Kinabukasan...
Rubie's POV
"Guys, upo na. Paakyat na si Sir." utos ng president kaya nagsi-upo na rin kami at ilang sandali lang, pumasok na si Sir James.
"Good morning Sir." bati namin maliban kay Reighnie
"Good morning" bati nito at pinasadahan niya ng tingin ang katabi ko na nakayuko lang pero hindi ko na ito masyadong pinansin pa at nakinig na lang kay Sir nang magsimula na itong mag-discuss.
Pero habang nagsasalita ito, napapadalas din ang pagtingin niya sa direksyon namin.
Tiningnan ko naman si Reighnie pero nakayuko lang ito at minsan ay nagpapakawala ng buntong hininga.
Ano bang meron?
"Ok. That's it. Class dismissed." ani Sir nang marinig ang pag-ring ng bell at niligpit ang mga gamit nito sa table
"Goodbye sir" paalam namin
Maglalakad na sana siya palabas nang bigla itong magsalita muli.
"Nga pala, later ko na kukunin ang outputs niyo." sabi nito at muli, nakatingin ito sa direksyon namin at nagulat ako sa nakita ko.
Nakangiti siya?
Agad kong tiningnan si Reighnie at nagtaka nang makitang nakatingin na rin ito kay Sir.
Binalik ko ang tingin kay Sir at nakangiti pa rin ito.
Taka kong tiningnan ang katabi ko, walang emosyong nakatingin lang ito.What's happening?
Tiningnan ko ang kaninang pwesto ni Sir pero wala na ito at nakita kong papasok na rin ang susunod na teacher.
Nagsimula na itong magsalita at nakinig naman kami at ang kaninang nakayukong si Reighnie, ngayon ay nakatingin na sa harap.
Hmm I smell something fishy.
Mukhang may hindi ako alam ah.Time flies so fast at ngayon ay recess time na.
"Reighnie, tara canteen." yaya ko
"Hindi lang ikaw na lang." tanggi nito
"Ok. May gusto ka ba? Libre kita."
"Hindi ok lang."
"Ikaw bahala."
"Ikaw Michael, tara canteen." baling ko kay Michael"Ikaw na lang." tanggi rin nito
"Ano bang problema niyo? Bahala nga kayo dyan." sabi ko at lumabas ng room
Habang pababa ako, nakasalubong ko Sir James.
"Hi Sir"
"Hello" sagot nito at nagpatuloy sa pag-akyat kaya nagtungo na agad ako sa canteen at bumili.
Buti na lang konti lang ang estudyante kaya nakabili agad ako.
Babalik na sana ako sa room nang may biglang tumawag sa akin kaya nilingon ko ito.
"Uy" nasabi ko na lang nang makita ang papalapit na si Vin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad ito papunta sa direksyon ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti ito.
"Sabay na tayo" aniya pagkalapit at tumango na lang ako
Bakit ang gwapo niya ngayon?
BINABASA MO ANG
Crush Ko Teacher Ko [On-Going]
RomanceKilalanin si Reighnie - isang ordinaryong estudyante - na nagkagusto at nahulog ang loob sa kanyang guro. Kilalanin ang pinakabatang guro na kanyang hinangaan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Pipigilan kaya niya o ipagpapatuloy niya kahit alam n...