Michael's POV
Pag-uwi ko, agad akong nagtungo sa kwarto at nahiga.
Grabe napagod ako dun ah
Matutulog na muna ako
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may bigla akong naalala
"Okay tara maglinis na tayo gusto ko na siyang makita." - Reighnie
"Yay Reighnie talaga asa pa"
"Go Reighnie. Susuportahan kita sa pangarap mo"
Napabuntong hininga ako matapos kong isipin yun
Sino yung gusto niyang makita? At bakit ganun na lang kaingay ang room kanina nang sabihin niya yun?
At saka.. sino yung sinasabing niyang gwapo?
At ang nakakapagtaka, bakit parang kakaiba yung nakita kong ekspresyon sa mukha niya nung ituro ko si Sir kanina habang pababa kami ng hagdan?
Hmm bakit kaya?
Wala lang siguro yun hayaan na nga.
Reighnie's POV
"Kuya?" tawag ko sa kuya kong naka-upo lang sa sofa at busy sa kakalaro pero hindi nito ako pinansin
Hayy naku hanggang ngayon ba naman
"Hoy Rhyan!" at saka lang ito tumingin sa akin
"Aba! Wala kang galang!" nakakunot ang noong sabi nito
"Eh kasi naman di ka namamansin eh"
"Oh tapos? Tatawagin mo na lang ako sa pangalan ko? Eh di mas lalo akong magagalit niyan."
"Eh di sorry" sabi ko at saka ito bumalik sa paglalaro
"Nga pala, alam mo bang nandito na si Michael?" agad nito akong tiningnan
"Talaga?" tanong niya at naupo ako sa tabi niya
"Kasama niya ba raw yung kuya niya?" dugtong niya pa"Ewan di ko natanong eh saka hindi namin napag-usapan ang tungkol sa pagdating niya dito o kung sino man yung kasama niya"
Tumango-tango lang ito
"Ah nga pala dito na siya mag-aaral. Classmate ko siya at kanina lang siya pumasok" dugtong ko
"Dito na siya mag-aaral at classmate mo pa?" gulat niyang tanong
"Hindi mo man lang sinabi""Eh hindi ko naman alam eh kanina ko nga lang siya nakita"
"Ganun? So kumusta?" tanong nito na kakaiba ang tingin
"Ok lang naman ako"
"Hindi ikaw! Yung pagkikita niyo kumusta?"
Sabi ko na nga ba
"Ok lang"
"Wehh? Talaga ba?" bakas sa boses nito na nang-aasar siya
BINABASA MO ANG
Crush Ko Teacher Ko [On-Going]
RomanceKilalanin si Reighnie - isang ordinaryong estudyante - na nagkagusto at nahulog ang loob sa kanyang guro. Kilalanin ang pinakabatang guro na kanyang hinangaan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Pipigilan kaya niya o ipagpapatuloy niya kahit alam n...