Chapter 19

83 13 2
                                    

Rubie's POV

7:30 AM

Maaga akong gumising ngayong araw dahil kailangan ko pang gawin ang pinapagawa sa amin. Niligpit ko lang sandali ang pinaghigaan ko bago bumaba.

"Oh Rubie, ang aga mo naman gumising. Hindi ka ba napagod sa Science Camp niyo?" salubong sa akin ni tita pagpunta ko sa kusina

"Napagod nga po ako eh pero may gagawin pa po kasi ako at bukas na ipapasa." saad ko naman habang nagsasalin ng tubig sa baso at ininom

"Ah ganun ba? Ano ba yung gagawin niyo?" tanong niya

"Binigyan po kami ng topic at isusulat namin yung opinyon namin tungkol doon." paliwanag ko

Ano nga ulit yung topic ko?

"Ganun ba? Osige na kumain ka na at nang masimulan mo na yung gagawin mo."

"Sige po" sambit ko at naupo para mag-almusal

Ilang sandali lamang, bumaba na rin sina Rona at Jade.

"Good morning!" masiglang bati ni Rona

"Good morning" bati ko pabalik

"Good morning Mommy!" ani Jade at yumakap kay tita

"Good morning anak. Maupo na kayo." aniya

"Ah oo nga pala may gagawin pa pala tayo no?" tanong ni Jade at tumango naman kaming dalawa ni Rona.

Pagkatapos kong mag-almusal, ililigpit ko na sana ang pinagkainan ko nang bigla akong pigilan ni tita.

"Hayaan mo na yan diyan. Ako na at gawin niyo na yung mga dapat niyong gawin."

"Ah sige po. Salamat po." sabi ko at iniwan na sila

Nagtungo ako sa kwarto ko at agad naligo at nagbihis na rin pagkatapos.
Kinuha ko yung mga gamit na gagamitin ko.
Habang hinahanap ko ito, nakita ko yung pirasong papel na kung saan nakasulat ang topic ko.

Ano ba namang topic na ito?
Bakit ito?

Eh kay Reighnie kaya? Ano kaya ang topic niya?

Teka nasaan ba phone ko?
Ay ayun!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Reighnie.

Nag-riring lang ito.

Medyo matagal pa bago nito sagutin ang tawag ko.

"Hello?" sabi nito na halatang kakagising pa lang

"Oh? Nakahiga ka pa rin ba?" tanong ko at hindi ito sumagot
"Hoy!"

"Oh? Sino ba to?" inaantok pa rin ang boses na tanong niya

Pambihira

"Si Rubie ito. Bumangon ka na dyan. Nga pala, pupunta ako dyan ngayon." sabi ko pa at muli, wala na naman akong narinig na boses mula sa kabilang linya.
Tiningnan ko ang phone ko at nakita ko namang on-going pa rin ang call.

Haystt

Nakatulog na

In-end ko na rin ang call at kinuha ang lahat ng mga gamit na kakailanganin ko at bumaba.

"Tita, aalis po muna ako. Pupunta lang po ako sa bahay ng classmate ko." paalam ko kay tita na kakatapos lang maghugas ng mga plato.

"Osige mag-iingat ka."

Crush Ko Teacher Ko [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon