"Paano kung ang iyong pahinga ay naging dahilan upang mapagod ka..."
***
Tahimik kong binagtas ang daan pabalik sa tahanang matagal kong tinirhan. Dumaan ako sa mga sikretong daan na ako lamang ang nakakaalam. Patuloy parin ang paglandas ng aking mga luha hindi ko mabilang kung ilang beses na ba akong tumangis simula noong nadakip nila ako. Tila mas lalo akong nahulog sa walang hanggang kalungkutan ang katotohanang inihayag ni Mateo ay sobrang nagpabigla sa aking pagkatao. Akala ko turing lamang niya sa akin ay isang kapatid na nakakabata. Dumagdag ito sa bigat na nararamdaman ko. Ang bawat iyak at hikbi ni Mateo ay isang malaking suntok sa aking dibdib nais ko man tanggalin ang sakit na dinulot ko hindi ay hindi ko ito mapapawi sa isang salitang patawad lamang. Ang sugat mula sa pag-ibig ay hindi basta-basta hihilom na lamang sa isang paghingi ng paumanhin. Panahon lamang ang makakapagsabi.
Tuluyang bumagsak ang aking mundo nang makarating ako sa aking tirahan. Wala na ang aking tirahan. Bagsak ito at halatang sinadyang wasakin. Napaluhod ako sa lupa. Kay tagal kong ginawa ito. Pinaghirapan ko ang bawat parte nito. Lahat ng bagay na mayroon ako dugo at pawis ang pinuhunan ko at dahil lamang sa parehong pamilya gumuho ulit lahat ng mayroon ako. Pinilit kong tumayo kahit pakiramdam ko hinang-hina ako. Wala akong panahon upang maging mahina. Madami pa akong kailangang gawin.
Mapait akong napangiti nang unti - unti kong naramdaman ang pagpatay ng ulan. "Ano pa ba ang nais kong danasin? Kulang pa ba lahat ng naranasan kong paghihirap?" Marahil kulang pa. Dahan-dahan kong inangat ang mga dahon ng nagsilbing pundasyon ng aking tirahan. Isa-isa kong itinabi hindi binigyan pansin ang malakas na buhos ng ulan. Ako ay napatigil nang makita ko ang pamilyar na lalagyan kung saan ko nilagay ang mga mahahalagang bagay mula sa kaniya. Marahil dapat kong pasalamatan ang ulan dahil hindi makikita ang mga luhang kumakawala. Nakakapagod ngunit kung susuko ako ibig sabihin lamang ay talo ako. Nabuhay ako na puno ng pagkatakot at sa oras na ito nais kong huwag yakapin ang takot dahil walang mangyayari sa akin. Kinuha ko ang kwaderno at plumang bigay niya. Mas tila tumibay ang pagnanais kong makausap siya. Kailangan ko makausap si Alek at marinig ang rason niya. Hindi ko basta-basta bibitawan ang pangako. Biglang pumasok sa aking isipan ang usapan namin ni Gng. Ocampo ang sinapit niya at nanglalaking iniibig niya na nauwi sa isang trahedya. Kug ganiyon man ang magiging katapusan naming dalawa ang mahalaga pinaglaban ko ang kaligayahan ko. Dahil kung basta ko itong tatalikuran. Hinding-hindi ako magiging masaya.
Binuklat ko ang kwarderno bago ito yakapin ng mahigpit. "Kaya mo ito, Vino. Kinaya mo noon kakayanin mo pa rin sa kasalukuyan." Tumayo ako at nagpadesisyonan na ang sunod na hakbang.
Yakap-yakap ang kwaderno habang nakaipit ang pluma nakasilip ako sa napakalaking mansyon na nasa aking harapan. Nakatago ako sa punong mangga halos hindi na makita dahil sa kapal ng mga dahon. Kagat ko ang aking labi dahil ramdam ko ang kagat ng mga antik sa aking binti. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Mahigpit ang kapit ko sa sanga ng mangga. Habang nakatitig sa mansyon hindi ko maiwasang mapoot muli sa kadahilanang kung ano ang itsura noong angkinin sa amin ay tila walang pinagbago. Ang Casa'Y Lopez noong panahong kami pa ang naninirahan. Isiniksik ko ang aking munting katawan sa malapad na puno habang nasa itaas. Kitang-kita ang mga armadong bantay sa paligid. Hanggang natuon ang aking mga mata sa isang silid kung saan kitang-kita ang pamilyar na bulto mula sa bintana sa ikalawang palapag. Ang aking silid noon. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Kumawa ulit ang aking luha. Nakatingin ito sa malayo. Kita ang lungkot sa bughaw nitong mga mata. Bakas din ang luhang natuyo na. Malayong-malayo sa Alek na puno ng kaligayahan at pagkakuntento. Madilim ang anyo nito at tila walang lakas. Pansin din ang pagbabago ng timbang nito. Ngunit kahit ganoon ay hindi nabawasan ang kakisigan nito. Humugot ito ng malalim na hininga. Halos kumawala ang hikbi sa aking labi nang makitang hawak-hawak niya ang iniregalo kong pangpinta lumandas ang luha sa mga mata niya habang nakatitig dito. Nanginginig ang kaniyang labi.
"A-alek..." mahinang usal ko kahit aking alam na hindi niya ito maririnig. Niyakap niya ito at tumangis. Parang binibigay ang aking puso habang nakikitang nasasaktan siya. May tinuturan siya habang nakatitig sa munting pangpinta habang lumalandas ang luha niya. Napalingon ito sa kaniyang pintuan itinago ang kaniyang hawak.
Naikuyom ko ang aking kamao nang may pumasok na isang binibining nakasuot ng mamahaling filipiniana simple lamang ito ngunit halata sa itsura nito na isa itong de kalidad. Mahaba ang buhok ng binibini may ngiti sa labi at may nakapainosenteng maamong mukha. Walang kolerete sa kaniyang mukha ngunit kahit sino ay mabibighani dito. Aking nakita kung paano nagmadaling punasan ni Alek ang kaniyang luha at ngumiting hinarap ang binibini. Parang akong nahulog sa walang hanggang bangin nang makita ko kung paano ang labi ng dalawa ay maglapat na tila sila lamang ang taong naninirahan sa mundo. Bigla akong nanghina sa aking nasasaksihan. Bumitiw sila matapos ang ilang segundong tagpo. Hinila ni Alek ang binibini sa isang mahigpit na yakap na kaniyang ginagawa dati sa akin. Ang yakap na hinihiling kong maramdaman sa oras na ito na aking pakiramdam ay tuluyan na akong nag-iisa sa mundo.
"A-lek, nangako ka hindi ba?" bulong ko sa hangin. "Bakit tila nilimot mo na? Mahal kita kay handa akong lumaban dahil alam kong mahal mo ako. Hindi isang ilusyon lamang iyon. Ngunit Alek, bakit pakiramdam ko ako na lamang ang tutupad sa pag-ibig na hanggang kamatayan..." Pikit mata kong nilisan ang lugar. Hindi ako susuko. Sa aking nasaksihan na kaniyang pagtangis alam kong may dahilan ang hindi ko lamang maintindihan ay kung anong mayroon sila ng binibining iyon. Muli kong naalala ang sinabi ni Mateo. Ikakasal na si Alek at ang binibining iyon ang tinakda sa kaniya mula sa kilos nila. Hindi ako tatakbo palayo dahil lamang sa walang katapusang pagdurusa at hinanakit na nasa loob ko nais ko lamang magpahinga. Dahil nakakapagod lumaban mag-isa. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang pamilihan may lugar dito na hindi pinupuntahan ng mga tao dahil tambakan. Hindi ko alintana ang mabahong amoy. Isang ambandunadong pwesto sa dulo ng pamilihan ang likuran nito ay malawak na kagubatan. Umupo ako at sumandal sa isang sirang lamesita nang masiguro kong kahit matulog ako ay walang makakapansin sa akin. Naramdaman ko ang pagod. Ipinikit ko ang aking mga mata.
"Kung ito ay isa lamang panaginip. Gisingin na ninyo ako at sa aking pagmulat nawa'y yakap-yakap ako ni Alek sa kaniyang bisig..."
"Pagod na ako at siya ang aking pahinga. Si Alek ang aking pahinga..."
BINABASA MO ANG
Pahimakas (The last farewell)
Romance"Kung aking ihahalintulad sa isang awitin ang ating pag-iibigan. Ito'y isang kundiman, puno ng pagmamahal ngunit natapos sa isang paalam..." Paano ipaglalaban ang pag-ibig na nabuo sa panahong hindi inaasahan? Paano kung isang kahibangan at isang ka...