Panimula

146 10 1
                                    

Ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng aking hininga. Dahan-dahan akong tumingala sa malawak na kalangitan kung saan kitang-kita ang nagkikinangang mga bituin at ang maliwag na buwan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kabila ng nararamdaman kong pighati. Aking ramdam ang bawat kirot ng hagupit at hampas nila sa akin.

"N-noon, kasama ko siyang pinagmamasdan ang payapang kalangitan. Ngunit ngayon, mag-isa akong tumitangala habang nagluluksa..." Muling bumalik sa aking isipan ang mga salitang binitawan nila.

"Ang ganiyang uri nang pagmamahal ay isang huwad!"

"Isang kasalanan sa mata ng Diyos. Isang kahihiyan."

"Isang gawang hindi makatao!"

"Isang ideya na puno ng kahibangan!"

"Pagmamahal? Kailan pa naging magmamahal ang isang kasalanan?"

Mga salitang binitawan nila sa akin, na unti-unting sumisira saaking sistema. Naalala ko ang mga tinging pinukol nila sa akin. Ang mga mata nilang mapang-mata. Puno ng pagdisgusto. Tila ba nalimot na nila na minsan lumapit sila sa akin para humingi ng tulong. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kanilang asal. Ganoon ba talaga ang tao? Nakakalimot ng kabutihang ginawa mo? Pag nakakita sila nang isang kamalian saiyo. Ngunit kailan ba naging mali ang pag-ibig?

Mapait akong ngumiti sa kalangitan. Dahan-dahan akong gumapang upang maabot ang kwaderno kung saan nakalahad ang aming kwento. At pluma na iniregalo ng aking tinatangi na nakahandusay sa maputik na lupa.

Bagama't nanginginig ang aking mga kamay. Nabitawan ko ang pluma walang lakas ang aking mga kamay ngunit pinilit kong isulat ang mga mensahe na nais kong iparating sa kaniya. Ginamit ko ang aking mga daliri upang magsulat. Gamit ang patak ng aking mga dugo. Isa-isa kong nilahad ang mga titik na nais kong mabasa niya. Ang aking pahimakas na liham. Ang liham ng aking pamamaalam. Maiwan man siya sa mundong ito, nais kong malaman niya na ang mga salitang hindi ko na mauusal sa kaniyang harapan.

Pumatak ang aking masagang luha nang sumagi sa aking isipan kung paano niya itinanggi, tinalikuran at mas piniling huwag ipaglaban ang pag-ibig na binuo naming dalawa.

Tanda ko pa ang mga mata niyang wari'y walang pakialam habang nakatingin sa akin na nakasadlak sa lupa nakaluhod. Nagmamakaawa. Walang bahid ng anumang damdamin ang kaniyang mga mata habang binibitawan ang salitang dumurog sa akin ng tuluyan.

"Isang kamalian ang pag-ibig na ito. Hindi ito totoong pagmamahal isa itong kahibangan. Sinisira tayo nito bilang tao sa mata ng Diyos. Ako'y iyong patawarin ngunit nais ko nang putulin ang anumang ugnayan na namagitan sa ating dalawa. Papakasalan ko na si Amelia, dahil siya naman talaga ang nakatakda para sa akin." Kita ko sa balintataw niya na pawang katotohanan ang tinuturan niya.

"M-mahal mo ako hindi ba?" Sa gitna ng aking pagkawasak ang lakas nang loob para ibato ang katanungan na iyon. Sa pag-iling nito tuluyan akong nawalan ng pag-asa upang lumaban. Iniwan na ako ng lahat. Tinawag na makasalanan. Kaya kong tanggapin ang bawat masasakit na salita ang bawat suklam nila nguhit hindi ang pag-iling niya sa tanong na iyon.

"Hindi iyon pagmamahal. Isa iyong kasalanan..."

Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit ng aking kalooban ngunit alam kong hindi na niya ako lilingunin pa. Tinapos na niya ang sinimulan naming dalawa.

Tuluyan akong nanghina. Kasabay sa pagpatak ng ulan. Ang paglabo ng aking paningin. Bago tuluyang sumara ang aking mga mata akin tinapunan ng huling tingin ang liham na aking ginawa. Isang ngiti ang sumilip sa akin labi bago ako yakapin ng dilim at tuluyang bumitaw sa pisi ng buhay.

Pahimakas (The last farewell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon