Chapter 17

57 13 0
                                    

Rubie's POV (5:30 AM)

"Time to wake up students!" boses ng isang babaeng mula sa stage na nagpagising sa amin.

Dahan-dahan akong dumilat at tiningnan ang mga kasama ko.

Bumangon na yung iba at yung iba naman ay nakahiga pa rin at ginigising ng mga kasama nila.

Biglang pumasok sa isip ko si Reighnie.

Ano kaya ang nangyari kagabi?

Tiningnan ko ang katabi kong si Patra na natutulog pa rin.

"Pat" yugyog ko dito

"Inaantok pa ako." nakapikit na sambit nito

"Gumising ka na." sabi ko naman at muli siyang niyugyog

"5 minutes."

"5 minutes ka dyan. Oo 5 minutes na lang dapat nasa covered court na tayo." sabi ko naman at ilang sandali lang ay bumangon na ito

"Nakakainis naman." aniya habang nililigpit ang pinaghigaan niya
"Nga pala Rubie..

Tiningnan ko siya at kunot-noo itong nakatingin sa akin

"B-bakit?"

"Hindi ka naligo no?"

Nginitian ko lamang siya

"Kaya pala. Kagabi pa ako nakakaamoy ng mabaho."

"Hoy grabe ka naman sa mabaho. Mabango kaya ako. Amuyin mo pa." at pilit kong pinapaamoy sa kanya ang sarili ko.

"Dun ka na nga." pagtataboy niya sa akin at tinawanan lang siya

"Sinong magluluto ng breakfast ngayon?" napatingin kaming lahat sa pumasok na si Rona

"Oo nga pala sino?" ani Patra

Sino kaya?
Kawawa naman yung taong yun kung ganun.
56 kaming lahat sa subcamp.
Mukhang mahihirapan ito.

"Kawawa yung-

Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang mapansin kong nakatingin sa akin si Rona habang nakangiti

Anong problema niya?

Binaling ko ang tingin kay Patra at ganun din ito. Nakangiti habang nakatingin sa akin.

Muli akong lumingon kay Rona.

"Wait. Don't tell me --

"Ok guys! Si Rubie ang maghahanda ng breakfast natin." biglang sabi nito

Wait

What?!

"T-teka bakit a-

"Ok guys. Mag-ayos na kayo." aniya at lalabas na ng room kaya't hinabol ko pa ito

"Sandali lang--

"Nga pala Rubie, maghanap ka ng makakasama mo." lumingon nitong sabi

"Dun sa mga lalaki. Isa sa girls, isa sa boys para fair." suhestiyon ng isang babae na sa tingin ko ay nasa grade 9 na ito.

"Tama. Tama." sang-ayon ni Patra at bumaling sa akin
"Kumuha ka na lang ng makakasama mo dun." saka ito lumabas ng room

Crush Ko Teacher Ko [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon