Kabanata - 5

34 2 0
                                    


"Lahat ay may kadahilanan..."

****

Hindi ko alam kung ilang segundo akong napatitig sa ginoong nakatayo sa aking harapan. Bumalik lamang ako sa katotohanan nang marinig ko ang sigaw mula sa malayo.

"Señiorito Alek!" Ramdam ko ang paninigas ng ginoo nang marinig ang mga sigaw di kalayuan. Kahit madilim kita ko ang pagkawala ng kulay sa kaniyang mukha at ang takot na lumukod sa kaniyang mga mata.

"T-tulungan mo ako, hindi kita isusumbong." Hinawakan nito ang aking kamay na nagpabigay ng munting bultahe sa aking katawan ngunit pinasawalang bahala ko na lamang. Mabilis kong kinuha ang kaniyang kamay at hinawakan ng mahigpit. Dinampot ko ang kwarderno bago ko siya higitin palayo sa lugar na iyon. Tumakbo kami palayo hanggang makarating kami sa burol kung saan madalas kong puntahan. Hingal na hingal na binitawan ko ang kamay nito at tumingin sa aming likuran upang tignan kung may nakasunod. Malayo ang tinakbo namin. Nilingon ko ang kasama ko. Hawak-hawak nito ang kaniyang tuhod at hinihingal din. Halata dito na hindi ito sanay sa ganitong pagtakbo.

"A-ayos ka lamang ba?" tanong ko. Tumingin ito sa akin at tinitigan ako. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig nito kaya agad akong umiwas ng tingin. Ngunit mabilis ko din na ibalik ang aking tingin sa kaniya nang bigla itong humakhak ng tawa at humiga sa damuhan. Napatulala ako habang nakatitig sa kaniya na hanggang ngayon ay tumatawa. Tila ba hindi ito napagod sa takbong aming ginawa at aliw na aliw siya.

"G-ginoo, ikaw ay ayos lamang ba—" Naputol ang aking pangungusap ng bigla akong tignan at ngitian nito.

"Ayos lamang ako. Maraming salamat at ako ay iyong tinulungan upang makalayo sa mga tauhan ng aking pamilya." Magiliw nitong turan bago ibalik ang tingin sa nagkikinangang mga bituin sa kalangitan. Umupo ako sa tabi nito pero sinigurado kong may puwang sa aming pagitan.

"Señ—"

"Alek Vievo Alejandro Tan, ang aking ngalan." Natigilan ako nang marinig ang ngalan nito. Tan? May kung anong punyal ang tila bumaon sa aking pagkatao nang marinig ang pamilyar na apelyido na iyon. Hindi maaari... Imposible... Uno, nagkataon lamang...

"Natigilan ka?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses niyang puno ng pagtataka. Pilit akong ngumiti dito. Iwinaglit ko ang mga ideyang nabubuo sa aking isipan.

"Uno, se-—" muli nitong pinutol ang aking pangungusap.

"Huwag mo na akong tawaging señiorito. Ako ay iyong tinulungan kaya ikaw ay aking kaibigan. Uno." Muling lumitaw ang ngiti sa mga labi nito. Dahil sa kasingkitan ng kaniyang mga mata para itong nawawala pag siya ay ngumingiti. Tila ba ay may kung anong mahika nag taglay niya at kusa rin akong napangiti habang nakatingin sa kaniya. Tuluyan kong nalimot ang kaninang gumugulo sa aking isipan.

Lumipas ang oras na katahimikan lamang ang namumuo sa aming dalawa. Nais kong magtanong ngunit alam kong wala ako sa katayuan para magtanong ng mga bagay na hindi tungkol sa akin. Tumayo na ako upang umuwi na dahil lumalamig at lumalalim na ang gabi.

"A-alek, oras na para ako ay umuwi sa aking tahanan—" sa pangatlong pagkakataon ako ay pinutol niya sa aking pagsasalita.

"U-uno, maaari mo ba akong patuluyin sa iyong tahanan?" Saglit akong natigilan at muling napatitig dito. Mariin itong nakatingin sa akin at ang mga mata ay tila nangungusap. Ang asul nitong balintataw ay kumikinang sa ilalim ng buwan. Nakamamangha pagmasdan. Dahil narin sa hindi mapaliwanag na pakiramdam na nabubuo sa aking kalooban inilihis ko ang aking tingin mula sa kaniya at dahan-dahang tumango nang walang alinlangan. Hindi ko mawari kung anong mahika ang mayroon ito. At mabilis niya akong nakukumbinsi sa mga bagay-bagay.

"Tara na, lumalalim na ang gabi." saad ko at naunang maglakad pauwi.

"Maraming-maraming salamat talaga, kaibigan. Utang ko sa iyo ang kalayaan ko..."  Mas pinili ko na huwag nalang sumagot dahil wala rin naman akong mahagilap na salitang isasagot sa kaniya. Pilit kong kinakalma ang aking nagwawalang sistema dahil sa kaniyang presensya.

Rinig ko ang pagod at hingal sa kaniya. Medyo malayo pa ang aking tahanan. Ngunit hindi man lang siya nagrereklamo. Huminto muna ako at hinarap siya na mukhang kinagulat niya. Lumunok muna ako bago magsalita.

"Paumanhin ngunit medyo malayo pa ang aking tahanan. Kung nais mo magpahinga muna tayo saglit dito." Umiling ito at ngumiti sa akin. Kahit pa kita na dito ang pagod.

"Ako ay ayos lamang, Uno. Ito ang unang beses na naglakad ako ng ganito kalayo. Halika na lumalalim na ang gabi at ayokong maging sobrang abala na ako saiyo."  Lihim akong napangiti at nagsimulang muling maglakad. Sa pagdating namin sa aking tahanan bigla akong nakaramdam nang panliliit sa kadahilanang alam kong maliit lamang ang aking tinutuluyan.

"Maupo ka muna, kukuha lamang ako nang maiinom." ani ko habang tinuturo ang katre kung saan ako natutulog. Tila paslit naman itong sumunod sa aking tinuran. Tumungo ako sa aking maliit na kusina para kumuha ng tubig. Bumalik rin ako agad sa kaniya upang iabot ang tubig na malugod naman niyang tinanggap.

"Pagpasensyahan mo na ang aking tirahan. Maliit lamang." sabi ko. Kinuha ko ang baso pagkatapos niyang uminom.

Ngumiti ito sa akin bago ilibot ang paningin ang kaniyang mata sa paligid. "Uno, wala akong karapatang magreklamo. Ako ay dapat magpasalamat sa pagtulong mo sa akin kahit hindi naman tayo magkakilala. Buong puso mo akong tinulungan kaya maraming salamat." Hinawakan nito ang aking kamay at tinignan ako diretso sa aking mga mata. "Maraming, maraming salamat..." muling usal niya. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad nito kaya tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Walang anuman, Alek..."

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata ngunit hindi ako dinadalaw ng antok. Napalingon ako kay Alek na mahimbing na natutulog sa katreng higaan ko. Yakap-yakap nito ang sarili marahil sa lamig ng panahon. Magde-disyembre na at ito ang dahilan kung bakit malamig na ang simoy ng hangin. Hindi ko mapigilang titigan ito. Kunot ang noo niya habang natutulog. Napangiti ako nang bigla itong gumalaw. Bumuntong hininga ako at lumapit sa puwesto niya dala-dala ang kumot ko. Inilagay ko sa kaniya ang aking kumot sa kaniyang katawan. Dinoble ko pa ang kumot nito para hindi na siya lamigin bago bumalik sa higaan ko sa sahig na nilatagan ko ng abakang banig.

Noong una ayaw niyang pumayag dahil sabi ani niya marami na akong naitulong sa kaniya ngunit hindi ako pumayag. Sa huli wala itong nagawa kung hindi sumunod sa nais ko. Inunan ko ang aking braso at tumulala na lamang.

"Alek Vievo Alejandro Tan..." banggit ko sa pangalan nito. Muling bumilis ang tibok ng aking dibdib. Tinapik ko ito ng mahina. "Ano ito? Bakit ko ito nararamdaman?" Iwinaglit ko na lamang ito at muling binaggit ang ngalan ng lalaking ilang beses kong pinagdasal sa Diyos upang makita. At ngayon ay kasama ko ito.

"Tan..." madiin kong usal sa apelyido na iyon. "Uno, nagkataon lamang iyon. Madaming Tan sa mundo. Hindi niya kaano-ano ang pamilyang Tan na sumira sa buhay mo..."

"Malayong-malayo ang ugali at kilos ni Alek sa pamilyang iyon. Malayong-malayo." Muling na nariwa sa akin ang masalimuot na nakaraan na pilit kong kinakalimutan. Pinilig ko ang aking ulo at muling lumingon kay Alek. Tila kusang nawala ang bigat na nararamdaman ko nang makita ko ang pagguhit ng ngiti sa mapulang labi nito.

"Salamat sa ngiti, Alek..."

Pahimakas (The last farewell)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon