Kabanata - 1

107 8 0
                                    


"Sa unang pagtatagpo ng ating mga mata ay ang pagsiklab ng isang damdaming saiyo ko lamang naramdaman. . ."

***

Ramdam ko ang lamig nang hangin habang tinatahak ko ang madilim na daan papuntang pamilihan. Bitbit ang aking lampara tahimik akong naglalakad sa maliit at masikot na aspaltong daan. Maaga akong gumising upang magawa nang maaga ang aking gawain sa araw na ito.

"Aba! Uno, magandang umaga, kay aga mo naman. Hindi pa tumitilaok ang mga alaga kong manok naunahan mo pa sila." Napangiti ako sa tinuran ni Ginoong Pablo isa sa mga matagal ng naninirahan sa aming lugar. Maaga rin ito kung gumising upang ayusin ang pakainan ng kaniyang mga alaga. Huminto muna ako sa tapat ng kaniyang bakod mula sa labas ngd kanilang tahanan.

"Magandang umaga rin ho, ginoong Pablo. Kailangan kong agahan para matapos agad ang gawain ko." Ilang minuto muna kami nag-usap hanggang sa nagpaalam na muli ako para magpatuloy na sa paglalakad. Pagdating sa aking patutunguhan bilang lang ang mga tao sa loob ng pamilihan. Mabilis ako pumunta sa pwesto ng mga isdang galing pa sa pier ng maynila.

"Uno, ito dalhin mo sa aking pwesto." Magiliw kong sinunod si Ginang Ocampo. Isa sa mga nagtitinda sa pamilihan ng sariwang mga isda. Isa siya sa mga nagtitiwala sa akin sa aking gawain.

"Uno, tirik na ang araw ikaw magpahinga na muna," Dinig kong wika ni Ginang Ocampo. May ngiti sa labi ako nitong inabutan ng tubig at akin namang tinanggap na may ngiti rin sa aking labi.

"Salamat ho, " Tinanguan ako nito. Humanap ako ng aking masisilungan habang namamahinga. Dagsa na ang tao sa pamilihan. Maingat akong lumayo muna sa aking pwesto upang hindi makabangga ng kahit sino. Sumilong ako sa malaking puno ng sampalok na hindi kalayuan. Isinandal ko ang aking hapong katawan sa puno. Ibinaba ko ang aking salakot at piniling pagmasdan ang mga nagdadagsaan tao papasok at palabas ng pamilihan.

"Uno!" Ako'y napalingon sa tumawag sa aking pangalan. Kumakaway ito habang palapit sa aking pwesto. Ngunit malayo palang tanaw ko na ang mamahalin nitong barong tagalog. Suot niya rin ang isang mamahaling salakot nahindi hamak mas may halaga kaysa sa aking hawak. May ngiti ito sa akin habang papalapit sa akong pwesto.

"Señorito Mateo, ikaw pala." Yumuko ako bilang isang paggalang. Anak ito ng isa sa mataas na opisyal sa aming bayan.

"Uno, hindi ba ang aking bilin saiyo huwag ka nang yuyukod sa akin. Huwag mo na akong tawaging señorito dahil ilan taon lamang ang tanda ko saiyo? At sa kadahilanang ikaw naman ay aking kaibigan." Nagbuga ako ng hangin bago salubungin ang itim nitong mga mata. Sa uri ng titig niya tila sinasabi nito na dapat ako sumunod kaya naman, dahan-dahan akong tumango.

"Patawad, ako'y nasanay lang, sa ganoong uri ng kilos."

"Anong oras matatapos ang iyong gawain?" May ngiti sa labi nitong tanong.

"Hapon pa, Mateo. Bakit? May kailangan ka?" Iling ang sagit nito.

"Nais ko lang magpasama saiyo sa plaza. Maari mo ba akong samahan?" 

"Maari naman pagkatapos ng aking mga gawain. Doon nalang tayo magtagpo." Mabilis naman itong pumayag. Pagkatapos namin mag-usap. Nagsimula na ulit akong gawin ang mga naiwan ko pang gawain.

"Uno, ito ang bayad ko para sa araw na ito." Inabot sa akin ni Ginang Ocampo ang bayad niya sa akin. Yumuko ako at nagpasalamat.

"Maraming salamat ho." Nagpaalam na ako. Bago ako lumisan sa pamilihan sumilip muna ako sa tindahan ng mga pluma't kwaderno. Kilala ang tindahan na ito dahil mga sikat na maestro at manunulat ang mga bumibili dito. Tinignan ko ang aking kasuotan. Madumi at butas-butas. Hindi ako maaring pumasok sa loob. Kaya aking mas piniling silipin muna sa labas ang pluma't kwadernong matagal ko ng ninanais bilhin ngunit kulang ang aking pera upang mabili ito. Mula sa salaming harang kitang-kita ang pluma na kulay ginto. Maging ang kapareha nitong kwaderno. Tila ba kung sisikatan ito ng haring araw ay kikinang ito ng napakatingkad. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa mga ito ng may biglang tumulak sa aking katawan na nagresulta sa akin upang masubsob sa lupa.

Pahimakas (The last farewell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon