"Sa muling pagtatagpo ay tuluyan nang lumikha ang tadhana ng dahilan upang tayo'y magkakilala..."
****
Nakatanaw lamang ako sa malakristal na dagat habang nakaupo sa buhanginan. Napapikit ako sa simoy ng hangin na tumama sa akin. Muli kong minulat ang aking mga mata upang pagmasdan ang tanawin sa aking harapan. Kumikinang ang asul na dagat. Tila dyamante na nakalatag sa lupa. Ngayon ay araw ng linggo wala akong gawain sa pamilihan kaya sa libre kong oras ay nakaupo ako sa dalampasigan pinakikinggan ang humuhuni ang mga ibon sa kalangitan.
"Uno!"
"Uno!" Ako ay napalingon sa tumatawag sa aking pangalan. Napangiti ako nang matanaw ang dalawang pamilyar na mukha ng mga batang tumatakbo papalapit sa aking kinauupuan.
"Bing, Ding..." bati ko sa mga ito. Umupo rin sila sa buhanginan. At tumanaw sa dagat.
"Anong ginagawa mo dito, Uno?" Nilingon ko si Ding bago sumagot. Itinaas ko ang luma kong kwarderno at ang pluma ko.
"Naghahanap ako ng inspirasyon sa aking pagsusulat." Tila lumawanag ang mga mukha nito.
"Uno, turuan mo kaming magsulat." biglang sabi ni Bing.
Umiling ako at lumingon sa paligid para tignan kung may ibang tao. "Bing, hindi ako marunong masulat gamit ang alpabetong romano. Tanging ang aking alam lamang ay ang baybayin."
"Hindi ba ay dapat kang matuto nang bagong istilo ng pagsusulat? Sabi ina ay wala nang gumagamit ng baybayin sa panahon ngayon." Kunot noong tanong ni Bing. Ngumiti ako ng malungkot sa kanilang dalawa at muling tumingin sa dagat.
"Bawal tayong matutong magsulat at magbasa, Bing. Ayo'n ang sabi ni ama." saad ni Ding. Magkapatid silang dalawa ngunit mas matanda ng ilang taon si Ding. Nakilala ko sila sa pamilihan. Isa sila sa mga kabataang alipin na napipilitang magtrabaho dahil sa kahirapan. Ngunit ngayon ay tumigil na sila sa pagtatrabaho sa pamilihan sa kadahilanan ang kanilang ina ay nakuha bilang kasambahay sa isang marangyang pamilya at isinama sila ng kanilang ina na doon manilbihan. Simula noon bihira ko nalang sila makita at makausap gaya nang ganito.
"Bakit naman? Hindi ba't dapat tayong matuto?" inosenteng tanong ni Bing. Muling sumilay ang malungkot kong mga ngiti.
"Hindi tayo maaring matutong magbasa o magsulat, Bing. Hindi maaari. Malalagay tayo sa panganib kung wala tayo sa kayuan upang matuto. Tayong mga alipin ay walang karapatang matutong magbasa o sumulat isa iyong kasalanan sa mga nakakataas."
"Kung ganoon, Uno. Kung katulad tayo ni Señiorito Mateo na galing sa kilalang pamilya doon lamang tayo maaring mag-aral?" Bakas ang pagtataka sa boses ni Bing.
Dahan-dahan akong tumango. "Oo, Bing..."
"Pangarap mong maging isang manunulat, Uno. Paano mo makakamit ang pangarap na iyon kung hindi ka matututo? Hindi na ginagamit ang baybayin sa panahon natin ngayon at ilan na lamang ang may alam sa paraan ng pagsulat na ganoon." Ramdam ko ang bigat sa aking kalooban nang marinig ang katanungan na iyon. Sa mundong aming ginagalawan na ang mga alipin ay tila basahan sa paningin ng mga matataas wala kaming pag-asa pang umangat.
"Hanggang pangarap na lamang na kailanman ay hindi ko maabot..." Ramdam ko ang tingin ng dalawa.
"Napakalungkot naman ng ating kapalaran..." rinig kong bulong ni Ding na kanina pa na nanahimik.
"Uno, sinusukuan mo na ang pangarap mo?" saglit akong natigilan sa tanong ni Bing. Masakit pero iyon ang katotohanan.
"Bing, may mga pangarap na hanggang kathang-isip lamang dahil hangga't napasasailalim tayo sa mga dayuhan, ang mga aliping tulad natin ay walang kinabukasan..." kasabay sa pagbitaw ko ng mga katagang iyon ang hapdi sa loob na kahit kailan hindi ko na malulunasan.
"Hindi na ako umaasa." Biglang sumagi sa aking isipan ang ngiti at mata ng ginoong iyon. Napagtanto ko kung bakit nais ko muling masilayan ang ngiti at mga mata nito. Dahil sa kaniya ko lamang nakita ang mga mata at ngiting puno ng pag-asa na tila ba'y kahit talikuran siya ng mundo hinding-hindi mapapawi ang ngiting iyon. Ngiting kahit kailan hindi mabubuo sa isang tulad ko. Tila isa siyang larawan na pag aking titignan at kailanman ay hindi ako magsasawang tignan.
Pilit akong ngumiti sa harap ng dalawang paslit na nasa tabi ko. "Mabuti pa tulungan ninyo akong bumuo ng isang tula na ang paksa ay ang dagat na nasa ating harapan." Ngumiti ang dalawa. Hinanda ko ang aking kagamitan upang simulang magsulat.
"Uno, kami ay manonood lamang dahil wala kaming alam sa mga ganiyan." wika ni Ding. Kiming ngiti ang aking isinukli at sa pagtanaw ko muli sa dagat ay ilang salita agad ang pumasok sa aking isipan. Isang malayang tula na hindi ani sa dagat na nasa aming harapan kung hindi ito ay kinuha sa kaniyang asul na balintataw.
(A/n - Baybayin sinusulat ni Uno sa notebook n'ya ha, tas ito yung tula.)
'Nang aking matanaw ang iyong malabughaw na balintataw'
'Ako'y nahulog sa ikalaliman, tila nilunod ako sa karagatan na puno ng kagalakan'
'Parang inukit na nang tadhana na ako ay marahuyo sa iyong mga mata.'
'Puno ng pag-asa at kasiyahan na mahahanlitulad sa isang paslit na may simpleng kagustuhan.'
'Hindi mawawaglit sa aking isipan kung paano kuminang ang mala dagat nitong mga mata sa gitna ng malungkot na kalangitan.'
'Ika'y puno ng hiwagang nais kong matuklasan sa hindi ko malamang dahilan'
'Maihahambing sa mga tala ang kinang na nagmumula sa iyo.'
'Kinang na kahit ang sinag ng araw ay hindi matatapatan'
"Uno, mauna na kami, batid kong hinahanap na kami ni ina. Saglit lamang ang aming paalam." naibalik ako sa katotohanan nang marinig ang tinuran ni Ding.
"Mag-iingat kayo sa inyong pag-uwi." Sa huli na iwan akong mag-isa sa dalampasigan. Tinitigan ko ang aking akda. Hindi maiwasang mapangiti dahil sa mga letra animo alon sa dagat. Ang letrang ituro pa sa akin ng aking ina bago siya tuluyang mamahinga. Agad kong pinahid ang luhang umalpas sa aking mata. Pinili kong ipilig ang aking isipan upang hindi maalala ang mga masalimuot na mga alaalang iyon.
"Uno, tapos na iyon..." Humugot ako ng hininga. "Dapat mo nang kalimutan kung sino ka talaga..." Nilukod ng poot at lumbay ang aking kaloob-looban.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan ang hangin na yakapin ang aking katawan. Sa hindi mabilang na mga segundo bumalik na naman sa aking isipan ang ginoong iyon. Sa isang iglap nawala ang bigat at napaltan ng gaan na matagal ko ng hindi naranasan simula nang agawin lahat sa akin.
Nang nagtakip silim na tumayo na ako para umuwi sa aking tahanan. Itinago ko sa aking baro ang kwaderno at plumang dala-dala. Sa aking paglalakad hindi ko mabilang kung ilang beses ako huminto upang magbigay respeto sa mga guwardiya sibil at sa mga nakakataas pa. Malapit na ako sa aking tahanan nang may biglang bumangga sa aking munting katawan. Halata na galing ito sa pagtakbo. Nahulog ang kwarderno at pluma ko at kitang-kita ang mga letra ng baybayin doon. Bumilis ang tibok ng aking dibdib at namuo ang takot sa aking pagkatao. Hindi ko man tignan ang mukha ng nakabanggaan ko ay alam kong mataas ang tayuan nito dahil sa suot niyang sapin sa paa.
"Baybayin..." Rinig kong turan ng nakabangga sa akin. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nito agad akong lumuhod at pinagdikit ang aking mga palad.
"P-parang awa na ninyo ginoo, h-huwag ninyo akong isumbong. K-kahit ano ay gagawin ko..." Lumandas ang luha ko sa takot. Matinding kaparusahan ang tatanggapin ko pag may nakaalam na hanggang ngayon ay gumagamit ako ng baybayin na matagal nang pinagbawal.
"Hindi kita isusumbong ngunit tulungan mo akong magtago sa mga tauhan ng aking mga magulang. Kailangan ko ng iyong tulong," Kalmado nitong saad. Dahan-dahan akong tumingala rito at sa pagtama ng aming mga mata ang pamilyar na pakiramdam ang nabuo sa aking kalooban.
"I-ikaw..." mahinang bulong ko. "Dininig ng langit ang hiling ko..."
BINABASA MO ANG
Pahimakas (The last farewell)
Romance"Kung aking ihahalintulad sa isang awitin ang ating pag-iibigan. Ito'y isang kundiman, puno ng pagmamahal ngunit natapos sa isang paalam..." Paano ipaglalaban ang pag-ibig na nabuo sa panahong hindi inaasahan? Paano kung isang kahibangan at isang ka...