Kiss 3
Maaga akong gumising kinabukasan dahil nakakahiya naman kung mauunahan pa ako ni Sir Jess na magising.
Binilinan ako ni kuya na dapat tumulong ako sa gawaing bahay dito. Sabi pa ni kuya ay pwede akong tumulong maglinis o kaya ay magluto ng almusal. Paborito daw ni Sir Jess ang sinangang na kanin na maraming bawang at black pepper. Tapos fried scrambled eggs.
Nagulat ako paglabas ko dahil abala na sa pagluluto si Sir Jess. Grabe mas maaga pa pala siyang gumising kesa sa akin?
"Hi, Tam. Good morning. Malapit na 'tong maluto. Sabay na tayong magbreakfast." Bati sa akin ni sir.
Nahiya naman ako bigla. Ano ako dito, bisita talaga? Hangga't maaari ayaw kong maging pabigat sa kanya habang nandito ako. Sana pala mas inagahan ko pa ang gising.
"Bukas sir, pwede naman pong ako na lang ang magluto. Sabihan nyo lang ako kung ano ang gusto nyong ipaluto sa akin. Sanay naman po akong magluto." Nahihiya kong sabi.
"Sir and po? Akala ko ba okay na tayo dyan kagabi?" Sabi ni Sir Jess. Kakaloka, yun pa talaga ang pinansin niya kesa sa sinabi kong pwede naman niya akong utusan. "Parang gusto kong magtampo niyan sayo Tam." Dagdag pa niya.
Bakit ba kasi big deal sa kanya kung may sir at po ako? Unang-una, manager naman kasi siya sa restaurant na pinapasukan ni kuya. Pangalawa hindi naman kami magka-same age! Hindi rin kami close at hindi ko rin masasabing friends kami.
"Sorry..naalalangan kasi akong tawagin ka sa pangalan mo lang. Boss ka ni kuya." Katwiran ko.
"Si Kuya Gelo mo ang katrabaho mo hindi ikaw. Saka hindi rin siya required na tawagin akong sir maliban na lang kung nasa trabaho kami, alam mo na. Pero narinig mo naman na tol ang tawag sakin nun. Pero huwag mo kong tatawaging tol, feeling ko hindi bagay sayo." Seryosong sabi ni Sir Jess.
Ganun? Gusto niya Jess lang talaga? Baka gusto lang talaga niyang maging kumportable ako sa kanya?
"Ohmm..sige. Jess, ako na lang ang maghuhugas ng pinag-kainan natin mamaya." Sabi ko. Nakakailang pero para wala na siyang masabi. Sasanayin ko na lang ang dila ko na tawagin siya ng Jess.
Napatigtig ako sa mga niluto niya na nakahain na sa mesa. Lahat iyon ay paborito ko
"Tinanong ko ang kuya mo kung ano ang paborito mo, kaya ayan. Niluto ko for you." Sabi ni Sir Jess, ay Jess pala.
Ang bait ni Jess, kinikilig ako.
Naghanda na akong pumasok after naming kumain at mahugasan ko ang pinag-kainan namin. Nilinisan ko rin ang kusina. Syempre sabay kaming nagbreakfast. Naiilang pa rin ako pero unti unti ko nang sinasanay ang sarili ko. Gusto ni Jess na maging kumportable ako kaya aarte pa ba ako?
"Are you ready?" Nagulat ako sa tanong ni Jess. Hinihintay niya ako? Naka-tshirt siyang puti at kulay khaking walking shorts na pinartneran niya ng mamahaling sapatos. "Ihahatid na kita school. Traffic kapag ganitong oras, mahirap maka-sakay." Sabi niya nang marahil ay makita niya na nagtataka ang mukha ko.
"Naku, huwag na. May sapat na oras pa naman ako. Hindi pa ako mali-late. Baka maka-abala pa ako sayo. Baka ikaw pa tong ma-late ng dahil sa akin." Tiningnan ko ang wrist watch ko. 7:23 pa lang naman ng umaga. 9:25 pa ang fist subject ko. May dalawang oras pa ako.Kaya pa yan, hindi pa rin naman ako mali-late. Kaya nga maaga akong gumagayak sa pagpasok dahil ayaw na ayaw kong nali-late.
"Don't worry, 10am pa ang pasok ko sa work. Sige na ihahatid na kita." Pilit ni Jess.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang kay Jess. Kinikilig ako sa kanya. Imagine gumising siya ng maaga para magluto ng mga paborito ko. Nag- researched pa siya kay kuya. Sabay kaming nagbreakfast. Tapos ihahatid niya ako. Naalala ko ang bilin ni kuya. Huwag na huwag akong mai-inlove kay Sir Jess dahil madaming babaeng makikipag-patayan para dito. Hindi talaga dahil ayaw ko pang mamatay noh!
BINABASA MO ANG
Kiss, One Last Time (BL Story)
RomanceTwo Parts - BL Story [by mikzylove] Part 1 : (Kiss) Mamahalin ba ng isang straight na lalaki (Jess) na mula sa maayos at mayamang pamilya ang isang kagaya niya (Tammy) na mula sa isang magulong pamilya? Part 2 : One Last Time Kapag may simula mayroo...