Kabanata - 24

24 1 0
                                    

"Hindi kasalanan ang umibig. Sadyang hindi lamang ito laging tama sa paningin ng iba..."

***

Hindi ko alam kung paano kami nakaalis sa lugar na iyon. Buhat-buhat ako ni Mateo sa kaniyang likuran dahil tila hapong-hapo ang aking buong katawan. Namanhid na aking katawan dahil sa pagod na lumulukod dito. Gusto ko nang ipikit ang aking mga mata ngunit ang aking isipan ay tila walang planong magpahinga. Aktibo itong inulit-ulit ang mga binigkas ni Alek. Mga salitang unti-unting nagpapablangko sa lahat. 

"Vino," tawag ni Mateo sa aking pansin. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa kami nakakarating sa lugar kung saan tumutuloy si Mateo paglumulusaw siya sa Maynila. 

"Hmmm..." wala akong ganang magsalita. Gusto ko lamang tumingin sa kawalan at paulit-ulit kalimutan ang mga bagay na nangyari ngayon araw. Balikan ko na lamang pagkaya ko na hinding ganito na nanghihina ako. 

"Patawad kung akin pang dinagdagan ang mga iniisip mo. Dumagdag pa ako sa bigat na dala-dala mo." ramdam ko sa tono nito ang pagkalungkot. 

Nagbitaw ako nang isang tawang walang buhay. "Mateo, wala kang dapat ihingi ng tawad. Aking naiintindihan. Hindi tayo nagkakalayo. Ako nga ito, patuloy na hinahabol ang isang tao dahil sa pagmamahal ko. Nagmahal ka lang rin ang kaso nga lang. Hindi ko kayang suklian. Kung may roon mang dapat huminga ng tawad sa ating dalawa ay ako iyon. Patuloy kitang nasasaktan, Mateo. Patuloy kitang hinihila sa suliraning dapat ako lamang ang gumagawa ng paraan para masolusyunan. Ngunit, nandito ka parin dinadamayan ang taong nanakit sa 'iyo." 

"Vino, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanang hindi mo ako mahal katulad ng aking pagmamahal sa 'iyo. Hindi natin mapipilit ang damdamin natin na ibigin ang isang tao dahil mahal nila tayo. Hindi mo kasalanang mahal mo siya at hindi mo maibigay ang pagmamahal mo sa akin. Sapat na sa akin na nasa tabi mo. Hindi ba'y ako ay nangakong proprotektahan ka kahit anong mangyari. Hindi ko ito ginagawa upang masuklian ang pag-ibig ko sa 'iyo. Sapat na kaibigan kita, Vino. Kaya huwag ka nang mag-isip masyado. Magpahinga ka dahil sasabak ka ulit. Gagawa ako ng paraan upang makausap mo si Alek. Kung kinakailangang itali ko siya para makausap mo gagawin ko. kahit gamitin ko pa ang pangalan ng aming angkan gagawin ko para sa 'iyo." Sa tinuran ni Mateo naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Mayroon pa akong kakamping hindi ako iiwan hanggang dulo. Kahit papano nadagdagan ang lakas ng loob ko na tila naubos na matapos nang tagpo namin ni Alek. 

Nang marating namin ang tinutuluyan ni Mateo maliit lamang ito at medyo tago sa mga taong maaring makakita sa amin. Hinatid niya ako sa isang silid. Niyaya niya akong kumain ngunit tumanggi ako. 

"Magpahinga ka, Vino. Bukas kailangan natin bumalik sa silang. Babalik doon sila Alek dahil kukuha sila nang basba mula sa mga prayle doon." Tango ang tangi kong sagot. Humiga ako sa kama nito. Binigyan niya muna ako ng isang maliit na ngiti bago isara ang pintuan ng silid. Sa paglabas ni Mateo muling nabuhay ang aking mga luha.

"Awa..." bulong ko saka tumawa na may pait. "Hindi ko aakalain na ang salitang iyon ang magpapamukha sa akin kung gaano ako kababang tao. Awa..." Tumitig lamang ako sa kawalan hanggang tuluyan akong makaidlip dahil sa pagod. Pagod sa pisikal at emosyonal. 

Maaga akong ginising ni Mateo upang sabihing tutungo na kami pabalik sa silang. Inabutan rin niya ako ng mainit na tsaa at tinapay. Sasakay kami sa kalesa pabalik. Pinatungan ako ni Mateo ng bandana upang takpan ang aking mukha. Maari kasing may makakilala sa akin. Inayos ko ang bandana bago ako lumabas. Pambabae ito may burdang paro-paro. Sa paglabas ko sa silid namataan ko si Mateo na nag-aantay. 

"Mateo, ayos na ako." napalingon ito sa akin hindi ko alam kung anong mayroon bigla itong napangiti at umiwas ng tingin.

"Mukha kang isang binibini, Vino." turan nito. Kung wala lamang akong hinaharap na suliranin ay maari akong matawa sa tinuran nito sa ngayon tanging tango lamang ang sinagot ko. Inalalayan niya akong makasakay sa kalesa bago siya sumunod  ito at tumabi sa sakin. Kinausap niya ang kutsyero na umandar na. 

Pahimakas (The last farewell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon