Vallespin's POV
Hi. Kamusta kayo? Ako si Vallespin Crain Vernon, Spin ang tawag nila sa akin. Labing-anim na taong gulang. Nasa 3rd year junior high school na ako ngayon. Nasa gitna na kami ng school year. Nakakabored dahil ilang taon na ako sa school na ito. Gusto kong lumipat ng eskwelahan pero dahil sa mga kaibigan ko, hindi ko magawa. Ang sabi nila dito lang daw ako sa eskwelahan na ito. Private kasi ang eskwelahan kung saan ako nag-aaral.
Denovas Highschool ang pangalan kung saan ako nag-aaral. Hindi naman masyadong boring ang private pero simula kasi ng mag-aral ako, sa pribadong eskwelahan na ako nagaaral. Kaya simula noon at magpahanggang ngayon, kasama ko pa rin ang kaibigan kong si Sienna Ynne Belleville at ang kapatid kong mas matanda sa akin at babaeng-babae na si Devin Lein Vernon. Ilang taon ang tanda namin ni ate Dev.
Tandan ko pa ito. Anim na taong gulang pala ako noon ng makilala ko si Sienna. Ang tamang pagbigkas ng pangalan niya ay Shina Yen Belivel. Simula pa nung mga bata pa kami ay siya na ang kasa-kasama ko. Sa bawat tawanan, iyakan at pati sa pag gawa ng kalokohan siya ang kasama ko. Kaya nga madalas din akong bungangaan ng nanay niya eh. Dahil sinasama ko siya sa mga kalokohan na ginagawa ko. Kasalanan ko ba eh siya nga ang nagprisinta na sumama sa akin sa bawat lakad ko.
Kahit kasi may raket na ako, gumagala pa rin ako pag may oras at sumasama naman sa akin si Shen. Wala daw siyang pakealam kahit pagalitan pa siya ng nanay niya. Isa 'yon sa mga natutunan ni utol sa akin. Dalawa lang kaming magkapatid ni ate Dev pero sa totoo lang tatlo kami. Yung bunso kasi namin, namatay nung nasa sinapupunan siya ni mama. Lalaki siya at ang dapat ng ipapangalan namin sa kanya ay Rev Jan Vernon pero nung nangyari yung aksidente, si mama at papa lang ang nakaligtas.
Bigla na lang nag-ingayan ang mga babae at mga baklang haliparot dito sa loob ng cafeteria."Mukhang nandiyan na siya!!!"excited na sabi ni ate Dev matapos niyang lagyan ng kung ano-anong kolorete ang mukha niya.
"OMG KALD!!!"
"KALD NOTICE ME!!!
"PAPA KALD PA-KISS!!!"
"MY PRINCE I'M HERE!!!"
"KALD HURT NIPAL!!! YOU ARE MY FUTURE HUSBAND!!!"
"CRUSHIE I'M HERE!!!"
"OMG KASAMA NIYA SI FREYA GIRLS!!!"
"Bagay na bagay talaga sila right? But Kaldy SA AKIN KA!!!"
'Yan ang mga naririnig kong hiyawan ng mga estudyante dito sa loob ng cafeteria. Ginaya ko ang sinasabi nila pero yung walang tunog at yung mukha ko ay mapangasar."Papa Kald kayo diyan psh. Gwapo lang naman 'yan eh pero mas gwapo ako."sabi ko habang naka-dekwatrong panglalaking upo.
Tinampal ni Sienna ang hita ko."Ikaw tumigil ka nga. Try mo kayang umayos baka sakaling magustuhan ka ni Kald."sabi sa akin ni Sienna.
Umakto ako na para akong nasusuka."Ano 'tol? Ako? Magugustuhan ni Kald? Nagpapatawa ka ba?"napahagikgik pa ako sa sinasabi ko."Hindi kami talo 'no."sabi ko pa sabay kain ng pagkain ko.
Tinampal naman ni ate Dev ang braso ko at nakatingin na para siyang naiinis."Ikaw nakakainis ka."sabi sa akin ni ate."Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino yung nagpapayag sayong mag-suot ng mmm... pants na 'yan na panlalaki at 'yang iww na big shirt."para bang nandidiri si ate nang sabihin niya pa sa akin 'yon.
BINABASA MO ANG
The Boyish Is In Love (Completed)
Teen FictionThere was a strong and bold woman named Vallespin. She's not scared at anything and she's also not scared at anyone. Vallespin is like a man in behalf. The way she speaks, the way she wear clothes and the way she act is really like a man. She even c...