Kiss 5
Quarter to twelve ay inihanda ko na ang pagkain sa mesa.
Pinuntahan ko si Sir Jess sa kanyang kuwarto para ayaing mag-lunch.
"Sir Jess!!!" Tawag ko. Hindi siya sumasagot. Tulog kaya siya? Kailangan niyang kumain at uminom ng gamot. Hindi siya pwedeng malimpasan ng gutom.
Maigi na lang at hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto niya, naglakas loob na lang akong pumasok.
Nakahiga siya at nakabalot ng comforter ang buong katawan. Nilalamig ba siya?
"Sir Jess." Lumapit ako sa gilid ng kama niya.
"Sir Jess." tawag ko ulit. Mas nilakasan ko ang boses ko. Pero wala pa rin talaga. Hindi kaya inaapoy na siya ng lagnat? Kinabahan naman ako, what if nagdedeliryo na pala siya?
"Sir Jess," tawag ko ulit. Dahan-dahan kong inalis ang comforter upang makita ko siya. Nakapikit siya. "Sir." tawag ko ulit.
Pinagmasdan ko siya at ang bilis ng paghinga niya. Gumagalaw ang mga pilikmata niya. Hinala ko ay hindi talaga siya tulog. Bakit hindi niya ako pinapansin?
Ayaw lang ba niya akong harapin? Kanina nga ay tinalikuran din niya ako? Galit ba siya sa akin?
Marahan kong inilapit ang kamay ko sa noo niya. Dinama ng palad ko kung mainit ito. Napalunok si Sir Jess. Tama ang hinala ko na gising siya. Nag-react kasi siya sa pagdampi ng palad ko sa noo niya. Ibinaba ko ang palad ko sa leeg niya. Madalas gawin ito ni kuya sa akin kapag masama ang pakiramdam ko. Para daw mas malaman niya kung mainit ako.
Napatingin ako sa labi ni Sir Jess. Napalunok ako. Ang perfect naman ng heart shape ng labi niya. Mapupula at parang ang sarap halikan.
Bumilis ang pintig ng puso ko. Bakit ba madalas lutang ako? Biglang nag-init ang mukha ko. Ano bang ginagawa ko? Gising nga pala si Sir Jess. Nakakahiya, baka kung anong isipin niya?Nag-ring ang cellphone ko. Mabuti na lang dahil natauhan ako. Saved by the bell. Tam minsan kasi mag-isip ka muna.
Lumayo ako kay Sir Jess.
Si Dustin ang tumatawag.
"Dust," hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
Nagulat ako nang biglang may humawak sa pulsohan ko. Hindi ko na narinig ang boses ni Dustin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Sir Jess na nasa harapan ko.
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari pero magkalapit na ang mga labi namin ni Sir Jess. Hawak ko pa rin ang cellphone ko pero hawak naman ni Sir Jess ang pulsohan ko na para bang bawal kong ibalik iyon sa tenga ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang init ng labi niya. Kahit ang kanyang hininga ay mainit rin.
This is my first kiss, siya ang first kiss ko! Ganito pala ang first kiss? Parang may mga tumatakbong kabayo dahil sa lakas kabog ng dibdib ko? Naramdaman kong humawak sa bewang ko ang isang kamay ni Jess habang hawak pa rin niya ang pulsohan ko. Maigi na lang dahil pakiramdam ko ay mabubuwal ako dahil sa nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa subrang kaba ko. Nanatili akong naka-pikit, pilit na kinukontrol ko ang kabog ng dibdib ko. Tam okay ka lang ba? Anong nangyayari?
Magkalapat lang muna ang labi namin. Hindi ako gumagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ni Sir Jess. Ayaw kong magmulat ng mga mata. Dahan-dahang gumalaw ang labi ni Sir Jess. Akala ko ay hindi ako tutugon pero naramdaman ko na lang na kusang bumigay ang mga labi ko. Tinanggap ko ang halik ni Sir Jess. Naramdaman ko ang pagpasok ng dila niya sa loob ng bibig ko. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ng magdikit ang mga dila namin. Kakaiba ang pakiramdam. Lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko at hindi ko na ito mapakalma.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal hinalikan ni Sir Jess. Pareho kaming humihingal nang mag-hiwalay ang mga labi namin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ako dapat mag-react? Basta nanatili akong nakatayo at nakatingin lang sa kanya. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung ano ang itatanong ko.
"Tam."
"Ahh, nakahanda na ang pagkain. Nagugutom na kasi ako. Saka kailangan mo na ring kumain at uminom ng gamot." Wala sa sariling sagot ko kay Sir Jess. Umiwas ako sa kanya.
Nangangatog ang aking tuhod at hindi nawawala ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano yung nangyari? Bakit niya ako hinalikan? Anong trip niya?
Lumabas ako ng kwarto niya. Sumunod siya sa akin. Tahimik lang kami. Nakikiramdam.
"Tam..."
Tumingin ako kay Jess. Ngumiti ako. Ang awkward ng sitwasyon namin. Ano bang gagawin ko? Anong sasabihin ko?
"Kapag ako nahawahan mo ng sakit, ikaw ang mag-aalaga sa akin." Biro ko na lang dahil wala talaga akong maisip na dapat sabihin.
Nanlaki ang mata ni Jess. Parang ngayon lang niya narelaized na pwede niya akong mahawahan.
"Tam, sorry." Nataranta si Sir Jess. "Hindi ko naisip na baka mahawahan kita. Galit ka ba? Tam..."
Nakaka-ilang talaga. Bakit naman ako magagalit? Hinalikan niya ako, biglaan lang siguro iyon pero tumugon ako. Somehow kasalanan ko rin. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan pero pwede naman sana akong umiwas.
"Lagot ka kay kuya. Kapag nagkasakit ako, isusumbong kita." Biro ko kay Jess. Biro ko lang ito, as if gagawin ko nga. Ayaw ko lang gawing big deal ang nangyari. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano. Ayaw kong mag-expect.
"Okay lang na isumbong mo ako sa kuya mo. Pananagutan naman kita Tam!"
Muntik na akong maubo. Anong pananagutan niya ako? Halik lang yun, oo first kiss ko yun. Pero halik lang yun para umabot sa pananagutan niya ako kay kuya? Ganun ba kalala na mahalikan ka? Importante ba ang halik lalot kung wala namang dahilan? I'm sure wala siyang dahilan kung bakit niya ako hinalikan. Bored lang siguro siya?
Nakakahiya kay kuya kapag nalaman niya ito. Panay pa naman ang paalala niya sa akin na babaero si Sir Jess.
Tam halik lang yun. Asa ka naman na pananagutan ka ni Sir Jess. Asa ka naman na gagawin niya iyon? Bakit niya naman gagawin iyon?
Tam hindi ka naman babae. Isipin mo nga kung gaano karaming babae na ang nahalikan ni Sir Jess, isa man lang ba sa kanila ay may pinanagutan siya?
Kapag nag-expect ka Tam, sa huli hopiang monggo ka.
BINABASA MO ANG
Kiss, One Last Time (BL Story)
RomanceTwo Parts - BL Story [by mikzylove] Part 1 : (Kiss) Mamahalin ba ng isang straight na lalaki (Jess) na mula sa maayos at mayamang pamilya ang isang kagaya niya (Tammy) na mula sa isang magulong pamilya? Part 2 : One Last Time Kapag may simula mayroo...