Kiss 6

54 7 7
                                    

Kiss 6

Wala pa ring tigil ang malakas na buhos ng ulan.

2:33PM na.

Tinamad na akong mag-review. Wala pa rin naman kaming pasok bukas dahil masama ang panahon.

Hindi na rin pumapasok sa utak ko ang aking pinag-aaralan. Lumilipad sa kung saan ang utak ko. Nagpasya akong tumigil na lang at magpahinga.

Nakatitig lang ako sa harap ng bintana habang pinapanuod ang buhos ng ulan na may kasamang malakas na hangin. Halos mabuwal ang puno ng acacia na nasa kabilang street sa lakas ng ulan at hangin.

Kamusta na kaya sa bahay nami? Sana naman ay okay lang sila? Kahit naman magulo ang pamilya namin ay pamilya ko pa rin sila. Wala naman akong ibang hiling kundi ang maging maayos kami. Sana nga ay dumating ang araw na yun.

Tenext ko si Kuya Gelo kanina, okay naman daw sila. Huwag na daw akong mag-alala pa dahil malalaki na sila. Syempre kinamusta niya ako, at may isang bagay na hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo.

Ang nangyari kanina sa amin ni Jess. As if kailangang i-kwento ko pa iyon kay Kuya Gelo. Wala lang yun sa akin, at malamang kahit kay Sir Jess. Sa daming babae na ang nahalikan niya baka ngayon hindi na yun makapaniwala na hinalikan niya ako.

Pareho na kaming nagkulong sa mga kwarto namin after naming mag-lunch. Hindi na namin pinag-usapan ang tungkol doon. Parang walang nangyari.

Okay lang naman sa akin kung wala lang yun kahit kanina pa ginugulo ng bagay na yun ang aking isip. Kaya nga hindi ako makapag-aral nang maayos. Kahit anong pilit ko sa utak ko sa huli ay sumuko lang ako at tumitig sa kawalan. Nag-iisip ng mga bagay na dapat ay hindi ko iniisip.

Ginugulo ko ang aking utak kahit hindi naman kailangan. Niloloko ko lang ata ang sarili sa kapipilit ko na wala lang yun dahil hindi naman ako mapakali.

Naalala ko si Dustin. Kinuha ko ang cellphone ko, I texted him. Mas okay nang sa iba ko ibaling ang utak ko.

(ey dust, ganap?)

Hindi na pala siya tumawag o nagtext sa akin after what happened. Ano kaya ang iniisip nun dahil bigla akong nawala kanina?

Nag-ring ang cellphone. Tumatawag si Dustin. Tamad talaga siyang mag-text palibhasa naka-post paid plan. Rich kid kasi.

"Ey..." bati ko. "Ang tamad mo talagang mag-text noh?" Sermon ko kay Dust.

"Eh nakaka-pagod kaya mas madali ang mag-salita. Ikaw anong ganap? Bakit bigla kang nawala kanina? Nagmukha akong tanga." Sumbat ni Dustin sa akin pero hindi ito galit.

Naguilty naman ako. Ano ang gagawin kong palusot? As if pwede kong ikwento ang totoong dahilan ko.

"Uhmmmm, sumakit ang tiyan ko kanina. Alam mo yun? Kailangan kong tumakbo sa CR baka kasi. Muntikan nang sumabog. Iku-kwento ko pa ba medyo kadiri eh." Palusot ko.

"Yuck, Tammy! Huwag na! Kumakain ako now ng ginataan. Haha! Bad timing ka!" Natatawang sabi ni Dustin.

Natawa na lang din ako. Iniimagine ko ang hitsura ni Dustin. Ganahan pa kaya siyang kumain ng ginataan?

"Ikaw nakapag-snack ka na ba?" Tanong naman niya sa akin.

"Tinatamad pa ako, hindi naman ako nagugutom."

Natigil ako, may kumatok kasi.

"Knock! Knock!" Narinig kong sabi ni Jess kasabay nang pagkatok niya sa pinto.

Ang bilis na naman ng kabog ng dibdib ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang mapansin niyang may kausap ako.

"Ahmm, Dust. Text na lang kita maya. Bye."

Tumayo ako at lumapit kay Jess after e-end call si Dustin.

"Dustin na naman? Lakas ng alikabok na yun sayo ah. Kahit bumabagyo unli-call pa rin. Bakit pa siya nawawalan ng signal?"

Alikabok talaga? Ah Dust kasi? Mahusay!

"May kailangan ka?" Ang lakas nang kabog ng dibdib ko, pero kunwari hindi. Hindi ko na lang pinansin ang pag-aalburuto niya kay Dustin.

"Ah Tam. Ano kasi I ordered food for our meryenda." Gusto kong matawa na ewan kay Jess, bakit nabubulol siya?

"Saan ka nag-order?" Tanong ko. Just to break the awkwardness, hindi na ako tumanggi pa na maki-meryenda sa kanya. Nagugutom na rin kasi ako. "May bukas bang establishment kahit bumabagyo?"

"Meron sa baba. May mga food stalls dyan. Hindi mo napapansin? Hindi naman sila nag-close para sa mga tenants dito. Isa pa, kaibigan ko yung owner. Tenant din dito."

"Talaga? I'm sure babae yung owner?" Wala na naman ako sarili ko, bakit ko natanong iyon? Nahiya tuloy ako. Tumalikod ako para kumuha ng tasa. Ano naman kung babae Tam? "Gusto mo ng coffee, masarap kapag umuulan." Kunwari'y tanong ko.

"Sure kung ipagtitimpla mo ko." Sabi ni Sir Jess. May ngiti sa labi niya.

Nag-timpla ako ng kape para sa aming dalawa. Ang bango ng coffee tamang-tama sa lakas ng ulan sa labas. Baked Sushi at Takoyaki ang inorder ni Sir Jess. Once pa palang ako nakakain ng baked sushi, at nagustuhan ko ito. Samantala madalas takoyaki ang kainin namin ni Dustin sa school cafeteria dahil paborito niya ito.

"Dustin's fave, takoyaki! Kung nadito yun malamang kanina pa niya yan nilantakan!" Wala lang, nasabi ko lang.

Tumikhim si Jess.

"Kung alam ko lang, dapat pala pizza and sushi baked na lang ang in-order ko kay Gaila? Hindi naman masarap yang takoyaki, eh." Parang batang sabi ni Jess.

So it's Gaila pala? The owner slash friend ni Jess? Sabi na eh, babae.

Kumuha ako ng dalawang platito para sa amin ni Sir Jess. Naglagay ako ng apat na takoyaki sa isang platito para sa kanya.

"Hindi masarap pero binili mo," Naka-labi kong sabi. Kumagat ako ng isang takoyaki, "masarap kaya."

"Masarap kasi paborito ni alikabok?" Ayaw talagang kainin ni Sir Jess ang inihain kong takoyaki sa kanya. Pinanindigan nya talaga na alikabok ang tawag niya kay Dustin.

"Bakit asar ka kay Dustin?" Bigla kong tanong. Obvious naman kasi na asar siya kay Dustin.

Tumingin ng deretso sa akin si Jess, gusto kong iwasan iyon pero hindi ko ginawa.

"Hindi ko siya gusto para sayo!" Sabi ni Sir Jess. Ilang seconds siguro akong hindi nakapag-salita? Ano namang pakialam niya sa amin ni Dustin?

"Pero gusto ko siya..." sabi ko. Sinadya kong hindi sabihin ang as a friend.

I saw disappoinment sa mukha ni Sir Jess. Parang may mali akong nasabi.

"I think kailangan kong kausapin ang Kuya Gelo mo." Parang inis na sabi ni Sir Jess.

"Anong sasabihin mo kay kuya?" Anong namang tungkol kay Dustin ang sasabihin niya kay kuya?

"That we kissed..."

Nabuhay ang lahat ng alarma sa katawan ko.

"Hala, huwag!" Sigaw ko.

Ang mukha ni Jess parang nagulat, as if he's asking me, galit ka?

"Lagot ako dun! Kabilin-bilinan pa naman ni Kuya Gelo na babaero ka." Sabi ko.

Naiiling na natatawa si Jess.

"Tam, hindi lahat nang sinasabi ng Kuya Gelo mo ay totoo. Ang iba dun joke lang niya. Hindi ako babaero. Promise!" Depensa ni Jess.

Gusto ko siyang tanungin, eh bakit mo ako hinalikan? Pero wala akong lakas ng loob. Baka ma-hopiang monggo lang ako. Ayaw kong mapahiya.

Kiss, One Last Time (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon