Sa Bahay:(6:45 pm)
Reighnie's POV
"Poooo?" sagot ko sa tawag ni mama na nasa ibaba.
Kasalukuyan kasi akong nag-efb,nagyu-youtube at nag-aaral dito sa taas lahat pinagsasabay ko.
"Hindi ka pa kakain? Ano man yung pagkain pa ba ang aakyat diyan sa taas?" malakas na tanong niya at bakas sa tono ng pananalita niya na naiinis at galit na siya.
"Mauna na po kayo mamaya na po ako kakain.Nag-sstudy pa ako." sagot ko naman at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Matapos kong sabihin yun ay hindi na siya nagsalita pa.
Habang nag-iscroll ako,biglang may nag popped up na message.Binuksan ko naman agad ito.
Uyy si Sir James nag chat sa GC.
Binasa ko naman yung message niya.
Sir James: Einstenians, huwag mag-aabsent bukas dahil may announcement ako.
Ano kayang iaannounce niya?
Hindi kaya?
Oh My Goddess!I'm A Goddess!
Baka sasabihin niya na sa lahat na mag-asawa kami.Yieee hahahaha
Actually, kahit hindi niya na aminin sa lahat dahil nasabi ko na man din sa lahat at alam na nila yun pero di nga lang nila tanggap.Matapos kong basahin yun ay chinarge ko na ang cellphone ko at nagpasyang bumaba na para kumain.
Tapos na rin kumain sina mama at kapatid ko kaya ayun mag-isa akong kumakain at nagsi-akyatan na sila.Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang mga ginamit ko at umakyat na rin ako at agad na humiga at natulog.
.
.
.
.
.
.
.
.Friday(6:00 AM)
Ang aga pa!Nakakatamad gumalaw.
Dahil sa inaantok pa ako, naisipan kong matulog muna kahit mga 10 minuto lang.Pagpikit na pagpikit ko,may pumasok agad sa isip ko.
Oh No!
Bawal pala malate!
Kaya ayun,bumangon ako agad at dali daling kinuha ang tuwalya ko at halos matumba na sa pagtakbo patungo sa banyo
"Reighnie mag-almusal ka na." rinig ko pang sigaw ni mama nung isara ko ang pinto
"Teka!Maliligo po muna ako!Bawal malate!" pabalik ko ring sigaw at agad na naligo
Dahil sa pagmamadali,hindi ko alam kung nakaligo ba ako ng maayos.
Bahala na basta hindi malate.Halos maslide ako sa pagmamadaling lumabas ng banyo dahil basang-basa pa ako kahit naka-tuwalya na ako.
Pati sa pagbibihis at pag-aayos ay nagmamadali pa rin talaga ako.Dapat lang! kasi maglalakad pa ako papuntang school.
Pagkatapos na pagkatapos ko,ay bumaba agad ako. Pati sa pagbaba ay nagmamadali pa rin talaga ako halos mahulog na nga ako eh.
"Oh anak dahan dahan lang." usal ni mama at rinig ko namang ang mahinang pagtawa ni Kuya pero hindi ko na sila pinansin pa at agad na naupo na lang at nagsimulang kumain.
BINABASA MO ANG
Crush Ko Teacher Ko [On-Going]
RomanceKilalanin si Reighnie - isang ordinaryong estudyante - na nagkagusto at nahulog ang loob sa kanyang guro. Kilalanin ang pinakabatang guro na kanyang hinangaan. Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Pipigilan kaya niya o ipagpapatuloy niya kahit alam n...