"Hanggang saan ko ipaglalaban ang pagmamahal na walang kasiguraduhan..."
***
Niyakap ko ang aking maliit na katawan nang dumampi ang napakalamig na hangin sa aking balat. Halos manigas na ako sa lamig. Kumakalam na rin ang aking sikmura. Pati ang pagkatuyo ng aking lalamunan. Madilim na ngunit hindi pa sumisipot si Alek. Pilit kong pinatatag ang aking sarili dahil anumang oras ay ramdam kong tatangis na naman ako dahil sa sobrang sakit na nagmumula sa aking dibdib. Madaming tanong ang gusto kong itanong kay Alek ngunit mas nanainisin kong intindihan kung anuman ang kaniyang dahilan upang maging ganito.
Sa tagal naming magkasama ni Alek. Nakilala koung sino talaga ito sa likod ng pangalan ng akanilang angkan. Hindi ito basta kikilos ng ganoon na lamang kung wala itong malalom na dahilan. Alam kong tunay ang kaniyang pagmamahal dahil naramdaman ko ito ng lubusan. Basang basa ko sa kaniyang mga mata ang bawat salitang "mahal kita" dahil kung hindi ko napatunayang totoo iyon tatanggapin ko ang alok ni Mateo na lumisan sa lugar na walang binigay sa akin ng masamang bangungot sa aking buong buhay. Tatakbuhan ko ang lahat ng ito na walang lingon-lingon. Ngunit hindi ko iiwan ang taong nagparamdam sa akin ng tunay na kaligayahan. Taong tumanggap sa akin na walang kapalit. Taong nagbalik sa aking mga ngiti. Hindi ko iiwan si Alek siya na ang pinakasentro ng buhay ko. At hindi ko ito tatalikuran kahit ano pang mangyari. Ako ay nangako na panghabang buhay at ito ay aking paninindigan.
"M-maghihintay ako, Alek. Pangako." bulong ko sa hangin na tila ba sa ganiyong paraan ay kaniyang maririnig ang aking pagsamo. Maagap kong pinunasan ang aking luha at niyakap ang aking binti at sa mga sandaling iyon hindi ko na napigil ang aking hikbing kumakawala. Maraming katanungan ang pilit sumisiksik sa aking isipan pero mas nanaisin kong ipilig nalang ang aking ulo upang mawala ito. Tumingin ako sa kawalan. Hanggang may nagbalot sa sakin ng isang mamahaling bandana.
"Vino..." nilingon ko si Mateo. Lumuhod ito sa aking harap upang pantayan ang aking pwesto. Pinalis niya ang aking luha pero patuloy lamang ito sa pag-agos na tila isang ilog na patuloy lamang sa pagdaloy.
"Hindi na siya darating, Vino." mabagal na iniling ko ang aking ulo. Saka ngumiti na may pait.
"D-darating si Alek. Dito sa lugar na ito." nilibot ko ang aking mga mata hanggang tumigil ito sa mga alitaptap na tila nagsisiksikan sa puno ng narra na nagpapakinang dito. "Espesyal ang bawat tagpong mayroon kami dito. Maging sa burol kung saan kita dinadala dati. Mateo, malinaw pa sa isang litrato ang bawat salitang binitawan niya. Mahal niya ako at nangako kaming ipaglalaban ang anumang nabuo sa aming dalawa. Hindi man ito normal sa gawi ng paniniwala ninyo o, maging sa aking paniniwala ngunit nagmahal lang ako at walang masama kung ipaglalaban ko..."
Humugot ito ng malalim na hininga. "Vino, nagtungo si Alek sa kabilang ibayo upang..."
"Upang ano, Mateo?" muli itong humugot ng hangin bago umiwas ng tingin sa aking mga mata.
"Upang mamanhikan sa dalagang nakatakdang niyang makaisang dibdib kaya siya tumakas at tumakbo palayo sa kanila." tuluyang gumuho ang aking mundo ng marinig ang mga salitang iyon.
"H-hindi. Hindi gagawin iyon ni Alek. N-nangako siya, Mateo. Nangako siya. Hindi m-maari." Mabilis na kinulong ako ni Mateo sa kaniyang bisig tuluyang pumalahaw sa buong lugar ang aking hinanakit.
"B-bakit? M-mateo sagutin mo ako? Bakit?!" hinigit ko ang damit nito tuluyan akong nakokontrol ng aking mga emosyon.
"Hindi ka niya mahal, Vino-" agad kong pinutol ang sasabihin ni Mateo.
"Mahal niya ako! Ramdam ko iyon. May dahilan kung bakit niya ito ginagawa. N-nangako siya. Siya nalang mayroon ako, Mateo. Hindi m-maari. Hindi..." Nalalasing ako sa aking nararamdaman. Parang may kung naong tumatarap sa aking dibdib sa sobrang bigat nito.
"Nandito ako, Vino. Hindi kita iiwan. Hindi kita pasasakitan tulad nang ginawa ni Alek."
Marahas akong umiling. "S-siya ang kailangan ko. Kailangan ko siyang makausap." tumayo ako at nagsimulang maglakad papalabas ng gubat ngunit mabilis akong hinila ni Mateo at isinandal ang aking katawan sa punong malapit.
Nabigla ako nang makita kong lumuluha ito. Bakas ang sakit sa kaniyang mga mata at maging ang poot. Tila bigla akong nagising habang nakatitig sa kaniya.
"Mateo..."
"Kung alam ko lamang na magiging ganito ang lahat hindi na sana ako umalis at sumunod sa nais ng aking mga magulang. Hindi na sana ako tumuloy sa Europa..." Dahan-dahan niya akong hinila papalapit sa kaniya at ipinulupot sa akin ang kaniyang mga braso. Sa paraan ng kaniyang pagyakap ay tila ba kaniya akong nais protektahan.
"Vino... Ako nalang..."
"Mateo anong nais mong iparating? Anong ikaw nalang?" sa gitna ng aking paghikbing tinuran ang katanungan na iyon.
"Ako nalang ang mahalin mo, Vino. Handa akong ipaglaban ka gaya ng ginagawa mo para kay Alek." tila nanigas ako nang marinig iyon. Nawalan ako ng sasabihin dahil sa pagkabigla sa aking narinig.
"Iniibig kita, Vino. Sobrang tagal kong inilihim ang nararamdaman ko sa takot na mawala ka pag-iyong nalaman ang tungkol dito. Kung akin lamang alam na may Alek na darating sumugal na sana ako noon pa man."
"M-mateo..." malungkot itong tumango kahit hindi ko nakikita. Rinig ko ang muntik hikbi mula sa kaniya. Tila nablanko ang aking isipan.
"Ako nalang parang awa mo na, Vino. Ipaglalaban kita ng patayan. I-ipaparamdam ko sa iyo na hindi ka nag-iisa. A-ako nalang..." Puno ng pagsamo ang kaniyang boses. Tila ba nakasalalay sa aking kasagutan ang lahat. Nadagdagan ang bigat na aking dinadala. Ako ay nasasaktan dahil mga ideyang pumapasok sa aking isipan idadag pa rito ang tungkol kay Mateo. Dahil alam kong nasasaktan siya sa mga nangyayari lalo na ngayon na nakikita niya akong halos mawala sa katinuan dahil sa pagmamahal ko kay Alek.
"Kayang-kaya kong talikuran lahat para sa iyo. Maging ang turong sinabuhay ko. Lahat ay aking handang talikuran, Vino magin akin ka lamang." nagmamakaawa ang boses nito. Muli akong nabigla nang bigla itong lumuhod sa harap ko.
"M-ateo..."
"Bigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka. Alagaan ka. Vino..."
"T-tumayo ka diyan, Mateo!" Halos higitin ko na siya patayo pero nagmatigas ito tas kinuha ang mga kamay ko at kinulong sa kaniyang mga palad.
"Tutulungan kitang kalimutan siya. Kaya kitang mahalin higit sa pagmamahal na ibinigay niya sa iyo, Vino..."
"T-tanggapin mo lang ang pag-ibig ko." pula na ang kaniyang mata dahil sa pag-iyak. Napatingala ako sa kalangitan taliwas sa lagi kong nakikita wala ni isang bituin sa kalangitan. Tila ito ay nalulumbay at nasasaktan tulad ng nararamdaman ko sa loob ko. Dahan-dahan akong lumuhod upang tapatan si Mateo. Binawi ko ang aking kamay at hinaplos ang kaniyang mukha. Lumalabo ang aking paningin dahil sa aking mga luha. Kahit nanginginig ang aking mga kamay ay pinunasan ko ang kaniyang mga luha.
"P-pandadaya ang gagawin ko kung tatanggapin kita. Mateo. Mahal ko si Alek at hindi ganoong kababaw ang nararamdaman ko para takbuhan lang ang binuo namin at kalimutan. Nasasaktan ako, oo ngunit hangga't hindi ko siya nakakausap. At hindi niya ako binibigyan ng dahilan hinding-hindi ako titigil. Tapos na akong maging mahina Mateo. Hinayaan ko silang kunin ang mga magulang ko at ang mga karapatan ko noon pero hinding-hindi na ako makakapagyag na ang kaligayahan at ang tumuldok sa aking pagdurusa ay kukunin din nila. Tapos na akong maging duwag, Mateo. Mahal kita ngunit bilang isang matalik na kaibigan lamang. M-malaki ang utang na loob ko sa iyo ngunit hindi ko maibibigay ang nais mo. Patawad." Hinaplos ko ang kaniyang mukha.
"Kahit, piliin kita, Mateo. Hindi tayo magiging masaya. Atin lamang lilinlangin ang ating mga sarili. Malaki na ang utang ko sa iyo bilang kabayaran hindi na kita idadamay sa laban ko. Maraming salamat. Hiling ko na may mahanap kang hihigit pa sa akin." Mahabang turan ko bago kintalan ng halik ang noo niya. Tumayo ako at tumalikod na upang umalis. Nilisan ko ang lugar na walang lingon-lingon ngunit ang puso ko ay nadudurog sa bawat hikbing binibitawan niya.
BINABASA MO ANG
Pahimakas (The last farewell)
Romance"Kung aking ihahalintulad sa isang awitin ang ating pag-iibigan. Ito'y isang kundiman, puno ng pagmamahal ngunit natapos sa isang paalam..." Paano ipaglalaban ang pag-ibig na nabuo sa panahong hindi inaasahan? Paano kung isang kahibangan at isang ka...