Kiss 8

51 5 2
                                    

Kiss 8

Narinig ko na tumunog ang doorbell pero subrang antok ko pa. Nanatili akong nakapikit kahit pakiramdam ko ay may dumating at may nag-uusap.

Denedma ko lang yun at nakatulog ulit. Nang tuluyan nang bumalik ang ulirat ko at nawala na ang antok ay saka ko lang naalala na nasa kwarto nga pala ako ni Jess.

Natatandaan ko na binuhat at dinala niya ako dito kagabi. Nilalagnat ako. Dinama ko ang noo ko, medyo mainit pa rin pero mas okay na ang pakiramdam ko ngayon.

Dalawang beses din akong nagising kagabi at alam kong natulog kami ni Jess na magkaakap.

Nanatili akong nakahiga, ang sarap kasing matulog. Ang lawak at ang lambot ng kama ni Jess, napaka comfy pa habang nakabalot sa akin ang comforter niya. Eight na pala ng umaga?

Nag-inat ako saglit saka naisipang bumangon na. Medyo mabigat pa rin ulo ko pero kaya ko na. Nakakahiya kung aabutin ako dito ng tanghali. Inayos ko ang kama ni Jess saka lumabas ng kwarto niya.

"Kuya!" Gulat ko nang malabasan ko si Kuya Gelo na nasa sala at nagkakape. Kasama niya si Sir Jess.

Baka kung ano ang isipin ni kuya dahil nasa kuwarto ako ni Sir Jess at dito ako natulog.

"Namumula ka bunsoy." puna ni Kuya Gelo. "Hindi mo ini-expect na madadatnan ko kayo noh? Kailan pa kayo nagsasamang matulog? Kamusta na ang pakiramdam mo? Kailangan mong magpaliwanag Tam. Alam mo namang babaero 'to pero sumigi ka pa rin." Seryoso ang boses ni kuya.

Tiningnan ko si Sir Jess. Bakit hindi niya ako ginising? Sana man lang nang makita niya si kuya ay ginising niya ako at pinalipat sa kwarto ko. Nakakaasar!

Tapos ayun siya printeng naka-upo lang habang umiinom ng kape. Akala mo hindi niya narinig ang sinabi ni kuya.

"Kuya! Nilalagnat ako kagabi kaya hindi ko..." Natataranta ako.

Sumabat kaagad si Sir Jess kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Mamanhikan na ba ako sa inyo tol? Kakausapin ko na ba ang parents mo?" Tanong nito kay kuya na ipinanlaki ng mga mata ko.

"Mukhang ayaw ng kapatid ko sayo boss. Mukhang hindi niya alam na kinidnap mo siya kagabi?"

Ammmmptt! Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko.

"Tam!" tawag ni kuya. Tumatawa ito. "Lumabas ka nga dyan. Mag-almusal ka na at uminom ka ng gamot.

Napilitan din akong lumabas dahil pagagalitan ako ni kuya kapag hindi ako uminom ng gamot.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Tam?" Tanong ni Sir Jess pagkalabas ko. Hahawakan niya dapat ang noo ko pero pasimple akong umiwas.

Nakatingin kaya si kuya, nakakahiya!

"Okay na ako, iinom na lang ulit ako ng gamot." Sabi ko. Tumuloy ako sa mesa. Hindi pa rin sila nag-aalmusal?

"Kanina pa ako gutom na gutom bunsoy kaso tong si boss gusto hintayin ka pang magising. Hindi ata kayang kumain na hindi ka kasabay?" Reklamo ni kuya

"Hindi ko naman dala ang kaldero ah..." katwiran ko. Iyan ang madalas sabihin ni papa kay mama.

"Tam, kumain ka ng madami." nilagyan ni Jess ng pagkain ang plato ko. Tatanggi sana ako pero huli na dahil nailagay na niya.

"Alam nyo, kung hindi ko lang alam na babaero tong si boss, baka kung ano ang isipin ko." Banat ni kuya. "Mahilig to sa chicks eh, kaya imposibleng iniisip ko."

"Kolokoy ka talaga Gelo. Tumigil ka nga!" Saway ni Sir Jess kay kuya.

"Kainis ka kuya!" Naiinis kong sabi.

Kiss, One Last Time (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon