Chapter 9

86 15 0
                                    

Reighnie's POV (Wednesday)

Sa wakas komportableng-komportable ako sa suot ko ngayon.
Naka-P.E uniform kami ngayon. Every Wednesday, nakaganitong uniform talaga kami kaya nga gustong-gusto ko ang araw na yan eh.

Lahat kami ay naka-upo sa kanya kanya naming upuan at nakikipagkwentuhan sa mga katabing kaklase nang biglang pumasok si Sir kaya tinuon namin ang atensyon sa kanya at sa kasama niyang pumasok.

OMG!
It this real?

"Ok class sorry kung ngayon lang ako may inasikaso pa kasi ako sa baba." sabi pa ni Sir

"By the way, he is your new classmate." baling niya sa kasama niya at mas lalo akong nagulat dahil dun

Bagong classmate?

"Introduce yourself" utos pa ni Sir

"Hi I'm Michael Santiago. I'm 16 years old. Nice to meet you all." nakangiting sabi pa nito

"Michael? Parang narinig ko na yung name niya. Di ba Michael din yung pangalan nung kinuwento mo sa amin?" tanong ni Rubie pero hindi ko na ito nagawang sagutin

Bakit nandito siya?

"Wait Michael, may ibang lahi ka ba? tanong agad ng classmate ko

"Wala I'm a pure Filipino" ngingiti-ngiti pa rin niyang sabi

"By the way class, he's from States" singit naman ni Sir

"Woahh"

"Bongga"

"Woowww" napapamanghang sabi ng mga kaklase ko habang nakatingin lang ako sa kanya

"Bakit ka nagtransfer dito? Di ba ang ganda dun?" muli nitong tanong

"Haha because of someone"

Wait tama ba to?

Bakit sa akin siya nakatingin?

Wahhh!

"Ok na makakausap niyo rin siya ng mas matagal. Michael, welcome to G10 Einstein. You may take your seat."

"Thank you Sir"

"May bakanteng upuan pa dun sa tabi ni Reighnie." sambit ni Erin

Naman eh bakit sa tabi ko pa?

Agad nagtungo si Michael sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Hi babe" bulong niya

OMG!
Baka may makarinig!

"Ano ka ba? Umupo ka na lang nga" bulong ko rin at saka tinanggal ang bag ko sa upuang uupuan niya at ngingiti-ngiti naman itong sumunod

"Bakit nandito ka?" agad na tanong ko nung naka-upo na ito

"Because of someone nga" tugon niya ng hindi nakatingin sa akin

"Hindi ako nagbibiro ah. Bakit ba kasi?" mahinang bulong ko
"Teka.. ito ba yung sinasabi mong good news?"

"What do you think? Ok ba?" saka ako nito tiningnan pero bumalik din agad ang paningin niya sa harap na siya ring ginawa ko

"Sana sinabi mo agad"

Crush Ko Teacher Ko [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon