“True love doesn’t have a happy ending, because true love never ends…”
April’s POV
Palibot libot lang ulit kami sa mall, tapos nang nagsawa nagpunta kami sa park. At eto, kasalukuyan kaming nakatambay sa isa sa mga bench, pinapanuod ang mga taong padaan daan.
“Alam mo, ang swerte ng babaeng nagugustuhan mo.” sabi ko sabay subo ng M&’s. Yum yum!
“Ha? Bakita naman?” napalingon siya sa’kin.
“Kasi, gwapo ka, matalino, mabait, gentleman, sweet, at masarap kasama. Halos lahat nasa iyo na.” sabi ko habang kumakain pa din.
“Ah… gusto ko kasi na iparamdam sa taong mahal ko ‘yung mga ganoon. ‘Yung lahat ng pagmamahal ko na nadarama sa kanya.” seryosong pahayag niya.
*DUGDUGDUG*
Bakit biglang bumilis tibok ng puso ko?
“Ah… hahaha. E, bakit ‘di nalang sa kanya mo mismo ipakita ‘tong pinapakita mo sa’kin? Di ba mas madali kung ganoon?” takang tanong ko.
Saglit siyang tumahimik bago muling nagsalita. “Alam mo ba,” Bigla siyang humarap sa akin saka tinitigan ako sa mata.
“Matagal na kitang mahal. ‘Di ko lang alam kung paano ko ipagtatapat sayo kasi natotorpe ako. ‘Yung, di na ako makapag salita kapag nasa harap na kita? Di na ako makagalaw ‘pag nand’yan ka. Gustuhin ko mang iparamdam sayo, di ko alam kung paano.
Na... Mahal kita… matagal na.”
Pakiramdam ko bigla akong nabingi dahil sa mga sinabi niya. Bigla ding bumilis ng sobra ‘yung tibok ng puso ko na para bang may karerang kailangang mapanalunan. Parang iniwan ako ng kaluluwa ko at lumipad na kung saan.
“A-Ah… A-Ano… A-Ayos... ba ‘yun? M-Mararamdaman ba niya ang pagmamahal ko k-kung ganoon ang sasabihin ko?”
Whoo! Akala ko naman para sa’kin talaga! Buti nalang!
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove with My Love Adviser--- [COMPLETED]
Novela Juvenil[Some parts still unedited]