Reighnie's POV
"Nandyan na siya." - Rubie
"Hawakan mo muna itong baso." kinuha ko naman ito sa kanyaNagtungo siya sa pinto at binuksan ito.
"Kuya J-" aniya na hindi man lang natapos ang sasabihin niya kaya naman napatingin ako sa kanya
Anong nangyari dun?
Bakit nakatayo lang siya?
"Rubie?" tawag ko pero hindi man lang nito ako nilingon
Bakit parang nakakita siya ng multo?
"Hoy Rubie? Anong meron?"
Dahan dahan nito akong nilingon at kitang-kita sa mukha niya ang gulat.
"Ano bang nangyari?" tanong ko
"Sino ba yan? Si Jas na ba yan?" dugtong ko na sinusubukang silipin ang pinto pero hindi ko iyon makita kasi hindi naman ito nakabukas ng todoMuli ko siyang tiningnan at naglakad ito papalapit sa akin
"Huy!" sabi ko pagkalapit niya
"Si ano si.." hinintay ko ang susunod na sasabihin niya pero hindi niya ito tinuloy
"Sino?" muli kong tanong
"Si ano si-
Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil napatingin kami sa pinto nang may biglang pumasok
Laking gulat ko nang mapagtanto kung sino yun.
Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit ito sa direksyon ko.
"Kumusta ka na?" tanong niya at hindi agad ako nakasagot
"Okay ka na ba?" muli nitong tanong
"Ah o-opo. O-okay naman po a-ako." nauutal kong tugon
Eh kasi naman hindi ko inexpect ito.
Hindi ko inexpect na makikita ko siya dito.Ilang sandali pa kaming nagkatitigan pero hindi ko nakayanan yun kaya naman binaling ko ang tingin ko kay Rubie at tumingin din ito sa akin.
Kitang-kita rin na nagulat din siya sa nangyari.
"May dala akong pagkain." sabi ni Sir at napatingin kami sa dala niyang kanin at ulam
"Kumain na muna kayo." abot niya sa dala niyang pagkain kay Rubie"Thank You po." walang ganang sabi ni Rubie at dinala sa mesa ang pagkain
Tiningnan ko muna ang ginawang paghahanda ni Rubie saka bumaling kay Sir.
Yung kabang naramdaman ko kanina ay parang dumoble ngayon na nakatitig kami sa isa't isa.
Ilang sandali pa kaming ganun nang biglang pumasok sa isip ko ang narinig ko kanina kaya naman agad kong iniwas ang tingin sa kanya.
Namalagi ang katahimikan sa loob ng kwarto.
"Rubie?" basag ni Sir sa katahimikan nang tawagin niya ang kasama ko
"Po?"
"Ano bang nangyari?"
Tiningnan muna ako ni Rubie bago ito sumagot.
"Bigla po kasi siyang nahimatay kanina. Sabi nung nurse napagod po siya at hindi nakayanan ng katawan kaya ayun po nahimatay. Pero ok naman na po siya."
"Oh ito kumain ka muna." baling niya sa akin at dinala ang pagkain na agad ko rin namang kinuha at kinain
BINABASA MO ANG
Crush Ko Teacher Ko [On-Going]
RomanceKilalanin si Reighnie - isang ordinaryong estudyante - na nagkagusto at nahulog ang loob sa kanyang guro. Kilalanin ang pinakabatang guro na kanyang hinangaan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Pipigilan kaya niya o ipagpapatuloy niya kahit alam n...