Kiss 4

63 10 2
                                    

Kiss 4

Malakas ang buhos ng ulan, signal number 2 sa Metro Manila. Halos hindi ko na makita ang paligid mula dito sa bintana ng kitchen dahil sa hamog at angging ng ulan. Suspended na ang lahat ng level ng klase sa buong Metro Manila.

Dalawang araw na lang babalik na 'ko sa bahay namin. Bale Wednesday ngayon, Saturday ng umaga aalis na ako dito.

Ang bilis lang ng araw.

Plano kong mag-review maghapon.

Maaga akong gumising para magluto ng breakfast.

Malapit na akong matapos nang mag-ring ang cellphone ko. Si kuya ang tumatawag.

"Ohm, kuya?" Bati ko.

"Tam, kamusta ka? Walang pasok ah. Kamusta si boss? Kagabi masama na pakiramdam nyan. May trangkaso ata? Check mo ha." Sabi ni kuya.

Kaya ba late na ang gising niya? Kagabi kasi nasa kuwarto na ako nanng dumating siya. Hindi na kami nagkita.

Nagluto ako ng noodle soup para makatulong sa pakiramdam nya kung may sakit nga siya. Gaya ng madalas ipakain sa akin ni kuya kapag may sakit ako.

Ilang munuto siguro akong nakatayo lang sa harap ng pinto ng kwarto ni Sir Jess. Hindi ko alam ang gagawin? Kakatok ba ako o hindi? Ano bang sasabihin ko?

Bakit ang lakas ng kaba ng dibdib ko?

Kakatok na dapat ako nang biglang bumukas ang pinto ni Sir Jess. Natigil sa ere ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Tumawag si kuya. Kinakamusta ka. May sakit ka daw?" Sabi ko.

Mukha ngang masama ang pakiramdam niya.

Sinalat ko ang noo ni Jess. Nagulat ako dahil ang init niya. Pero mas nagulat ako nang marealized ko kung ano ang ginagawa ko? Pasimple pero mabilis kung binawi ang kamay ko.

"Kaya mo bang kumain sa mesa o dadalan na lang kita ng pagkain mo dito?" Nahiya ako bigla sa ginawa ko.

"Okay lang ba Tam? Pakidalan na lang ako. Hindi talaga okay ang pakiramdam ko."

"Ohmm, sige ihahanda ko lang. Kukuha rin ako ng gamot para makainom ka."

Naghanap ako ng gamot sa medicine cabinet niya. Maigi may bio-flu.

Inihanda ko ang pagkain niya at dinala ko sa kwarto niya.

"Ikaw kumain ka na ba?" Tanong ni Sir Jess sa akin nang ilapag ko ang dala kong pagkain para sa kanya.

"Mamaya na lang. Hindi pa naman ako nagugutom." Nilapag ko sa mesita ang isang basong tubig at ang bio-flu.

"Take some vitamin c Tam, madami dyan sa ref. Baka mahawahan kita ng sakit." Sabi sa akin ni Sir Jess.

Pasimple kong inilibot ang mga mata ko sa kwarto niya. Ang linis lang at ang organized. Lahat ata ng gamit niya ay nakaayos at nasa tamang pwesto. Hindi kagaya ng ibang lalaki na burara. Kaya siguro nagkasundo sila ni kuya. Kasi si Kuya Gelo ay napakaselan at masinop din sa gamit.

"Pasado ba ang room ko sa standard mo Tam? Hindi ba magulo?"

Napansin pala niya na nag-oobserba ako.

"Ahhh, sige maiwan na muna kita. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. Ako nang magliligpit nyan mamaya pagkatapos mo." Paalam ko. Umiwas akong sagutin ang tanong niya.

"Salamat, Tam."

"Naku wala yan, mas salamat sa pagpapatira mo sa akin dito."

"Nagka-usap na ba kayo ng kuya mo tungkol sa pagtira mo dito?"

Napatingin ako kay Sir Jess. Anong tungkol sa pagtira ko dito?

"Ah, mukhang hindi pa. Baka nakalimutan nun na sabihin sayo. Tanungin mo na lang ang kuya mo."

Tumango lang ako at nagpaalam nang lalabas na muna ako.

Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko.

Tinawagan ko si Kuya Gelo.

"Bunsoy!" Bati niya kaagad sa akin. "Kamusta si boss?"

"Ayun may sakit nga. Dinalan ko ng pagkain sa kwarto niya. Ahmm, kuya."

"Naku! Malamang kinikilig yun, inalagaan mo eh." Sabat ni kuya. Hindi ko tuloy natapos ang sasabihin ko.

"Ha!?" Tanong ko kay Kuya Gelo.

"Wala, sabi ko paki-alagaan yan. Alagain yan kapag may sakit. Kala mo baby. Sa aming magbabarkada yan ang pa-baby kapag nagkakasakit. Mabuti sana kung nandyan pa si Khamille."

Ganun? Sino ba talaga si Khamille? Nandyan pa? Meaning tumira din dito dati si Khamille?

"Kuya sa Sabado ah. Umaga mo na lang ako sunduin." Sa halip ay sabi ko na lang kay kuya.

"Hmmm, bunsoy. Wrong move kung babalik kana sa atin. Magulo pa rin, si Kuya Fred hina-hunting ng mga pulis. Baka madamay ka pa. Si Mama at Papa halos magpatayan kala mo kikita sila ng pera sa pinag-aawayan nila. Masisira lang ang pag-aaral mo. Napagkasunduan namin ni Jess na dyan ka na lang titira. Kahit hanggang matapos mo lang ang school year na ito." Sabi ni Kuya Gelo. Ito pala ang napag-usapan nilang dalawa? Yung tungkol sa pag-tira ko dito?

"Kuya, hindi ba nakakahiya? Malaking abala ako sa kanya dito."

"Hindi ah, nung magpaalam nga ako na maghahanap ako ng room for rent para sayo, pinagalitan pa ako. Bakit daw maghahanap pa ako eh okay ka na dyan sa condo nya? Saka para fair magbabayad ako ng renta mo. Pipilitin ko siya na tanggapin ang renta, ayaw kasi eh."

"Seryoso kuya? Nakakahiya ata?"

"Okay lang Tam. Huwag kang mag-alala. Masaya siya na may kasama siya dyan. Malungkot daw ang mag- isa." Sabi ni kuya.

"Ahmm, okay. Basta magbabayad ka kuya ng renta ha. Para hindi nakakahiya sa kanya." Pilit ko.

"Oo naman, pipilitin kong tanggapin niya. Fully paid na kasi yang condo niya, plus big time talaga yang si boss. Mayaman ang family niya sa Santa Clavera sa Mindoro kaya hindi nanganga-ilangan ng pera. Kaya nga madaming nahuhumaling dyan na babae eh, good catch kasi."

Good catch kaya babaero?

Nagpa-alam na ako kay kuya.

Nagugutom na ako, gusto ko nang mag-almusal. Tapos na kaya si Sir Jess na kumain? Lumabas ako ng kwarto ko para puntahan siya pero nasa may pintuan pa lang ako ay narinig kong may kausap siya.

"Huwag na Khams. Malakas pa rin ang ulan, Im sure maraming area ang flooded ngayon baka ma-stuck ka pa sa daan. Magwo-worry lang ako sayo. Okay lang ako. Hindi mo rin naman ako aalagaan eh, baka ako pa nga ang mag-alaga sayo."

Khams? Shortcut for Khamille. Ang sweet naman ni Sir Jess kay Khamille. Ang laki ng ngiti nito parang wala siyang sakit. Magaling na siguro siya kasi narinig na niya ang boses ni Khamille.

After kong mag-breakfast ay nagkulong na ako sa kwarto ko para mag-aral. Lumabas lang ako para mag-luto ng tanghalian namin. Pork sinigang ang niluto ko para makagaan sa pakiramdam niya ang mainit na sabaw.

Nag-ring ang cellphone ko. It was Dustin.

"Hi, Dust." Bati ko.

"Hi, Tammy. Musta? Grabe ang lakas ng ulan dito sa lugar namin. Ang lakas pa ng hangin. Diyan ba?"

"Same lang. Ang lakas ng ulan. Signal number 2 naman kasi. I'm sure baha na naman sa may school natin. Sarap sana matulog kaso need mag-review. Bakit napatawag ka? Nakapag-review ka na ba?"

"Nami-miss kasi kita. Gaya ng sabi mo masarap matulog lalo na kung kayakap kita." Hirit ni Dustin na ikinatawa ko.

"Hoy, Dustin Cruz! Kailan pa ako naging masarap kaakap? Naku siguraduhin mo lang na masasarapan ako kapag inakap mo ko!" Birong bulyaw ko kahit hindi ko naman kaharap si Dustin.

May sasabihin pa sana ako pero natigil yun kasi nakita ko si Jess na nakatayo sa harap ko.

"Sir, may kailangan ka?"

Hindi ako sinagot ni Sir Jess. Tinalikuran niya ako at bumalik sa kuwarto niya.

Hindi ba niya ako narinig?

Kiss, One Last Time (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon