Kiss 2
Hindi kami nag-uusap ni Sir Jess habang nasa sasakyan pauwi.
Nakakahiya talaga, bakit ba kasi hindi ko namalayan na napalakas na pala ang sinasabi ko sa aking isip?
Ano kaya ang iniisip ni Sir Jess sa akin ngayon? Baka nag-sisisi na ito dahil pumayag itong sa kanya ako tumira?After a while ay narating din namin ang condo building kung saan siya nakatira.
"Ako na lang ho sir. Magaan lang naman po ito." Tanggi ko nang subukan ni Sir Jess na kunin sa akin ang mga gamit ko. Nakakahiya naman kung siya pa ang mahihirapang magbitbit nito.
"Sige, ako na lang magdadala nun isa. Tig-isa tayo." Pilit ni Sir Jess kaya wala akong nagawa nang bit-bitin nito ang isa kong bag.
Nahihiya akong sumunod dito nang pumasok kami sa building.
Ipinakilala ako ni Sir Jess sa security personnel na nakaupo sa front desk at sinabing dito na ako titira mula ngayon.
Sumakay kami sa elevator, pinindot ni Sir Jess ang 23rd floor. Sa ganoong kataas ako titira? Ang taas naman, bulong ko.
Naglalakad na kami sa lobby ng 23rd floor nang may masalubong kaming isang maganda at sexy na babae.
"Hi, Jess." Bati nito kay Sir Jess.
"Hi, Cass." Ganting bati nito sa babae.
Sa isip ko, lapitan siguro talaga si Sir Jess ng magaganda at sexy na babae.
"Brother mo?" Tanong pa nun Cass patungkol sa akin.
"Nope." Sagot ni Sir Jess.
Unit 23-M. Maganda at modernong condo unit ito. Kahit hindi ko man libutin sigurado akong kumpleto ang gamit dito.
"Ito ang magiging room mo, Tam." Dinala ako ni Sir Jess sa isang kuwarto.
Hindi man ito subrang laki pero maganda pa rin. May single bed, may mga built in cabinet.Air-conditioned at higit sa lahat ang ganda ng view dito dahil sa glass window na meron ito. Tapos sa harap ng bintana ay may saktong laki ng study table at may nakapatong na laptop dito.
"Dito naman ang kuwarto ko, sa katabing kuwarto mo. Sige iwanan na muna kita Tam, magpalit lang muna ako ng damit. Ayusin mo na ang mga gamit mo. Kaw na bahala, sayo ang kuwarto na iyan." Sabi ni Sir Jess sa akin.
Nahihiyang nagpasalamat ako kay Sir Jess.
"Salamat sir. Pasensya na po sa abala." Nahihiyang sabi ko. Hindi ko matagalan ang tumingin sa kanya.
"Huwag mong isiping nakaka-abala ka dito, Tam. Huwag mo ring isiping nakikituloy ka lang dito, gusto ko feel at home ka dito. Huwag kang mahihiya sa akin. Kaibigan ko ang Kuya Gelo mo." Nakangiting sabi ni Sir Jess sa akin.
"Sige, sir." Salamat na lang kaibigan ka ni kuya, kung hindi siguro andun pa rin ako sa bahay namin na ang gulu-gulo. Sabi ko sa isip.
Umalis Sir Jess at pumasok sa kuwarto niya. Ako naman hindi mapigilang humanga sa ganda ng view mula sa kuwarto ko sa paligid ng city.
Inayos ko ang ilang gamit ko sa cabinet pero di ko inalis lahat ng gamit ko sa aking bag. Isang linggo lang naman ako dito at siguro naman hindi ko lahat magagamit ang mga dala ko. Medyo na excite lang siguro ako ng konti kaya halos lahat ng gamit ko ay nabitbit ko.
Nagpalit lang ako ng sando shirt at boxer short. Gusto ko sanang maghalf-bath man lang bago matulog kaso nakakahiya naman kay Sir Jess kung gagastos kaagad ako ng tubig. Nag-facial cleanser na lamang ako. At nagspray ng paborito kong baby cologne.
Kinuha ko ang cellphone ko para i-check kung may mga messages ako. May text si Kuya Gelo. Kinakamusta ako kung nakarating na kami sa condo ni Sir Jess?
Pero sa huling text ni kuya Gelo ako talaga naloka. Sabi ba naman niya, gwapo si Sir Jess ko bunsoy, iyang puso mo ha. Aral lang ng mabuti. Babaero iyan. Huwag ka maiinlab dyan.
Naiiling na nireplayan ko na lang si Kuya Gelo.
Oo naman kuya. Promise!
As if magkakagusto sa kagaya ko si Sir Jess. Maraming magagandang babae ang pwedeng pagpilian ni Sir Jess na magugustuhan nito at wala ako sa listahan. At hindi ko pwedeng kalimutan na babaero ito.
"Tam..." Tinatawag ako ni Sir Jess. Binuksan ko ang pinto.
"Sir..." Muntik nang mapanganga ang aking bibig nang makita ko ang hitsura ni Sir Jess. Nakasando lang din ito na color white at boxer short. Pero napaka gwapo ni Sir Jess. Oozing with sex appeal.
"Nag-timpla ako ng gatas. Ginawan na rin kita. Inumin mo muna hangga't mainit pa." Sabi ni Sir Jess sa akin. Ako naman ay nahihiyang tinanggap iyon.
"Salamat sir, nakakahiya naman po." Mahinang sabi ko, nahihiya talaga ako. Napakabait ni Sir Jess.
"Huwag kang mahiya, sabi ko sayo gusto kong maging kumportable ka dito. Saka kelan mo ba aalisin ang sir mo? Jess na lang di ba?" Nakangiting sabi ni Sir Jess na nagpabilis ng heart beat ko.
"Ahmm...sige. Jess." Nakangiti kong sabi.
"See, mas masarap pakinggan." Naka ngiting sabi ni Sir Jess. "Sige, maiwan na kita. Inumin mo na yang gatas mo." Paalam ni Sir Jess sa akin at tumalikod na ito.
Nag-thank you ulit ako sa kanya. Nang isasara ko na ang pinto ay pumihit ulit siya paharap sa akin.
"Ohmm, Tam hindi talaga totoo yung sinabi ng Kuya Gelo mo. Hindi talaga ako babaero, promise!" Nag-taas pa ng kamay si Sir Jess na akala mo'y nanunumpa siya sa akin.
Napatanga naman ako. Bakit kailangan niyang ulitin sa akin iyon? As if karapatan kong malaman na good boy siya at hindi siya babaero?
Eh, ano naman kung hindi siya babaero? Hindi nga siya babaero pero lapitin ng mga babae,mag-papapatayan pa. Parang ganun na rin yun. Palay na ang lumalapit sa manok, at malamang walang matutukso ang manok na tukain ang palay.
Tama si Kuya Gelo, hindi ako pwedeng ma-in love sa kanya.
"Ahmm..sige, Tam! Good night." Paalam ni Sir Jess ng walang siyang makuha reaksyon sa akin.
Isinara ko ang pinto.
Mukhang sa halip na makapag-pokus ako sa pag-aaral ko ay baka lalong hindi ako makapag-concentrate dahil kay Sir Jess.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko ang Facebook account ni Kuya Gelo. Pumunta ako sa friend's list niya. Hinanap ko ang name ni Sir Jess. Jestoni Mark Valenciano. Ang gwapo niya talaga.
Lahat yata ng picture posts niya ay may kasamang siyang babae. Hindi pala babaero ha? Eh kitang-kita ang ebidensya.
Biglang may lumabas na notification sa screen ng cellphone ko.
Jestoni Mark Valenciano sent you a friend request.
Ohmy!!! Shakks..ibig bang sabihin ini-stalk din niya ang account ko? At nag-sent pa ng friend request.
Nag-exit ako sa Facebook na hindi ina-accept ang friend request niya.
Baka isipin niya na atat akong masyado.
BINABASA MO ANG
Kiss, One Last Time (BL Story)
RomanceTwo Parts - BL Story [by mikzylove] Part 1 : (Kiss) Mamahalin ba ng isang straight na lalaki (Jess) na mula sa maayos at mayamang pamilya ang isang kagaya niya (Tammy) na mula sa isang magulong pamilya? Part 2 : One Last Time Kapag may simula mayroo...