Kiss 13

37 4 0
                                    

Kiss 13

Two weeks later...

"Hindi ka ba napapagod sa pagtayo dyan?" Tanong ko kay Sir Jess.

"Tam naman, swear itigil mo yan. Hindi mo kailangang gawin yan."

Kanina pa siya pilit nang pilit na itigil ko ang ginagawa ko. Ayaw niya akong tigilan.

Hindi kasi makakapunta dito ngayon si Ate Nerma ang labandera niya dahil may emergency sa bahay nito. May iniwan siyang binabad na labahin kahapon na mga damit ni Sir Jess. Sabi ko ako na lang ang magtutuloy.

"Ano ka ba, babaho ito kapag hindi nabanlawan kaagad. Saka mangungutim sayang naman ang mga damit mo, mga branded pa naman. Marunong naman akong maglaba."

Napangiwi ako nang maramdaman ko ang hapdi sa darili ko dahil bumangga ito sa zipper ng shorts ni Sir Jess na siyang kinukusot ko ngayon. Marunong naman akong maglaba pero mas madalas si Kuya Gelo talaga ang naglalaba ng mga damit ko nung nasa bahay pa ako. Masyado kasing madaling masugatan ang mga kamay ko lalo na kapag nagkukusot. Ang hapdi pa naman kapag nakababad sa sabon.

"Oh? Sabi na eh, Tam itigil mo na yan!"

Medyo asar na atang sabi ni Sir Jess? Mabilis siyang lumapit sa akin para kunin ang kamay ko. Nakita niyang may gasgas na ito at namumula na.

"Malapit nang matapos ito. Tatapusin ko na lang." Pilit ko pa rin.

Dito man lang eh makatulong ako. Ayaw pa rin kasi niyang tumanggap kay kuya ng renta ko dito sa condo niya.

"Hindi na Tam. Tatawagan ko na lang si Ate Nerma, baka may pwede siyang papuntahin muna dito ngayon para magtuloy niyan."

Inilayo ako ni Sir Jess sa harap ng labahan. Dinala niya ako sa gripo para banlawan ang kamay ko. Napangiwi ako ng tumama ang tubig sa kamay ko na may gasgas, mahapdi kasi talaga.

"Papagalitan ako ng kuya mo kapag nalamang inaalila kita dito."

Natawa ako kay Sir Jess.

"Ano ka? Si kuya nga mismo ang nagsabing tumulong ako dito. Gumawa ako ng mga gawaing bahay dito para hindi naman nakakahiya sayo. Mas lagot ako dun kapag hindi ako kumilos dito."

Nangunot ang nuo ni Sir Jess. Nagsalubong ang mga kilay.

"Loko talaga ang Kuya Gelo mo, Tam hindi kita katulong dito."

Tumaas din ang kilay ko. Tapos na niyang banlawan ang kamay ko. Kumuha siya ng towel at balak punasan ang kamay ko pero tumanggi ako. Kaya ko namang gawin iyong mag-isa.

"Ako na." Kinukuha ko ang towel pero ayaw bitiwan ni Sir Jess. Siya pa rin ang nagpunas ng kamay ko.

"Masaya ako sa ginagawa ko, Tam." Seryoso niyang sabi.

Nakakakilig pero nakakailang din. Hindi ko alam kung bakit? Siguro dahil masyadong mataas si Sir Jess kumpara sa kalagayan ko sa buhay.

Sinabi na niya na may feelings siya sa akin. Masaya ako. Pero napapa-isip talaga ako, okay lang ba siya?

Ang gwapo ka niya. Alam kong straight siya pero nagkagusto siya sa akin. Sabi ni Kuya Gelo ay one hundred one percent daw na sigurado siyang straight si Sir Jess. Pero hindi daw alam ni kuya kung bakit nagka-gusto sa akin at naiba ang ihip ng hangin.

Nang sinabi ko kay kuya ang naging confession ni Sir Jess ng feelings niya sa akin, ang sagot lang ni kuya "bahala ka bunsoy"!

Sigurado naman ako na alam na rin niya ang tungkol dun, malamang nga sa kanya pa unang nagsabi si Sir Jess bago sa akin.

Gusto ko sanang tanungin si Sir Jess kung bakit niya ako nagustuhan, pero nahihiya ako.

Sigurado kaya siya na gusto niya ako? Baka dala lang ng masamang hangin ang pagka-gusto niya sa akin diba? Yung tipong napasukan ng maruming hangin ang utak nya kaya nagka-gusto siya sa akin?

Close na ulit kami. Sweet si Sir Jess at maalaga sa akin. Hayaan ko lang bago siya matauhan, bago magbago ang isip niya. Sabi ko nga pag-isipan nya munang maigi. Baka nga magbago pa ang isip niya. Sa huli baka ma-realize niya hindi pala nya ako gusto. Baka dala lang pala ng awa yung nararadaman niya dahil sa sitwasyon ko.

"Sino pala ang tawag ng tawag sayo kagabi? Si Dustin?" Tanong ni Sir Jess sa akin. Umalis na ako sa laundry area dahil ayaw na niya talagang ipagpatuloy ko pa ang paglalaba. Tinawagan na niya si Ate Nerma.

"Ohmm," Tumango lang ako.

"Bakit daw?" Halata ang bugnot sa boses ni Sir Jess. Pinigilan kong mapangiti dahil baka makita pa niya at isipin na kinikilig ako sa pagsesentir niya kay Dustin.

Nakakatuwa siya tuwing mag-aalburoto kay Dustin. Masyado pa ring asar dito.

"Wala naman, nangangamusta lang." Simpleng sagot ko. Nag- leave nga pala si Dustin sa school. Nasa Canada ito ngayon para samahan ang daddy nito for medication doon. One month siyang mawawala.

"Tam... kasi,"

"Umm." Ngumiti ako. "Anong gusto mong kainin, magluluto ako. Nagugutom kasi ako." Pag-iiba ko ng usapan.

"Ikaw, kahit anong lutuin mo I'm sure magugustuhan ko." Nagkakamot ng batok na sabi ni Sir, "Tam... kasi nagseselos talaga ako kay Dustin."

Save by the bell nang may mag-door bell dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Sir Jess?

It was Tita Miriam daw ni Sir Jess. First time ko itong ma-meet at feeling ko masungit ito. Medyo nakaka-alangan nga nang pasimpleng tingnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Nagpunta ako sa kusina para maghanda sana ng pagkain para sa tita ni Sir Jess.

"Siya ba ang kapatid ni Gelo? Ano ba yang si Gelo bakit dito niya isiniksik ang kapatid niya?"

Kinabahan ako sa aking narinig. Para akong nabingi.

"May mga kaibigan talaga na mapagsamantala, kumo at mabait ka eh sasamantalahin na?"

"Tita..." nasa boses ni Sir Jess ang pagkataranta.

"Hijo wala nang libre sa panahon ngayon. Saka paano ang privacy mo? Mukhang malamya pa, hindi ka ba naalangan na may masabi ang ibang tao na may kasama ka ditong malamya? Concern lang ako sayo hijo."

Subrang prangka ng tita ni Sir Jess. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at nangangatog ang tuhod sa subrang hiya ko. Nahihiya ako sa mga sinabi ng tita niya. Nakakaiyak pero mas nakakahiya kung iiyak ako. Hindi ko tuloy alam kung paano sila pakikirahapan, kung paano ko ihahain ang inihanda kong pagkain?

"Tita ako ang nagsabing dito siya tumira, walang kaso sa akin. Ako ang ayaw tumanggap ng bayad nila dahil mga kaibigan ko sila. Okay lang sa akin, hindi niyo ho kailangang magsalita ng masama."

"Concern lang ako hijo. Ano na lang ang sasabihin ni Samantha kapag nalamang may kasama ka ditong malamya? Anyway di na rin ako magtatagal. Aalis na ako. Darating na nga pala si Samantha this Sunday. Sinabi kong susunduin mo siya. Panahon na para pag-usapan nyo ang tungkol sa inyong dalawa."

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatanga sa kusina? Umalis na ang tita ni Sir Jess pero nakatanga pa rin ako doon.

"Tam..."

Nataranta ako nang tawagin ni Sir Jess ang pangalan ko. Ayaw kong makita niyang apektado ako sa sinabi ng tita niya. Pakiramdam ko nanliliit ako.

"Sorry...hindi ko na nailabas ang inihanda ko para sa tita mo. Medyo natakot ako sa kanya."

"Tam, I'm sorry. Huwag mong pansinin ang mga sinabi niya."

Ngumiti ako kay Sir Jess.

"Okay lang, hindi ko naman halos narinig ang mga pinag-usapan nyo." Pagsisinungaling ko. Noong mga oras na iyon gusto ko na lang sanang maglaho. Gusto kong bumalik na lang sa bahay namin.

Kiss, One Last Time (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon