Kiss 14

55 4 6
                                    

Kiss 14

"Tam...! Oy, Tam...!"

Kinalabit na ako ni Ritz para lang mapansin ko siya.

"Sorry Ritz, bakit?"

"Sabi ko mauna na ako sayo, may schedule ako ngayon sa part time job ko. Ikaw, akala ko ba gusto mong mag-apply dun? Hiring pa kami, Tam."

"Hindi pa ako nagkakapag-paalam kay kuya. Sasabihan na lang kita."

"Ohmm okay, mauna na ako. Napapansin ko lately laging ang lalim ng iniisip mo, Tam. Madalas tulaley ka."

Partners kami dati ni Ritz sa research paper para sa Filipino subject namin at dahil doon ay naging close na kami.

Wala na si Ritz ay nakatanga pa rin ako sa upuan ko dahil tinatamad pa akong umuwi.

Gusto ko nang bumalik sa bahay namin kaso ayaw pumayag ni kuya dahil magulo pa rin daw. Madalas may mga pulis daw na umaaligid bukod pa sa mga mukhang adik na laging nakasunod kay Kuya Fred. Kahit si kuya ay nakikituloy muna sa isa pa nilang kaibigan.

Hindi ko na siya kinulit pa tungkol sa pagkuha ng room for rent dahil nahihiya rin ako. Syempre si kuya ang gagastos kung sakaling makakuha nga siya at baka hindi pa talaga kaya ng budget niya.

Plano ko na lang mag-apply sa pinagtatrabahuhan ni Ritz. Kung matatanggap ako at makakapagtrabaho na ay pwede na akong mag-renta kahit bed space lang. Kakayanin ko naman siguro ang sarili ko.

Kapag naalala ko ang mga sinabi ng Tita Miriam ni Sir Jess ay naiilang na ako. Nahihiya ako kay Sir Jess. Pasimpleng umiiwas ako sa kanya. Hindi ko alam kung napapansin niya. Pero ramdam ko rin na parang umiiwas din naman siya sa akin which is mas pabor yun sa akin.

Totoo naman kasi ang mga sinabi ng tita niya. Bakit kailangang sumiksik nga ako sa condo niya at malamya naman talaga ako?

Nung Sunday ay maagang umalis si Sir Jess at gabi na nang umuwi. Sinundo niya siguro si Samantha. Hindi ko naman kilala kung sino si Samantha?

Mabigat ang mga hakbang ko habang pauwi sa condo. Nadatnan ko sina Kuya Gelo at Sir Jess kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Kuya Dave.

"Kamusta, Tam?" Tanong sa akin ni Kuya Gelo. Sumunod siya sa akin sa kuwarto ko.

"Okay lang ako kuya, ikaw kamusta?"

"Mabuti naman, bakit parang pumayat ka? Ang tamlay mo, may sakit ka ba?"

Kumunot ang nuo ko kay kuya. Seryoso ba siya?

"Hindi ah, wala akong sakit. Ganito naman talaga ang katawan ko." Kontra ko sa sinabi ni kuya.

"Sigurado ka Tam?"

"Ahhmm, kuya..." magpapaalam na ako sa kanya na maghahanap ako ng trabaho.

"Tol,lalong gumanda si Sam, ah. Okay na ba kayong dalawa? I've heard tapos na ang kontrata niya abroad? Ano nang plano nyo?"

It was Kuya Dave kausap niya Sir Jess. Nakabukas kasi ang pinto ng kuwarto ko kaya naririnig ko ang usapan nila mula sa sala. Iniwan kasi ni kuya na nakabukas. Bakit kasi di marunong magsara?

Kunwari wala akong narinig. Pinilit kong mag-concentrate sa usapan namin ni Kuya Gelo. Hindi ko na pinansin kung ano ang isinagot ni Sir Jess.

"Inaaya ako ng classmate ko na mag-apply sa pinapasukan niya kuya, hiring pa daw kasi sa kanila. Sayang din ang kikitain ko kung sakali. Gusto ko sanang i-try."

Tiningnan ako ni kuya kung seryoso ba ako sa sinasabi ko.

"Kakayanin mo ba? Hindi ka ba mahihirapan?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss, One Last Time (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon