Kiss 12
(tammy... sorry ah emergency lang here sa haus...call kita later, sandali lang) - text ni Dustin.
"Tuloy pa ba kayo ni Dustin? Susunduin ka pa ba niya?"
"Hindi ko sure kuya, may emergency daw ata sa kanila."
Hindi ko na lang sasabihin kay kuya na wala pa naman talaga kaming usapan ni Dustin.
"Tam, hindi mo naman kailangang umalis eh. Wala kang dapat iwasan." Nakangiting sabi ni kuya sa akin.
Nanlaki ang mata ko. Dapat iwasan? Nahiya ako kay kuya.
"Kuya..." mahina kong sabi.
"Tam, kilala kita. Ako halos ang nag-alaga sayo eh. Kasi si mama puros sugal ang alam." Nakangiting sabi ni kuya. Kahit nakangiti siya ay nahihiya pa rin ako.
Hindi ako makapagsalita kaagad. Para akong nasukol ni kuya.
"Gusto mo si Sir Jess, gusto mong umalis dahil kay Khamille." Sigurado si kuya sa sinabi niya. Hindi na niya ako tinanong kung tama ba siya or hinala niya lang yun. Gusto ko sanang mag-deny, kaso mukhang useless lang.
"Nagseselos ka Tam kay Khamille kaya ka pupunta kay Dustin." Sabi pa ni kuya.
"KUYA!" Pinanlakihan ko siya lalo ng mata. "Baka marinig ka nila." Saway ko kay kuya. "Nakakahiya!"
Tumawa si kuya. "Hayaan mo sila."
"Ayaw ko kuya! Nakakahiya kay Kham...kay Ate Khamille baka marinig ka niya." Huminga ako nang mamalim. Bistado na pala niya ako. "Kuya, matagal na ba sila?"
"Oo, matagal na Tam." Tiningnan ako ni kuya, as if tinitingnan niya kung anong magiging reaksyon ko.
"Crush ko lang naman siya kuya, pero hindi na ngayon. Balik na lang kaya ako sa bahay natin kuya?"
"Matagal na, matagal nang hiwalay sila Tam. Magkaibigan na lang sila ngayon." Hindi kaagad nagproseso sa utak ko ang sinabi ni kuya. Inulit ko pa yun sa isip ko. Matagal na silang hiwalay, magkaibigan na lang sila.
Ayaw kong isipin ni kuya na masaya ako sa sinabi niya. Lalo lang niyang sasabihing may gusto ako kay Sir Jess.
"Bakit sabi mo girlfriend si Khamille ni Sir Jess?"
"Ex- girlfriend Tam. Baka hindi mo lang ako narinig ng maayos kasi nagseselos ka?" Natatawang sabi ni kuya. Pang-asar talaga!
Sinimangutan ko si kuya, grabe kung pagbintangan niya ako na nagseselos.
"Paano si Dustin? Baka umaasa yun Tam?" Tanong bigla ni kuya.
"Kuya?"
Si Dustin? Magkaibigan lang naman kami. Malinaw ang usapan namin ni Dustin, pag-isipan ko pa ang feelings niya para sa akin. Hindi dahil nagmamaganda ako, kundi ayaw ko lang malagay sa alanganin ang friendship namin kapag hindi kami naging okay sa huli. Bakit parang sigurado si kuya na walang pag-asa si Dustin sa akin? Kung susubukan ko mang makipag-relasyon siguro ay si Dustin na yun dahil siya lang naman ang may interest sa akin.
"Basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo Tam. Kahit sinong piliin mo ay okay lang sa akin, huwag ka lang nilang sasaktan dahil akong makakalaban nila."
"Kuya sorry ah." Nahihiya ako kay kuya, baka isipin niya na mas inuuna ko pa ang love-love na yan kesa sa pag-aaral ko. "Promise kuya! Mag-aaral akong maigi."
"Okay lang Tam. May tiwala ako sayo. Loveable ka daw kasi kaya gusto ka nila." Biro sa akin ni kuya. Mabuti na lang talaga hindi siya kagaya ni Kuya Fred. Mahal na mahal ako ni Kuya Gelo.
BINABASA MO ANG
Kiss, One Last Time (BL Story)
RomanceTwo Parts - BL Story [by mikzylove] Part 1 : (Kiss) Mamahalin ba ng isang straight na lalaki (Jess) na mula sa maayos at mayamang pamilya ang isang kagaya niya (Tammy) na mula sa isang magulong pamilya? Part 2 : One Last Time Kapag may simula mayroo...