CHAPTER 21

154 13 0
                                    

Vallespin's POV

Ngayong gabi ang pinakahihintay ng lahat ng estudyante. Oo, ngayong gabi na gaganapin ang JS Prom. Kaya nkpkga nandito na ko ngayon sabWow l ni utol dahil aayusan niya na daw ako. Pero bago pa man ako makarating dito, nakaligo na ko sa bahay. Si utol, nagaayos na lang ng sarili niya. Inuna muna niya yung sarili bago ako. Kinakabahan nga ko eh. Hindi niya pa ko binibihisan, nanginginig na agad yung mga tuhod ko eh. Para ngang ayoko ng umalis mula sa kinauupuan ko ngayon. Sabay kaming pupunta sa school ngayon. Si Vlad tumawag sa 'min kani-kanina lang. Ang sabi niya nandoon na daw siya. Yung kapatid naman niya hindi ko alam. Pero napansin kong problemado si Kald. Ni hindi niya nga ko binwisit nung mga nakaraang araw. Pero hinahatid-sundo niya pa rin ako sa bahay. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon pero sana ayos lang siya. Sinubukan ko nga siyang lokohin pero hindi umubra. Parang wala lang sa kanya yung mga 'yon.

Kaya tumigil na lang ako dahil mukhang seryosong bagay yung iniisip niya. Napapansin ko din na nagkakasama na sila ni Freya. Mukhang ayos na sila. Pero baka sa mga mata ni Kald at nararamdaman kong hindi siya okay. May iniisip siguro siyang kung ano. Medyo nagaalala ako. Pero hindi na lang ako nangialam sa kung anong iniisip niya ngayon. Tsaka mabuti rin na nagkakaayos na sila ulit ni Freya. Pero aaminin ko, nakakaramdam ako ng sakit at selos— Tuwing wala kong mapagtripan, pakiramdam ko may kulang. Nasanay kasi talaga kong bwisitin si Kald araw-araw. Hindi ko nga alam kung makakapagusap pa kaming dalawa mamaya. Dahil ang partner at una niyang isasayaw ay walang iba kundi ang girlfriend niya, si Freya. Si Vlad gusto akong isayaw. Sabi ko sa kanya bahala siya. Dahil hindi ako sanay sa sayawan. Gusto niya daw kasing siya ang una kong isayaw. Tss, hindi naman mahalaga 'yun eh. Kahit isayaw ko pa si utol sa harap ng maraming tao.

Masayang-masaya sina utol ngayon. Lalo na sina ermats dahil nalaman nilang aattend ako ng JS Prom. Sabi nila kay utol, picture-an daw niya ko para maipakita yung larawan ko na naka-dress. Yuck! Sabi ko nga sa kanila na isang beses ko lang gagawin 'to. Wala ngang kaaalam-alam yung mga kaklase ko na aattend ako ng JS Prom. Sabi ni ate, baka ako pa daw yung maging Queen at si Vlad naman daw ang maging King ngayong gabi. Yuck! Yuck! Yuck! Isang gabi lang talaga 'tong kailangan kong tiniisin. Pagkatapos na pagkatapos ng party mamaya, uuwi agad ako para makapagpalit. Eh sa ayaw ko talaga sa dress. Balak ko pa ngang magdaka ng tsinelas eh. Kasi baka sumakit yung paa ko sa heels. Pero sinaway ako nina ate. Sabi nila, 'wag ko daw gagawin 'yon. Eh 'di sana sila na lang yung pumunta d'on. Mukhang mas gusto nila eh. Mas excited pa nga sila sa 'kin, tss. Ako naman 'ton kinakabahan at nginig na nginig dito. Hindi na nga mapakali eh.

Nakita ko na si utol na bumaba ng hagdan. Grabe, para kong nanonood ng prinsesang bumaba ng hagdan. Lumapit siya agad sa 'kin."Ganda naman niyan."bati ko sa kanya. Bumagay sa kanya ang kulay pink at nangingining na dress.

Napangiti na lang si utol."And now, ikaw naman."bigla niya kong hinatak. Dinala niya ko sa kwarto niya."Hubad na."sabi niya.

Nanlaki nag mga mata ko."H-ha?"nautal ako.

Napakrus ng braso si utol."Sabi ko hubad."paguulit niya.

Napakurap-kurap ako."S-sa harap mo? A-ayoko nga.."hindi ako pumayag.

Lumapit sa 'kin si Sienna at humawak sa laylayan ng damit ko."Babae tayong dalawa Spin. Kaya wala lang sa 'kin kung makikita ko 'yang katawan mo. Tsaka hindi kita re-rape-in 'no."aniya.

Bigla na lang niyang hinubad ang pang-itaas kong damit. Pinagkrus ko ang braso ko para matakpan ang dibdib ko."H-hindi naman siguro kailangan 'to eh."reklamo ko. Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Hinubad niya ang suot kong pantalon."SIENNA!"sigaw ko sa pangalan niya.

Nakita kong natawa siya."Oh, wear this."may binato siya sa 'kin na maliit na short. Nakalimutan ko kung anong tawag dito eh.

Agad ko na lang sinuot dahil nahihiya ako. Kita ko namang hawak niya na yung dress na isusuot ko."Tanggalin mo yung bra mo."utos niya naman.

The Boyish Is In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon