Agosto 29, 1***
Mahal kong Alek,
Tanda ko pa kung paano tayo unang nagkatagpo. Kung paano ang ating mga mata ay sinalubong ang isa't-isa. Alam kong isang kasalanan na tumitig sa mas nakakataas ngunit hindi ko maiwasan. Nalunod ako sa tila karagatan mong mga mata na tila nilakbay ako sa mundong hindi ko pa kaylanman napupuntahan. Animo'y isang mahika ang humila sa akin sa 'iyo. Ngunit alam ko ang aking lugar kaya kahit labag sa aking kalooban ilihis ko ang aking mga mata palayo sa marahuyo mong titig. Ilang gabi hindi ako makatulog sapagkat ikaw at ang iyong asul na mga balintataw ay paulit ulit na bumabalik sa aking isipan. Nais kitang masilayan ulit ngunit paano? Hindi basta makakalapit ang isang mababang uri ng taong tulad ko sa taong tulad mo. Ngunit hindi ako sumuko. Linggo-linggo pumunta ako sa simbahan upang ipagdasal na, nawa'y masilayan muli kita. Taos puso akong nagdasal at nagdonasyon upang matupad ang aking mga dasal. Hindi naman ako nabigo. Muli kitang nakita. Tumatakas sa inyong tahanan dahil ayaw mo sa desisyong ginawa ng iyong pamilya. Humingi ka ng tulong sa akin. At aking natagpuan ang sariling buong puso kang tinulungan. Lumipas ang mga araw, at maging mga buwan. Marami akong natutunan sa iyo at ganoon ka rin sa 'kin. May naramdaman akong hindi dapat maramdaman sapagkat hindi iyon nararapat. Ako ay naguguluhan kung paano ako nahulog sa kapwa ko may katulad na kasarian. Sinubukan kong iwaglit. Ngunit nang aking malaman na ganoon din ang iyong nararamdaman tila ba ako'y inawitan ng mga anghel sa kalangitan. Minahal natin ang isa't-isa kahit kasalanan ang tingin nila. Sapagkat ang importante sa akin ay ikaw aking sinisinta. Ikaw ang aking tinatangi. Ikaw ang aking mundo na sa araw-araw ay aking pipiliin. Ngunit hindi gaya ng ninais ko ang naging katapusan. Ikaw ay lumisan. Sinubukan kong ipaglaban ka ngunit ika'y sumuko na. Aking nasasaksihan kung paano mo siya tinalikuran ang mayroon sa ating dalawa na tila ba'y wala kang maiiwan. Nais kong mapoot. Nais kong humiyaw. Ngunit mahal kita. Mas nanaig ang nararamdaman kong pangungulila saiyo. Marahil ito na ang huling liham na matatanggap mo mula sa akin. Masakit malaman na sa gitna ng pahihinagpis ko ay ang pagligaya mo sa piling niya. Ako'y nalulumbay sa katotohanang mas pinili mong talikuran ang pag-ibig na binuo nating dalawa. Ngunit huwag kang mag-alala aking mahal, ako'y hindi magtatanim ng anumang poot sa aking kalooban. Bagama't hindi mo man ipinaglaban ang ating pagmamahalan. Ang makilala ka sa mundong pinakait ang lahat sa akin ay isa nang rason upang maging masaya. Hanggang sa muli nating pagkikita aking sinta. Ako'y magpapaalam na. Iyong pagkatandaan mahal kita at kung isang kahibangan o, kasalanan ang ganitong uri ng pagmamahal aking handang harapin ang kaparusahan kahit ito pa ay kamatayan. Laging mong pagkatandaan sa pagitan ng paglaban at pagsuko ikaw ang pipiliin ko.
Nagmamahal,
Uno.
BINABASA MO ANG
Pahimakas (The last farewell)
Romantik"Kung aking ihahalintulad sa isang awitin ang ating pag-iibigan. Ito'y isang kundiman, puno ng pagmamahal ngunit natapos sa isang paalam..." Paano ipaglalaban ang pag-ibig na nabuo sa panahong hindi inaasahan? Paano kung isang kahibangan at isang ka...