Michael's POV
Pagkatapos kong marinig na inutusan ni Jas si babe na pumunta kay Sir pagkatapos kaming i-dismissed, sasamahan ko sana siya pero may bigla tumawag sa akin at nagpatulong kaya tumulong na muna ako.
Pagkatapos na pagkatapos ko, agad kong sinundan si babe.
Nakasalubong ko pa si Rubie sa paglalakad ko at nagkausap sandali pero agad din naman akong nag-paalam."Michael?" tiningnan ko kung sino yung tumawag sa akin at sa paglingon ko, nakita ko si Rona.
"Nakita mo ba si Rubie?" tanong nito pagkalapit"Oo nakasalubong ko siya kanina. Mukhang pupunta na yata siya sa assigned room niyo."
"Ah ok. Thank You." aniya
"Sige sige" sabi ko at umalis
Nakikita ko na ang office ni Sir at napansin kong nakatayo lang si babe sa may pinto ng office.
Tatawagin ko sana siya pero bigla itong umalis nang UMIIYAK?
Hindi ko alam kung anong nangyari.
Ang alam ko lang, habang papalapit ito sa direksyon ko nang umiiyak, nakaramdam ako ng sakit sa puso ko.Yung sakit na minsan ko na ring naramdaman noon.
"Babe?" tawag ko nung isang metro na lang ang layo niya sa akin pero nilampasan niya lang ako
"Babe?!" muli kong tawag pero hindi man lang ito lumingon
Tiningnan ko ang office ni Sir at lumapit dito.
Habang papalapit, nakaramdam ako ng galit.
Kakatok na sana ako nang mapansin kong medyo nakabukas ang pinto at may narinig akong nag-uusap sa loob.
"Kayo talaga Sir hahaha. Pwede yun bwahahahaha." rinig na rinig ko ang tawa ng isang babae.
Pamilyar sa akin ang boses niya.
Parang narinig ko na yun somewhere"Tingin mo? Bwahahaha" tawa ni Sir
Anong pinag-uusapan nila?
Bakit ganun ang reaksyon ni babe?
Oo nga pala si babe!
"Reighnie" bigla kong sabi at tiningnan ang direksyon kung saan ito tumakbo kanina
Agad kong siyang hinanap.
Pinuntahan ko ang bawat sulok ng paaralan na to pero hindi ko ito makita.
Ramdam na ramdam ko na ang pagod pero binabalewala ko yun.
"Nasaan ka babe?" hinihingal kong sambit
Ayokong umiiyak ka babe.
Ayokong mangyari ulit yung nangyari noon.Bigla akong may naalala kaya agad akong nangtungo doon
Yung grade 10 park na lang yung hindi ko napupuntahan
At minsan na ring nabanggit sa akin ni babe na kapag stress siya at nalulungkot sa school, yung grade 10 park ang pinupuntahan niya.
Sa di kalayuan, nakikita ko na ang park at tama nga ako nandun siya at mukhang kasama niya si Rubie.
Lalapitan ko na sana sila pero naagaw ang atensyon ng isang lalaking nakatayo sa di rin kalayuan at nakatingin sa park.
Kahit medyo madilim at malayo ako, kilala ko kung sino siya dahil sa porma at tindig niya.
BINABASA MO ANG
Crush Ko Teacher Ko [On-Going]
RomanceKilalanin si Reighnie - isang ordinaryong estudyante - na nagkagusto at nahulog ang loob sa kanyang guro. Kilalanin ang pinakabatang guro na kanyang hinangaan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Pipigilan kaya niya o ipagpapatuloy niya kahit alam n...