Kiss 11

37 6 1
                                    

Kiss 11

After lunch ay nagpaalam na ako kay kuya na magpapahinga na lamang ako sa kuwarto ko. Pumayag naman siya at hindi na ako tinanong kung kelan susunduin ni Dustin. Mabuti na lang dahil wala pang reply si Dustin kahit isa sa akin hanggang ngayon. Ano kayang nangyari doon? Siguro naman ay okay siya. Kahit paano ay nawala na ang pagkainis ko kay Dustin. Napaka-wrong timing naman kasi niya.

"Tam, uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ni Sir Jess. Nakainom na ako kanina kaya simpleng, "nakainom na ako" ang isinagot ko sa kanya.

Pumasok kaagad ako sa kuwarto kasi nahihiya ako sa ginagawang pag-asikaso sa akin ni Sir Jess. Hindi naman niya kailangang gawin iyon. Naiilang ako kay Khamille.

Gusto nilang manuod ng series o kaya movie sa Netflix. Hindi naman ako mahilig sa mga ganun kaya naisipan kong bumalik na lang sa kuwarto ko.

"Tam," Si Khamille. May dala siyang mug. "Dinalan kita ng ice cream."

Naiilang na tinanggap ko ito. "Thank you.."

Tinanggap ko iyon without knowing na strawberry flavor pala ito which is hindi ko gusto ang strawberry. Naduduwa kasi ako sa lasa ng nito.

"Hindi siya kumakain ng strawberry." Sabi ni Sir Jess. Kinuha niya sa akin ang mug na may lamang strawberry ice cream. "Here," inabot niya sa akin ang mug na may lamang chocolate ice cream.

"Oh my, sorry Tam. I didn't know." Paumanhin ni Khamille.

Paano nalaman ni Sir Jess na ayaw ko sa strawberry? Nag-researched nga pala siya kay kuya.

"Okay lang, no worries. Hindi ko rin naman napansin." Nakangiti kong sabi.

"Hoy Gelo!" Sigaw ni Khamille kay kuya. "Loko ka! Hindi pala kumakain si Tam ng strawberry flavor bakit hindi mo sinabi sa akin?" Kastigo nito kay kuya.

"Andyan naman si Kuya Jess niya, siyang bahala sa kanya." Balik na sigaw ni kuya.

Ramdam ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa aking mukha. Parang wala talaga akong dapat ipagpasalamat na nandito si kuya ngayon. Tumingin si Khamille kay Sir Jess pagkatapos ay tumingin naman siya sa akin. As if meron siyang iniisip? Nginitian niya ako. Ano kayang iniisip niya?

"Bagong renovate pala itong room? Hindi ko kaagad napansin kanina." Puna ni Khamille habang nililibot ng tingin ang kuwarto ko.

"Special daw kasi kaya kailangang irenovate." Out of nowhere na sabi ni kuya. Nandito na naman silang tatlo.

"Hmmm, ok." Sabi ni Khamille. "Mukhang special nga."

"Dami mong alam Gelo! Bakit masama ba? Bawal ba?" Asar na sabi ni Sir Jess. Anong bang pinagsasabi nila?

"Mmm, sa akin okay lang! Si Tam naman ang bahala eh." Sabi ni Kuya Gelo na todo ngiti.

Kailan ba nila ako lulubayan? Bakit nadamay ako sa renovation issues nila? Ang hirap kaya na nasa akin ang atensyon nila. Para akong laging nasa hot seat eh. Kainis si kuya kasi lagi pang ginagatungan si Sir Jess. Lalo lang hindi ako mapakali at mas hindi ko magets kung may dapat ba akong magets. Anong kinalaman ko kung newly renovated to? Paanong akong bahala?

"Kayong dalawa, akala ko ba manunuod tayo ng Money Heist?" Sabi ni Khamille. Hinila niya si kuya palabas sa kuwarto. Naiwan si Sir Jess. Kainis! Bakit hindi rin siya hinila ni Khamille palabas?

"Matutunaw na yang ice cream mo Tam. Kainin mo na. Dadalan pa kita kung gusto mo pa." Sabi ni Sir Jess.

Pinilit kong tumingin sa kanya. Pakiramdam ko bumalik ulit ang malaking pader na nakaharang na dati sa aming dalawa. Hindi na ako ulit kumportable ngayon sa kanya. Naiilang ako.

"Hindi mo na kailangang dalan ako. Okay na 'to. Thank you dito." Sabi ko. Hindi pa ako nakapag- thank you sa kanya kanina.

"Ayaw mo bang samahan kami sa labas? Ayaw mo bang manuod?" Tanong ni Sir Jess. Hindi pa ba siya aalis? Bakit ba hindi pa siya sunduin ni Khamille para lumabas na rin siya? Abnormal na ang tibok ng puso dahil sa lalaking ito at baka magkasakit na ako sa puso. Mas gugustuhin ko na lang na magkulong dito sa kuwarto kesa makasama silang tatlo na manuod. Lalo na silang dalawa ni Khamille.

"Hindi na, gusto kong magpahinga." Lubayan nyo muna akong tatlo. Kung pwede lang sana.

"Ohm, okay. Tam, dito ka lang please. Huwag ka na lang pumunta kay Dustin."

"Ha!?" Kumakabog ang dibdib ko.

"Lalabas na ako, magpahinga ka na muna." Umiiwas na sabi ni Sir Jess. May nasabi ba siya sa akin na hindi niya dapat sabihin?

Isinara ko kaagad ang pinto paglabas ni Sir Jess. Subrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hinahabol ko ang aking paghinga.

Sa totoo lang pakiramdam ko meron akong hindi nage-gets sa dalawa nila ni kuya. Ewan ko kung ano.

"Tam?" Si kuya na naman. Akala ko ba magne-Netflix na sila? Bakit na naman kaya? "Pasok ako ah." Paalam niya. Hindi na niya hinintay na sumagot ako.

"Kuya?"

"Okay ka lang ba?" Lumapit sa akin si kuya. Umupo siya sa tabi ko. Tinitigan niya ako.

"Hindi!" Hindi naman talaga ako okay. "Ang gulo niyo kasi ni Sir Jess." Sumbat ko kay kuya.

Natawa si kuya sa sinabi ko. Pinisil niya ang balikat ko, "relax ka nga. Bakit parang kinakabahan ka? Akong bahala sayo bunsoy."

"Hmmp, bahala ka dyan! May kung anong sinasabi ka kay Sir Jess na di ko gets. Lagi niyo akong pinagkakaisahan! May mga sinasabi ka sa kanya na lalo lang hindi ako nagiging kumportable."

"Huwag mo kaming pansinin, nagkukulitan lang kami."

"Eh bakit damay ako sa kulitan nyo? Naiilang tuloy ako." Nakasimangot kong sabi.

Tumawa ulit ng malakas si Kuya Gelo, "affected much ka kasi bunsoy pareho kayo ni Sir Jess. Basta Tammy tandaan mo hindi ako papayag na may umagrabyado sayo! Mananagot sa akin kung sino man iyon. Alam yun ni Sir Jess. Walang pwedeng mang-trip sayo."

Kumunot ang noo ko, lalo lamang akong naguluhan sa sinabi ni kuya. Paanong parehong apekatado kami ni Sir Jess?

Alam kong apektado ako. Mali ako. Kung ano man ang nararamdaman ko para kay Sir Jess dapat ay sarilinin ko na lamang iyon. Ano kayang iniisip ni kuya?

"Kuya ang linaw ng sinabi mo, nakaka-inis ka!" Bugnot kong sabi. Hindi ko kasi nagets lahat ng sinabi niya. Bakit kasi hindi pa niya sabihin sa akin ng deretsa, yung mas malinaw?

"Tam, huwag kang masyadong seryoso. Take your time. Bata ka pa."

Tumunog ang cellphone ko, nag-text si Dustin.

Kiss, One Last Time (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon