Vallespin's POV
Nagising ako sa hindi ko malamang dahilan. Pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa 'kin at hitsura ni Kald. Napansin kong wala siyang pang-itaas na damit. Pero ako meron ah. Oo nga pala, naging wild pala ko kagabi. Kasalanan niya 'to eh. Kung hindi siya nakipagmatigasan sa 'kin eh 'di sana hindi ko na ginawa pa ang bagay na 'yon para pilitin siya. Nang pumayag naman siya, huli na. Hays, itong lalaking talagang 'to. Ang daming kaartehan sa buhay. Daig pa babae eh. Agad namang nasagi sa isip ko si utol. Kamusta na kaya siya? Silang dalawa ni Vlad? Nakapagusap ba sila? Hindi ko talaga maiwasang magaalala. Kaibigan ko kasi si Sienna at matagal na kaming magkakilala. Sa kanilang lahat, si utol ang mas nakakakilala sa 'kin. Eh ayoko namang magalit siya sa 'kin. Dapat talaga kinausap ko na si Vlad eh. Nagkausap kaya sila kagabi? Bigla namang gumalaw si Kald. Tumalikod siya sa 'kin. Siguradong gising na Ang isang 'to.
Nahalata niya sigurong tinitignan ko siya. Ay, lumayo pa ang loko. Palihim na lang tuloy akong natawa. Kasi naalala ko yung kagabi. Umiyak na siya eh. Dahil hindi ko talaga siya pinakawalan kagabi. Tapos hinatak ko pa siya pabalik dito. Medyo nawalan din ako kontrol sa sarili. Ewan ko ba. Basta ang alam ko medyo naging wild ako kagabi. Isang beses ko pa lang 'yon nagagawa at swerte ni Kald, siya yung unang nakaranas n'on. Wala rin naman akong magawa kagabi kaya siya na lang yung pinagtripan ko para kahit papaano, hindi ko maisip ng kahit ilang minuto si utol. Nagaalala talaga kasi ako eh. Paano na lang kung hindinsiila nakapagusap ni Vlad kagabi? Anong gagawin ko? Kakausapin ko si Vlad at magmamakaawang mag-move on na sa feelings niya para sa 'kin? Hindi kaya gan'on kadali 'yon. Pero kung para kay Sienna, gagawin ko. Oh sige, mamaya gagawin ko na. Para mas ma-enjoy naming lahat yung natitirang araw namin dito. Ayokong nagiiwasan kami at hindi naguusap. May magkakaibigan bang gan'on?
Mas lumalayo pa si Kald kaya naman hinatak ko siya palapit sa 'kin at niyakap."Spin, could you stop? Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sayo alam mo ba?"narinig ko siyang nagsalita.
Pinigilan kong tumawa."Sorry na. Ikaw kasi eh."sabi ko.
Pilit naman niyang tinatanggal ang braso kong nakapulupot sa kanya."Are you blaming me? Ikaw kaya 'yon."aniya.
Kinuskos ko ang mukha ko sa likuran niya."Oo na. Ako na may kasalanan. Aarte ka pa diyan eh."sambit ko.
Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya dahil sinusubukan niya talagang alisin ang braso ko sa kanya."Nangangasar ka pa. Dun ka nga sa labas. Kung ayaw mo ako na lang."saad niya.
Bumangon ako at lumipat sa kabila para magkaharap kami."Sabi ko sorry na nga."muli ko siyang niyakap.
"Pagkatapos mo kong torture-in kagabi magso-sorry ka lang? Tss."nagiwas siya ng tingin.
"Eh 'di anong gusto mong gawin ko? Ulitin ko yung kagabi?"sabi ko.
Bigla niya kong tinulak hanggang sa bumagsak ako mula sa hinihigaan namin. Pero agad akong tumayo at bumalik sa kama."Don't hug me."banta niya nang makita akong yayakapin ko sana siya.
Napanguso na lang ako habang nakatingin sa kanya nang nagp-puppy eyes."K-kald.."banggit ko sa pangalan niya nang may malambing na tono.
Narinig ko ang ginawa niyang pagbuntong-hininga. Hindi naman nagtagal ay niyakap niya ko."Just don't do it again. I really don't like it. Para kong binabangungot ng gising."aniya.
Palihim na lang akong natawa at pagkatapos ay niyakap ko na lang din siya."Oo na. Hindi ko na uulitin 'yun."sabi ko naman.
Naramdaman ko namang hinaplos-haplos niya ang buhok ko."Do you want to eat?"tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Boyish Is In Love (Completed)
Fiksi RemajaThere was a strong and bold woman named Vallespin. She's not scared at anything and she's also not scared at anyone. Vallespin is like a man in behalf. The way she speaks, the way she wear clothes and the way she act is really like a man. She even c...