Chapter 7

110 16 0
                                    

Someone's POV

Kasalukuyan kaming nag-aalmusal nang biglang magsalita si Mommy.

"Anak, naalala mo ba yung sinabi ko sayo kahapon?" tanong nito

"Ang alin po?" tanong ko naman sa kanya bago sumubo ng pagkain

"Yung tungkol sa sinasabi ko sayong lalaki." napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin yun

"Sinabi ko naman po di ba na ayoko?" sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya

"May itsura siya kaya magkakasundo kayo."

"Ayoko na nga po Ma!" napalakas ang boses ko nang sabihin ko yun kay Mommy at nakita ko namang nagulat si Daddy sa ginawa ko at saka padabog na binitawan ang hawak kong kutsara at patakbong pumunta sa kwarto ko at agad ni-lock ang pinto at nahiga

"Lagi na lang sila ang nasusunod.Ano to wala akong karapatan mag-desisyon tungkol sa buhay ko?" bulong ko pa saka ipinikit ang mga mata ko

"May itsura siya at magkakasundo kayo."

Naimulat ko ang mga mata ko nang maalala ang sinabi ni Mommy kanina.

"Eh ano naman ngayon kung may itsura eh ayoko nga." matapos kong sabihin yun,muli akong pumikit at agad nakatulog
.
.
.
.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko naman si yaya na kasalukuyang niyuyogyog ako.

Naman hindi pa ganong katagal ang pagtulog ko.

"Gumising ka para makapag-ayos ka" sabi nito at medyo nagtaka ako kaya iniwas ko ang paningin sa kanya

"Makapag-ayos?Para saan naman po at bakit---

Hindi ko agad natapos ang sasabihin ko at nakangangang tumingin sa kanya

Hindi kaya..

Tumango ito at tama nga ang iniisip ko

"Ayoko po!" medyo napalakas ang sigaw ko

"Utos ng Mommy mo" saad pa nito

Kahit na!

"Ayoko po!Kung gusto niya,siya ang makipag-date!" naiinis kong sabi

Lagi na lang niya ako pinapa-blind date and see eto na naman yun kahit lagi ko naman sinasabi na ayoko pero talagang pinipilit niya ako.
Ewan ko ba kay Mommy.Si Daddy kasi hindi niya naman ako inuutusan makipag-date pero hindi rin naman niya pinipigilan si Mommy.

At tungkol naman sa mga naka-date ko,wala akong magustuhan sa kanila I mean alam mo yun?

Kasi last month,yung naka-date ko is medyo mas bata kaysa sa akin eh ayoko ng ganun gusto ko yung lalaki ang mas matanda kaysa sakin.
Tapos last week,naku hindi nga mas bata sa akin pero sampung taon naman ang tanda niya sa akin mas lalong ayoko naman nun.

Crush Ko Teacher Ko [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon