay niya sa’kin ‘to nung giniginaw ako.

“Ang swerte ng babaeng nagugustuhan mo, may isang taong maalalahanin ang nagpapahalaga sayo. Sino kaya ang taong ‘yun?” napaisip ako.

Nabuo sa isip ko ang tanong na ito, sino nga kaya ang maswerteng babaeng ‘yun.?

Kayo, alam niyo ba kung sino? Clue nman dyan o.

Mike’s POV

Monday na, may pasok naman kaya naghanda na ako para sa aking pagpasok. Ligo, bihis, ayos ng sarili tas baba sa kusina kain breakfast pasok sa school.

“Hay… kundi sana ako nawala sa sarili ko no’n, ‘di sana ako nagkakaganto ngayon.  Nahihiya akong lumapit sa kanya!” napapailing sabay buntong hininga nalang ako sa tuwing maaalala ang nangyari noong sabado.

Matapos ang pangyayaring ‘yun, nung mismong gabi ding ‘yon, nagtext ako sa kanya para humingi ng paumanhin. Sinabi ko nalang na isa ‘yun sa mga naiisip kong paraan para “maiparamdam sa taong mahal ko LESSON”  ‘yun. Na parte ‘yun ng napagkasunduan.

Pero ang totoo ‘yun na talaga ang nararamdaman ko at para sa kanya lahat ng ginagawa kong ito…

Sabi naman niya, ok lang daw, ‘yun din daw nasa isip niya e. Awts! ‘Yun agad pumasok sa isip niya, na kasama ‘yun sa kasunduan.

At dahil nga sa ganito kalalim ang iniisip ko, ‘di ko na napansin na mababangga na pala ako sa poste at…

“ARAYYYYY! Aw aw aw aw!!!!” napahawak ako sa noo ko at hinimas himas ‘to. “TOKWA! MAY BUKOL ATA! MUKHA AKONG FLOWER HORN NITO!”  Malas naman o!

Nang makarating ako sa school, agad muna akong nagpunta sa aming clinic para palagyan ng gamot ‘yung noo ko, medyo may galos ata e. Napalakas ang pag head bang ko doon sa poste.

Tapos pumunta sa ako sa room namin.

April’s POV

Nakita kong pumasok sa room si Mike at, may sugat siya sa noo?

Anyare doon?

“Uy! Anyare sayo?  Bat may galos noo mo?” usisa ko nang umupo siya sa pwesto niya malapit sa’kin.

Secretly Inlove with My Love Adviser--- [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon