Kiss 10
Mahigpit na yumakap si Khamille kay Sir Jess. Umakap din sa kanya si Sir Jess. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.
Marahan kong isinara ang pinto ng kuwarto ko. Ayaw kong manuod sa eksena nila. Parang nanghihina ako. Sinubukan kong tawagan si Dustin pero ring ng ring ang cellphone niya, nakakainis! Naiiyak ako na hindi ko alam kung bakit talaga? Ayaw kong ma-out of place ako dito.
Bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
"Tam!" Tawag ni Sir Jess, ayaw ko pa naman siyang makita ngayon.
Napilitan akong harapin siya, wala naman akong choice.
"Anong oras ka susunduin ni Dustin? Kumain ka muna ng lunch baka malimpasan ka ng gutom." Sabi nito.
Nakakainis talaga! Bakit ang OA niya? Bakit kailangan niya akong intindihin, bakit hindi si Khamille ang asikasuhin niya?
"Hinihintay ko lang ang text ni Dustin..." napalunok ako dahil hanggang ngayon ay wala pang reply si Dustin. Paano kung hindi niya ako sunduin? Ano ang idadahilan ko? Sa huli naisip ko ako ata ang OA?
"Kumain ka muna, baka malate yun ng dating." Aya ulit ni Sir Jess.
"Sige..." walang gana kong sabi.
"Ikaw ba ang little brother ni Gelo?" Nagulat ako dahil pumasok si Khamille sa kuwarto ko. "Gelo kapatid mo ba siya?" Sigaw ni Khamille kay kuya.
"Hello..." Bati sa akin ni Khamille. Nakangiti siya sa akin. Mukha namang mabait siya. Maganda si Khamille, at sigurado akong galing siya sa mayamang pamilya.
Pinilit kong ngumiti kahit naiilang ako, "hi po!" sabi ko.
"Ay grabe ka!" Tumawa ng malakas si Khamille. "Bakit may PO? Gelo mukha na ba akong tita para sa kapatid mo?" Tanong ni Khamille kay Kuya Gelo. Sumunod na rin si kuya sa kuwarto ko. Bakit ba nandito silang lahat?
"Same age lang kami ng Kuya Gelo mo at ng Kuya Jess mo, Tammy di ba?" Tanong niya sa pangalan ko. Tumango ako.
"Tammy, siya si Ate Khamille mo. GF siya ni Kuya Jess mo," may diin ang pagkakasabi ni kuya sa kuya jess.
"Gelo!" Bulyaw ni Sir Jess kay kuya. Bakit parang ayaw niyang sabihin ni kuya sa akin kung ano si Khamille sa kanya? Eh alam ko naman na dahil sinabi na ni kuya sa akin.
Biglang nagring ang cellphone ko. Excited ako dahil sa wakas malamang si Dustin ang tumatawag pero nadismaya ako na hindi pala, it was my classmate Sarah. May tinanong lang ito about sa lesson namin na hindi daw niya magets, nagrereview daw kasi siya.
Nakalabas na sina kuya at Khamille sa kuwarto ko. Maigi na lang iniwan na nila ako.
"Tammy!!" Sigaw ni Kuya Gelo, "ayain mo na yang Kuya Jess mo dito at nang makapag-lunch na tayo! Bakit ba nagkukulong kayo diyan?" May diin na naman ang kuya jess ni kuya.
Kumunot ang noo ko.
Nandito pa si Sir Jess? Hindi pa pala siya lumabas? Bakit nagpaiwan pa siya dito? At sino nagsabing nagkukulong kami? Kainis na talaga si Kuya Gelo! At kelan ko pa naging kuya si Sir Jess?
"Jeee," bumalik si Khamille para sunduin si Sir Jess. Pumulupot pa ito sa bewang ni Sir Jess. "Nagugutom na ako! Nag-aalburuto na dun si Gelo. Inaagawan mo daw siya ng pwesto kay Tammy. Nagpapaka-kuya ka daw eh siya naman daw talaga ang kuya." Bumaling sa akin si Khamille. "Tammy, halika na. Nakahanda na ang lunch. Naghihintay na dun ang kuya mo."
Sinundan ko ng tingin sina Khamille at Sir Jess habang naglalakad ang mga ito papunta sa dining area. Ang sweet ni Khamille dahil naka-akbay pa rin ito sa bewang ni Sir Jess.
Malungkot na tiningnan ko ang cellphone. Wala talagang reply si Dustin. Asan ka yon?
Huminga ako ng malalim bago lumabas at pumunta kina kuya.
Magkatabi ang upuan nina Sir Jess at Khamille.
"Tammy, dito ka sa tabi ko." Utos ni Kuya Gelo.
Magkatapat sina Kuya Gelo at Sir Jess, kami naman ni Khamille ang magkatapat. Mas mabuti dahil gusto kong iwasan si Sir Jess. Hindi ako tumitingin dito.
Kahit masasarap ang mga pagkaing niluto nina kuya at Sir Jess pakiramdam ko ay wala akong ganang kumain.
"Wow this is so good! Ang sarap naman nito." Sabi ni Khamille. Kumuha ito at nilagyan ang plato ni Sir Jess.
Ang awkward ng pakiramdam ko.
"Tammy, tikman mo yang honey garlic pork chops." Sabi ni kuya. "Niluto yan ni Sir Jess kasi sabi ko mahilig ka sa matamis. Matamis yan kasi my honey my love so sweet yan." Tumatawa pang sabi ni kuya.
Gusto ko sanang sabihin kay kuya, kuya hindi ka nakakatawa! Hindi ko siya pinansin. Iba ang kinuha ko.
"Talaga, may honey ito?" Masiglang sabi ni Khamille at kumuha ito. "Ohm, Tam this is great. Try it."
Napilitan akong kumuha pero konti lang. Ayaw ko nga sanang kumuha dahil sinabi ni kuya na niluto ito ni Sir Jess dahil gusto ko. Gusto kong iparamdam na naiinis ako.
"First time mong niluto ito no, Je? Ngayon ko lang natikman. Bakit di mo ko nilutuan nito dati?" Tanong ni Khamille kay Sir Jess.
"Hindi ka naman kasi mahilig sa ulam na matamis." Sabi ni Sir Jess.
"Patay nagkasumbatan na po sila." Sabi ni kuya. "Oy Tam! Kumain ka ng madami. Wala ka bang gana?" Puna ni Kuya Gelo sa akin.
Napatangin ako kay Sir Jess, nakatingin din pala siya sa akin. Umiwas kaagad ako.
"Anong oras ka susunduin ni Dustin?" Tanong ni kuya. Ano bang sasabihin ko? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagrereply si Dustin.
"Bakit ka ba atat na pumunta siya kay Dustin?" Tanong ni Sir Jess kay Kuya Gelo. Obvious sa tono ng boses nito ang pagka-asar.
"Bakit ka galit? Ikaw ba ang kuya?" Natatawang sabi ni kuya. Lalo lang nitong inaasar si Sir Jess.
"Kayo talagang dalawa. Pati ba naman pagiging kuya kay Tammy pag-aagawan nyo pa?" Komento ni Khamille. "Wait sino ba si Dustin? Boyfriend mo Tam?"
Sasagutin ko ba?
"Soon to be...kapag pumayag ang Kuya Jess niya. Mukhang tutol eh. Hindi ata boto kay Dustin eh." Hirit ni Kuya Gelo. Nakakapraning si kuya, bakit ba inaasar niya ng inaasar si Sir Jess? Ang sama tuloy ng tingin ni Sir Jess sa kanya.
"Kuya!!! Para kang ewan ano ka ba?" Sabi ko kay kuya. Naaasar na rin ako. Bahala siya kapag napikon ng tuluyan sa kanya si Sir Jess. Bahala silang mag-away.
"Tam, relax. Don't worry subrang closed niyang dalawa, hindi yan mag-aaway." Sabi ni Khamille. "Swerte mo sa Kuya Gelo mo Tam, napaka supportive brother niya sayo."
"Oo naman, kung saan masaya si Tammy dun ako. Kahit sino piliin niya okay sa akin. Kahit sino mahalin niya, support ako. Kahit babaero pa yan before basta willing magbago para kay Tammy, okay sa akin." Nakangiting sabi ni Kuya Gelo. Bakit kay Sir Jess siya nakatingin? Minsan di ko na magets si kuya.
Napilitan akong tingnan si Sir Jess. Kung kanina parang asar siya kay kuya ngayon ay parang okay na ulit sila.
"Ikaw naman Je, huwag kang masyadong mahigpit kay Tammy." Sabi ni Khamille.
Bakit ba ako ang topic nila? Hindi ba nila namiss ang isa't- isa?
Hindi sumagot si Sir Jess.
Kumuha ito ng malaking slice ng honey garlic pork chop at inilagay sa plato ko. "Kumain ka ng madami para lumakas ka kaagad. Niluto ko yan para sayo, sayang naman ang effort ko!"
Nasamid si kuya na feeling ko fake yung pagkasamid niya.
Hindi ko alam kung paano magre-react? Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Khamille. Namamanhid ang mukha ko sa hiya.
Iniwasan kong tumingin sa kanya dahil nahihiya talaga ako.
Sarap pagbuhulin ni kuya at ni Sir Jess.
BINABASA MO ANG
Kiss, One Last Time (BL Story)
RomanceTwo Parts - BL Story [by mikzylove] Part 1 : (Kiss) Mamahalin ba ng isang straight na lalaki (Jess) na mula sa maayos at mayamang pamilya ang isang kagaya niya (Tammy) na mula sa isang magulong pamilya? Part 2 : One Last Time Kapag may simula mayroo...