"Saksi ang kalangitan sa pagmamahalan at maging sa simula ng pagkabitaw..."****
"Ano ba ang nais mo, Uno?" tanong ni Milo habang nakatitig sa mga kagamitang tinitignan ko. Bumuntong hininga ako. Dahil alam ko rin sa akin sarili na hindi ko alam ang nais kong bilhin. Kamangha - mangha ang mga pamintang gamit.
"Kailan ka pa nahilig sa pagpipinta, Uno?" sunod pang tanong ni Milo. Iling ang sinagot ko.
"Hindi naman ako mamimili para sa aking sarili. May nais lang ako pagbigyan." binigyan ako ng tingin na puno ng pagtataka.
"Sa bayang ito dalawa lamang ang totoong kaibigan mo. Ako at si Señiorito Mateo. Nasa europa ang señiorito kaya natitiyak ako na hirap para sa kaniya iyan. At mas lalong hindi para sa akin dahil hindi ako maalam sa ganiyang mga bagay. May bago kang kaibigan?" tanging tango lamang ang sinagot ko.
"Napakaespisyal naman ng bagong kaibigan mong iyan. Dahil talagang may regalo ka pang ibibigay. Samantalang kami ni Señiorito Mateo ay binibilhan mo lamang putobumbong ka da magkikita tayo kinabukasan matapos ang depiras ng pasko." dama ko ang halong biro sa kaniyang tono kaya mahina ako natawa.
"Huwag kang mag-alala, Milo. Dalawang putobumbong ang ibibigay ko sa iyo ngayong taon."
"Nais mo pa yatang magkulay ube ako, Uno." napailing ako dahil sa tinuran nito. Bumalik ako sa pagtingin sa mga instrumentong ginagamit sa pagpinta. Hanggang huminto ang aking mga mata sa isang kahot na pangpinta. Gawa ito sa puno ng narra at ang dulo nito ay kasing lambot ng bulak na naani. Dinampot ko ito at pinagmasdan.
"Napakaganda naman niyan, Uno."agad akong sumang-ayon. "At halatang hindi basta basta ang halaga niyan, Uno. May pangbayad ka ba diyan?" Alangang tanong ni Milo. Simpleng ngiti lamang ang binigay ko bago hanapin ang pinaka may-ari. May kamahalan ito ngunit nagawa kong bilhin dahil sapat ang aking ipon. Ibinalot ito sa papel de hapon. Pagkatapos naming namili. Nagpaalam na si Milo upang umuwi dahil kailangan niyang umuwi ng maaga sa kaniyang pamilya. Habang ako naman ay tumungo sa mga burol. Malakas na hangin ang sumalubong sa akin pagdating doon. Nilabas ko ang pinamili ko. At hinugot din ang balisong na nakatago sa aking damit. At sinimulang ukitan ang pinaka katawan ng pangpinta.
"Nawa ay kaniyang magustuhan." bulong ko at muling binalot ito. Ilang oras na lamang ay ipagdiriwang na ang pasko. Hindi naman ako nagdiriwang nito dahil wala akong kasama. Ngunit ngayon ay iba. May Alek na akong kasama. Kinuha ko mula sa bayong na lagi kong dala-dala ang kwardernong binigay at maging ang pluma galing kay Alek. Pumikit ako at kusang may mga wikang lumitaw sa aking isipan. Salitang tugmang - tugma sa saking nararamdaman. Hanggang namalayan ko na lamang ang ay nakatapos na ako ng isang akdang patungkol sa aming kwento.
Lumandas ang luha sa aking mga mata kaya mahina akong napahagikhik mag-isa. Ganoon pala pagsobrang ang iyong kagalakan. Hindi - hindi mo masukat kung gaano ka kasaya. Sa mga oras na ito naiisip ko na tila nagbunga ang puro pasakit at bangungot na dinulot ng pamilya ni Alek. Kapalit ng pagdurusa ko sa mahabang panahon ay ang umaapaw na kaligayahan.
"Nandirito ka lamang pala, mahal." muntikan na akong mapalundag sa aking kanauupuan ng may magsalita sa aking tabi. Kahit hindi ko pa ito nakikita alam ko na agad kung sino ito.
"Huwag kang basta - bastang lilitaw at magsasalita, mahal." puna ko na nagpatawa dito.
"Kanina pa kita hinahanap. Bakit ka nandirito?" tanong nito. Mabuti na lamang ay natago ko ang ibibigay ko sa kaniya.
"Nais ko lamang mapag-isa, mahal."
"Bakit? Ikaw ba ay nalulumbay?" inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat bago sumagot.
"Hindi, mahal. Nais ko lamang mag-isip ng mga bagay-bagay huwag kang mag-alala hindi ako nalulungkot dahil wala akong dahilan upang malumbay."
"Ano ang iyong sinusulat?" turo niya sa aking kwaderno. Mabilis ko itong ipinakita sa kaniya.
"Pamilyar ang ibang letra sa akin. Letra ng baybayin ngunit ako ay naguguluhan pa."
"Huwag kang mag-alala, mahal. Akin ituturo sa 'iyo iba pa para iyong mabasa ng malinaw ang nais kong iparating sa 'iyo." Hinaplos nito ang aking kamay.
"Ilang oras na lamang ay despiras na ng pasko, mahal."
"Noong nasa inyo kapa, mahal. Ano ang mga bagay na nakagawian ninyong gawin?"
"Madami, mahal. Siyam na araw kaming tutungo sa parokya upang makinig ng misa. Bago magpasko ay maghahanda kami para sa noche buena na nakaugalian. At kinabukan sa mismong araw ng pasko ay muli kaming tutungo sa kombento upang madasal. Ganoon iikot ang aming pasko, Ikaw mahal?" hindi ko maiwasang ngumiti ng mapait.
"Nanatili lamang ako sa aking tirahan. Mag-isa. Maghihintay matapos ang pasko para bumalik sa normal ang lahat. Para bumalik sa trabaho. Makikipagkita sa aking matatalik na kaibigan at matapos noon balik sa sarili kong tahanan ng mag-isa..."
"Napakalungkot naman niyon, mahal..."
Tumango ako dahil aamin ko malungkot naman talaga ang ganoong paraan ng pamumuhay ngunit sadyang nasanay na ako sa tagal nang panahon. "Malungkot ngunit hindi na ngayon..." Nagkatinginan lamang kaming dalawa hanggang marinig namin ang tunog ng kampana. Pareho kaming napangiti. Sabay din kaming natawa nang pareho naming inumang ang parehong bagay na nababalutan ng papel de hapon na kulay pula.
Kinuha ko ang bigay niya ganoon din siya. Sabay naming binuksan. At napatitig ako sa kaniyang regalo.
"Napakaganda..." bulong ko habang nakatitig sa iginuhit niyang akda. Sa kaniyang obra ay ako na nakatitig sa mga hindi mabilang na aliptaptap sa gubat kung saan niya ako dinadala. Sa lugar na tila paraiso sa aming dalawa. Alam kong talento si Alek ang pagpipinta ngunit ngayon ko lamang nakita ang kaniyang obra at ito ay sobrang napakaganda at tila totoo. May mga ngiti ang aking labi. Ngiting siya lamang ang nagbigay.
"Napakaganda nito, mahal..." rinig kong turan niya habang pinagmamasdan ang pangpintang binigay ko. Titig na titig ito dito. At kita ang kislap sa mga mata niya at ang munting luhang namumuo sa kaniyang mga mata. Hanggang sa limingon ito sa akin kasabay nang paglandas ng kaniyang luha. Hinila niya ako sa isang mahigpit na yakap habang humikbik sa aking dibdib. Hindi ko na rin mapigilang hindi maluha sa marahuyong pakiramdam na namumuo sa aming dalawa.
"Wo ai ni, Uno. Mahal na mahal kita. Mamahalin kita hanggang kamatayan." paulit-ulit nitong turan.
"Mahal na mahal din kita, Alek. Hanggang kamatayan..." sagot ko sa kaniyang tinuran. Humiwalay ito sa yakap at kinulong ang aking maliit na mukha sa kaniyang mga palad. Tinignan ako na puno ng walang katapusang pag-mamahal. Hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Saksi ang buwan at ang mga bituin sa langit sa pagmamahal at sa pangakong panghabang buhay. Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa. Habang nakangiti. Tahimik at hinayaan namin ang mga ingay ng kuliglig at maging ang hangin ang magbigay musika sa aming dalawa.
Hanggang basagin niya ang katahimikan. "Ang salitang nakaukit dito. Ay salitang—" Bago pa niya matapos ang kaniyang pangungusap ay napatayo kami nang makita naming tumatakbo si Gregoryo papunta sa aming pwesto. Siya ay duguan.
"Gregoryo!" pareho naming bigkas ni Alek nang bumagsak ito sa aming harapan na nanghihingalo.
"S-señiorito A-alek. U-uno T-takas n-na—" ngunit natigil ito nang umalingawngaw ang tunog ng baril sa buong paligid. Kabasay nang tunog na iyon ang tuluyang pagbagsak ni Gregoryo. At ang sunod ko nalang napagtanto ay may humila sa akin palayo kay Alek ay ang pagtulak sa akin sa lupa padapa.
"UNO! MAHAL!" Rinig kong sigaw ni Alek. Hindi pa man ako nakakatugon sa kaniyang sigaw ay ang pagtama ng matigas na bagay sa aking ulo at pagdilim ng aking mundo.
BINABASA MO ANG
Pahimakas (The last farewell)
Romance"Kung aking ihahalintulad sa isang awitin ang ating pag-iibigan. Ito'y isang kundiman, puno ng pagmamahal ngunit natapos sa isang paalam..." Paano ipaglalaban ang pag-ibig na nabuo sa panahong hindi inaasahan? Paano kung isang kahibangan at isang ka...