Chapter 1

462 96 42
                                    

Reighnie's POV

"Ma,alis na po ako." paalam ko kay mama na kasalukuyang kumakain

"Hindi ka ba muna kakain?" tanong niya at agad naman akong umiling

"Late na po kasi ako eh.Sa school na lang po ako kakain." sabi ko pa at saka kinuha ang mga gamit ko at tumayo.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang biglang magsalita si mama.

"Yan kasi!Kapag gabi,ang tagal matulog kapag umaga,ang tagal gumising.Sige na alis na tutal hindi naman kami ang magugutom,hindi naman kami ang magkaka-ulcer." tuloy tuloy na sabi niya kaya naman nilingon ko ito.

"Mama naman eh. Eto na po kakain na." mabilis kong sabi at agad na naupo
Binilisan ko na lang ang pagsubo ko.
Mabilis kong tinapos ang pagkain at nagpaalam at nakangiti naman ito.

"Ingat" aniya at tuluyan na akong lumabas

Naglalakad lang ako kapag pumupunta ako ng school. Malapit lang kasi ang school namin. Mga ilang minutong lakaran lang,makakarating ka na sa Ramon Mercado High School.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa natanaw ko na ang gate. Mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa marating ko na ito.
Pagpasok ko,may mga estudyanteng nakapila at kinakausap ng guard.

Nakalimutan siguro nila ang mga I.D nila. Buti na lang yung I.D ko di ko nakakalimutang dalhin.

Habang naglalakad...

"Eh guard nakalimutan ko nga po.Sige na guard promise hindi na po mauulit to." rinig kong sabi nung isang lalaking student na nakapila.

"Hindi na mauulit? Eh yan din yung sabi mo nung isang araw eh tapos hindi mo naman ginawa.Dapat kasi lagi niyong suot ang mga I.D niyo kapag papasok kayo." sagot naman ni kuyang guard saka tumingin sa lahat ng mga nakapila

"Eh guard nakalimutan nga po namin." sigaw naman nung isa pa.

Sabi ko na nga ba nakalimutan nila

"Ang babata niyo pa tapos makakalimutin na kayo.Aba hindi pwede yan." sabi naman ni guard.
"Kunin niyo mga I.D niyo." dagdag pa nito

Tama nga naman siya ang babata pa nila pero nagiging makakalimutin na sila.
Patuloy kong tinahak ang daan at hinanap ang kotse ni Sir at hindi ko ito nakita so ibig sabihin wala pa siya.

Narating ko na ang building namin at papaakyat na sana ako nang biglang may tumawag sa akin.

"Reighnie?" tawag sakin ni Rubie na kaklase ko at nilingon ko naman ito.

"Bakit?"

"Wala pa yung asawa mo.Malelate yata yun."sabi niya at napangiti naman ako.Talagang tanggap na nila na asawa ko na talaga si Sir James hahhhaha.Lagi ko kasing sinasabi sa kanila na asawa ko siya dahil sa sobrang paghanga ko sa kanya.

Crush Ko Teacher Ko [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon