CHAPTER 26

153 9 0
                                    

Vallespin's POV

Kumakain na kami ngayon ng tanghalian. Si Kald nasa tabi ko, walang kibo ang loko at hindi man lang ako kinausap nang magkita kami kanina. Anyare dito? Parang kanina, ayos lang kami ah. Baka inaalala niya yung nangyari kanina doon sa kwarto. 'Wag niya kasi akong pagtripan. Gan'on talaga ang mangyayari kapag susubukan niya ko sa isang bagay. Alam kong hindi gagawa ng kahit na ano si Kald kaya ginawa ko 'yon. Napahanga niya nga ko eh. Gusto ko lang talaga siyang tuksuhin. Sabi ko sa kanyang tumigil na eh. 'Yan tuloy. Nandito kaming lahat sa iisang mesa. May cafeteria pala dito, hindi ko napansin kanina. Hinanap ko kasi kanina itong isa eh. Hindi na kasi bumalik. Mukhang kinokontrol niya talaga ang sarili niya. Ayos na din 'yan. Dahil kapag ako ang ginawan niya ng masama, bugbog siya. Mas pinili ko na lang siyang pagtripan kanina kesa sapakin. Buti nga 'yun lang eh. Kesa naman masaktan siya.

Itong sina Ozen at Zic, kanina pa nagaasaran. May nakita daw silang babae kanina eh. Sabi na't babae lang ang habol nila dito. Ito namang sina Vlad at Sienna, magkasama na naman. Eh hindi ako makasama sa kanila dahil laging nakabuntot 'tong isa. Mas tatanggapin ko pa sana kung kay utol nagkagusto si Vlad. Baka nga ilakad ko pa siya sa kanya eh. Mukhang bagay naman silang dalawa. Sa pagkakaalam ko, wala namang nagkakagusto kay utol at wala naman siyang nagugustuhan. Bakit kaya hindi ko sila tulungan sa isa't-isa? Mas bagay nga sila eh. Hindi ko na rin kasi nakausap si Vlad tungkol sa nararamdaman niya para sa 'kin. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa kanya eh. Pero hindi ko naman siya nilalayuan dahil doon tsaka wala akong planong layuan siya kaibigan ko kaya si Vlad at matagal na rin kaming magkakilala kumpara kay Kald. Mas kilala nga ni Vlad ang pagkatao ko kesa sa sarili ko eh.

Bigla naman akong nabulunan habang kumakain. Iinom na sana ko pero naubos na pala ang tubig ko. Nakita ko namang binigay sa 'kin ni Kald ang inumin niya kaya agad akong uminom."Yan kasi, sabi ko naman sayong dahan-dahan lang. Ito namang si Spin kala mo may lakad kung magmadaling kumain eh."sabi sa 'kin ni Sienna.

Nagpunas muna ko ng bibig pagkatapos kong uminom. Binalik ko muna kay Kald ang baso niya."Ganito lang talaga kong kumain. Parating nabubulunan."sambit ko.

Tinaasan naman ako ng kilay ni utol."Buti naman at nabuhay ka pa."bigla namang nagsalita si Kald sa tabi ko.

Hinampas ko siya sa braso."Gusto mo unahan na kita?"saad ko.

Hindi na siya nagsalita ulit."Kayo ngang dalawa, umamin na kayo sa 'min. Kasi for sure kayo na eh."nagsalita si Ozen.

Napatitig kami sa isa't-isa ni Kald. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako doon."Ahm y-yes.. kami na ni Spin.."pagamin ni Kald.

Lahat sila ay napatigil sa pagkain dahil sa gulat pero maliban kay Vlad na parang hindi apektado."What?!"sabay-sabay nilang sabi.

Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin dahil sa hiya. Inabot ni utol ang kamay ko at hinampas."Why didn't you tell us?! Ako nagtatampo na talaga ko sayo Spin ah. I'm your friend! You should trust me! Hindi naman ako madaldal eh."sambit ni Sienna.

Natawa ako."Hindi madaldal? Eh ikaw nga number one chismosa sa room tapos naalala mo ba yung mga sikreto kong sinabi ko sayo? Sinabi mo kaya 'yon sa iba. Tapos sinasabi mo ngayong pagkatiwalaan kita? Gago. Hindi mo na ko mauuto ulit."ani ko.

Hinampas niya ko ulit sa kamay."Kaya pala madalas kayong magsama ngayon ah. Kayo na pala."nagsalita na si Zic.

Binitawan muna ni Kald ang kamay ko."Naghahanap pa kasi kami ng right time ni Spin para sabihin sa inyo."kwento ni Kald.

The Boyish Is In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon