Reighnie's POV(Bahay)
Lumipas ang ilang linggo at wala namang masyadong nangyari.
Normal lang na uuwi sa bahay tapos mag-aaral.Pagsapit naman ng gabi, matutulog tapos papasok kinabukasan at hanggang ngayon di pa rin ako pinapansin ni kuya sa tuwing kinakausap ko siya.Ano kayang pwedeng gawin ngayon?
Mmm oo nga pala!
Agad kong kinuha ang cellphone ko at idinial ang number ni Rubie.
.
.
Ayan na nagriring na["Hello"]- sabi niya sa kabilang linya
"Uyy Rubie ano na?Nakapag-paalam ka na?" tanong ko rito
["Oo"] - maikling sagot niya
"So ano na?Pinayagan ka?" tanong ko pa rito
Sana oo hahaha para may kasama ako
["Oo"]- sagot pa niya
Yeyy!Hahaha ayan may kasama na ako
"Yeheyy!Buti naman hahaha pero.. bakit parang hindi ka masaya?" tanong ko rito at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya
["Wala masaya kaya ako"] natatawa niyang sabi pero alam kong may hindi tama
"Bakit?Dahil ba kay Vin?" biglang tanong ko at bigla naman itong tumigil sa pagtawa
"Si Vin ba?" dugtong ko pa["Hindi ah"] pagtatanggi niya pa
"Huwag mo nang itanggi" sabi ko pa sa kanya
["Hindi nga"] pagtatanggi niya pa rin
"Akala mo ba hindi ko napapansin? na sa tuwing nakakasalubong natin si Vin,lagi kang umiiwas?Bakit?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya
["Wala lang yun"] sabi pa niya
"Rubie,kung may problema ka,sabihin mo sa akin makikinig ako" mahinahong sabi ko sa kanya at hindi ito nagsalita
Rubie's POV
["Rubie,kung may problema ka,sabihin mo sa akin makikinig ako"] sabi pa niya
Mas lalo akong nalungkot matapos niyang sabihin yun at hindi nakapagsalita
Nararamdaman ko na unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan
["Huy Rubie?"] sabi pa nung kausap ko
"Ano?"
["Umiiyak ka ba?"] tanong niya
"Hindi haha"
["Umiiyak ka alam ko.Nararamdaman ko at base sa boses mo,talagang umiiyak ka"] sabi pa nito
Kilalang-kilala niya talaga ako eh kahit hindi niya nakikita ang itsura ko,alam na alam niya ang nangyayari.
"Ok lang ako Reighnie salamat haha" natatawa ko pang sabi
"Sige na ibababa ko na may gagawin pa kasi ako" dugtong ko pa
BINABASA MO ANG
Crush Ko Teacher Ko [On-Going]
RomanceKilalanin si Reighnie - isang ordinaryong estudyante - na nagkagusto at nahulog ang loob sa kanyang guro. Kilalanin ang pinakabatang guro na kanyang hinangaan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Pipigilan kaya niya o ipagpapatuloy niya kahit alam n...