CHAPTER 10

176 11 1
                                    

Sienna's POV

Hi! I'm Sienna Ynne Belleville. I'm still here, in the hospital. Mommy and daddy is guarding me, especially dad. Ayaw niya kong kausapin or kahit ipakausap sa 'kin si Spin. Hindi na nga ko makatiis eh. Pero kailangan. Ilang araw na lang din naman. Tsaka nakakausap ko naman si Dev, yung ate ni Spin. Sabi niya ang dami na naman daw kalokohan ng kapatid niya. As always naman. Hindi nauubusan ng kalokohan ang isang 'yon eh. Si Spin pa. Arghh, i wanted to see her. Sabi ko kay Dev, balitaan ako sa nangyayari or pinanggagawa ni Spin. So 'yun nga. Ang dami daw ginawa ng kapatid niya ngayong linggo. Ang lakas din daw ng trip ngayon ni Spin dahil pinaglalaruan niya daw si Kald! Like what's in her mind? Alam ko namang ayaw ni Spin si Kald pero bakit naman niya naisipan pagtripan yung taong 'yon? Baka nga mamaya, mas lalo lang silang mag-away kapag nakisali pa girlfriend ni Kald. Nakakairita pa naman yung babaeng 'yon. Parang ipis, ang sarap tirisin.

I'm okay now. Pwede na nga kong pumasok bukas eh. But dad don't want yet. Gusto niya munang masiguro na ayos na talaga ko. Kaya naman, next week pa ko makakapasok. Ang sabi ni Dev, ginagawan daw ako ni Spin ng notes. Arghh, she's so sweet. Kaso paminsan lang. Kaya nga dapat lubos-lubusin na. Kung pwede ko lang talaga siyang kausapin ngayon, kanina ko pa ginawa. My phone is on my dad. Siya na daw yung sasagot sa mga tatawag sa 'kin. He told me that to stay away from Spin. Alam kong puro siya kalokohan. Pero kasi nage-enjoy ako kapag siya ang kasama ko. Kahit minsan napapahamak ako, katulad na lang nito. But i'm not blaming her. Wala naman kasing may gustong mangyari ito sa 'kin. Tsaka sabi ni Dev, may ginawa daw si Spin sa taong gumawa sa 'kin nito. Napapaisip naman ako kung ano 'yon. Excited na tuloy akong ma-discharge. Mukha na nga kong nakakulong dito eh.

Habang nakaupo ako dito sa kama, bigla na lang nagbukas ang pinto nitong kwarto. At nagulat ako ng iluwal nito si Vlad."Hey what's up?"salubong niya sa 'kin nang may bitbit na prutas."For you."aniya.

Hindi ko naman naiwasan mapangiti."You can put that there."tinuro ko yung mesa na malapit lang sa 'kin. Pagkatapos ay nilapag niya na doon ang dala-dala niya."Anong pinunta mo dito?"tanong ko sa kanya.

Umupo muna siya sa upuan na nasa gilid ng kama na hinihigaan ko."I-i just want to see your condition.."utal niya kong sinagot.

Nahalata naman ako ng kakaiba."Come on Vlad. Alam kong hindi 'yan ang pinunta mo dito. Tell me, do you need something right?"sambit ko.

Natawa siya."You really know me."saad nito.

I knew it. May kailangan nga siya. Dahil hindi pupunta ng basta-basta ang isang 'to ng walang pasabi. At kung gusto niyang magsabi ng kung ano, sa tawag niya ko kakausapin."Oh ano nga kailangan mo?"tanong ko.

"Can you help me?"

"For what?"

Saglit na napatahimik si Vlad. Napabuntong-hininga naman siya."I'm going to confess my feelings for Spin on JS Prom. Yes, i liker her for so long.."aniya.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip pa ko ng bibig. Natahimik tuloy ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya!"What did you say?! You like Spin?! Kelan pa Vlad?! Kelan pa?!"napasigaw ako habang tinatanong siya.

Sinenyasan naman niya kong tumahimik."Since we're in first junior high..."sagot niya.

Parang gusto ko naman magwala ngayon. OMG I CAN'T BELIEVE!"Bakit ngayon mo lang sinabi Kald! Baka nga na natulungan pa kita kay Spin eh."natutuwang sambit ko."Pero ano bang gusto mong mangyari sa JS Prom? Pero 'di ba hindi pa makapagdesisyon si Spin about dun."dagdag ko pa.

"No, malakas ang kutob kong dadating siya. Remember Shein?"tumango na lang ako sa sinabi niyang 'yon."He'll be the MC on that day. And i'm going to talk with her if i finish planning on what i'm going to do to admit my feelings for Spin. Naisip kong kumanta since marunong naman ako. Pero hindi ako makapagdesisyon kung anong kanya."saad niya.

The Boyish Is In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon