Rubie's POV
Nakangiti at mag-isa akong naglalakad papunta sa building namin dahil nauna na yung dalawa kong pinsan.Habang tinatahak ang daan, biglang may tumawag sa likod ko kaya nilingon ko ito at nakita ko naman ang tumatakbong si Reighnie kaya huminto muna ako sa paglalakad.
"Bakit?" tanong ko nung nakalapit ito sa akin. Hinihingal pa ito
"Sabay na tayo" tumango lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad
Pero bigla akong nagtaka nung napansin kong parang nagmamadali ito at nauuna na siya sa paglalakad kaya naman binilisan ko na rin ang paglalakad
"Hoy! Akala ko ba sabay tayo? Bakit parang nagmamadali ka?" at huminto naman ito sa paglalakad saka humarap sa akin
"May kakausapin lang ako" at saka ito nagtuloy-tuloy at iniwan ako
Ano?
Ganun ba siya ka-excited makausap yun?
Paakyat na ako ng building nung makita ko naman si Reighnie na pababa
"Hoy saan ka pupunta? Sa canteen ba? Hintayin mo ako."
"Hindi may hihintayin lang ako sa gate" mabilis nitong sabi
"Sino?"
"Si Erin" at saka ito umalis
Hayy naku
Pagpasok ko sa room, masayang kong binati ang mga kaklase ko.
"Goodmorning classmates!" sigaw ko pa
Nginitian lang nila ako at yung iba naman ay bumati din sa akin.
"Anong good sa morning?" agad akong napatingin sa nagsalita
"Oy Michael, nandito ka na pala. Ang aga mo ah" saka ako naupo
"Syempre naman. Nga pala saan pupunta si babe? Hindi nito ako pinansin kanina."
"Sa gate daw eh"
"Bakit daw?"
"Ewan ko dun basta ang sabi niya hihintayin niya raw si Erin."
"Aww ok"
"Ah by the way, sasama ka ba sa Science Camp?"
"Yup" tatango-tango nitong tugon
"Talaga? Naku talagang mag-eenjoy ka."
"Sana nga haha"
"Sigurado akong mag-eenjoy ka" paninigurado ko pa at ngumiti lang ito
Nilabas ko ang notebook ko at nagsimulang magbasa
"Am Rubie?"
"Mmm?" tiningnan ko naman siya
"Amm--"
Mukhang may itatanong siya kaso hindi nito naituloy dahil pareho kaming napatingin sa pinto nang pumasok si Reighnie na kinukulit si Erin.
"Sabihin mo na kasi" sabi pa nito
"Ang ano nga?" natatawa pa si Erin nang sabihin niya yun at nagtungo ito sa upuan niya na sinundan naman agad ni Reighnie
"Yung pinag-usapan niyo"
"Nino?"
"Erin naman eh alam mo naman kung sinong tinutukoy ko"
BINABASA MO ANG
Crush Ko Teacher Ko [On-Going]
RomanceKilalanin si Reighnie - isang ordinaryong estudyante - na nagkagusto at nahulog ang loob sa kanyang guro. Kilalanin ang pinakabatang guro na kanyang hinangaan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Pipigilan kaya niya o ipagpapatuloy niya kahit alam n...