CHAPTER 5

186 9 1
                                    

Vallespin's POV

Oras na ng break time. Kaya oras na para magpunta sa cafeteria. Hindi ako masyado gumagastos. Ayos lang naman sa 'kin ang kaunti lang ang kainin. Tsaka hindi talaga ako pala-gasta ng pera. Dahil para sa 'kin, kahit piso, sobrang halaga. Magisa akong magtutungo ngayon sa cafeteria. May kasama kasi si ate tsaka si Vlad, tinawag. Kaya ako lang ngayon. Grabe yung tingin sa 'kin ng mga estudyante, kala mo nakakita ng artistang gwapo eh. Magsawa lang sila sa kakatingin. Hindi naman ako naapektuhan sa mga tingin at sinasabi nila eh. Tsaka wala naman silang kaaalam-alam sa nangyari kay utol. At kahit naman sabihin ko sa kanila yung nangyari, hindi naman nila ko paniniwalaan. Loko-loko akong tao pero hindi ko kayang magbiro sa mga sitwasyon na seryoso. Pero minsan hindi ko maiwasan. Kilala din ako sa mga biro ko. Tsaka malakas ako mang-trip. Yon ang nagiging dahilan kung bakit ako napapaaway. At aminado naman akong kasalan ko kapag gan'on.

Hindi ako bully ah? Trip ko lang talaga mang-asar. Pero sa ilang taon kong pagaaral dito sa private school na 'to, wala pa kong nagagawang pinakamatinding gulo. Mabait din naman ako kahit papaano. May mga nakabangga na nga kong teachers dito eh. Pa'no kaya kung yung principal na yung mapagtripan ko? Eh 'di kick out na ko. Pero dahil may isip pa naman ako, hindi ko 'yon magagawa. Hindi ko pa nasasabi kay Vlad kung bakit kami hindi nakapasok ni Sienna kahapon. Sunod-sunod kasi yung discussion kanina kaya hindi ko nagawang daldalin yung isang 'yon. Napakatutok sa sinasabi ng teacher namin eh. Pero sa totoo lang, gwapo naman si Vlad. Mas gwapo nga lang ako. May mga babae din na nagugustuhan siya. Pero karamihan yung kapatid ni Vlad yung gusto, si Kald. Kahit may nobya na siya, marami pa ring gustong maagaw siya mula kay Freya. Eh mas gwapo naman ako dun, tss. Saktong si Vlad ang iniisip ko, mukhang makakasalubong ko yata ang mahangin na 'yon.

Dadaan sana ko sa kaliwa pero humarang siya. Pupunta naman sana ko sa kabila pero humarang na naman siya. Dahil wala na kong madaan ay sa gitna ulit ako. Pero nang-aasar talaga siya."Nang-aasar ka ba?"sabi ko sa kanya.

Humakbang siya palapit sa 'kin."No, you! You annoying me!"sigaw niya. Natawa naman ako pero agad kong binalik sa seryosong mukha ang hitsura ko."May daan naman sa kabila 'di ba? Bakit ka humaharang sa dinadaanan ko?"maangas niya namang pagkakasabi.

Lalo tuloy akong natawa."Gago ka ba? Natural daanan 'to. Kaya dadaan talaga ko kung saan ko gusto. Tsaka malay ko bang dito, doon, diyan ka dadaanan."sambit ko habang nakaturo sa gitna, kanan ay kaliwa.

"So you're saying that its my fault?"

"Alam mo parehas kayo ng girlfriend mo ng utak. Dagdagan niyo kaya ng laman baka sakaling magbago ugali niyo."

"Nangiinis ka ba talaga?"

"Bakit? Naiinis ka ba? Hindi ko na kasalanan 'yon. Baka sadyang mainitin lang talaga ang ulo mo. Try mong dampian ng yelo. Baka lumamig."

"Damn you Spin.."

Nakita kong unti-unti nang nagsalubong ang kilay niya. Dahil trip ko pa siya asarin ay naghabol. Ito namang si tanga, nagpabitag."Habulin mo ko Kald~"asar ko pa sa kanya habang tumatakbo ako.

Hindi ko tuloy maiwasan na matawa. May naisip tuloy akong pagdalhan sa kanya. Kaya naman nagtungo na ko doon. Sa building kung saan walang katao-tao. Pagkaakyat ko ay agad kong tinanguan si Kald sa locker."Lagot ka sa 'kin Spin kapag nakita kita kaya 'wag kang lalabas sa pinagtataguan mo."sabi niya habang naglalakad ay mukhang hinanap ako.

Nakita kong pumasok siya sa isang room kaya madali akong lumabas ng locker at sinaraduhan siya ng pinto ng hindi niya namamalayan. Kinuha ko yung tubo sa sahig. Ginamit ko 'yon bilang pagsara ng pinto. Iba kasi yung door knob at may nakita akong pwedeng sungkitan."Tanga, wala ko diyan!"sigaw ko.

The Boyish Is In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon