Kiss 7

70 4 2
                                    

Kiss 7

Magkakagusto ba si Sir Jess sa kagaya ko? Mula siya sa maayos na pamilya samantala ako magulo ang pamilya?

Pinilit ko siya na huwag mag-kwento kay Kuya Gelo ng kahit na ano. What if totohanin nga niya na kausapin si kuya? Pero naisip ko rin na umaasa ba talaga ako na kakausapin ni Sir Jess si kuya dahil lang sa hinalikan niya ako? Bakit? Ano bang meron Tam? Huwag ka munang mag-assumed Tam malay mo nagti-trip lang siya? Asa ka naman?

"Okay ka lang ba Tam?" Tanong ni Sir Jess. Hindi na nga niya ginalaw ang takoyaki. Puro sushi baked ang nilalantakan niya.

"Okay lang ako."

"Tam, I'm sure tumatak na diyan sa isip mo na babaero nga ako. Hindi talaga ako ganun. Inaasar lang ako ng kuya mo. Pero Tam si alikabok, I mean si Dustin. Ano ba talaga siya para sayo?"

Tanong ni Jess at tuluyan na niyang inilayo ang takoyaki sa harapan niya. So ayaw na talaga niya nito?

Kinuha ko yun kasi sayang naman.

"I won't buy that ever again, ever!" Bulong ni Jess. Akala mo ang laki ng galit sa takoyaki.

"Dustin is a very close friend. Wala akong ibang ka-close sa school namin maliban sa kanya. Nililigawan niya ako siya ang may gusto niyan hindi ako." Sabi ko. Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? Pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ko.

"So pumayag ka na ligawan ka niya?" Tanong ni Jess, nagulat ako sa sumunod niyang sinabi,"samantalang ako sirang-sira na sayo dahil sa Kuya Gelo mo."

"Hindi naman kasi babaero si Dustin. Wala nga akong nabalitaan na nilalandi nun eh." Pagtatanggol ko kay Dustin.

"Tam! Hindi ako babaero! Lagot talaga sakin ang Kuya Gelo mo!" Bulalas ni Jess.

"Oy, wag mong aawayin ang kuya ko! Kapag ginawa mo yun baka magtaka lang yun sayo! Eh ano naman kung sira ka na sa akin ha?"

As if big deal di ba?

"Tam, Ang nega ng image ko sayo kasi yang kuya mo palala! Lagot talaga sa akin yang Kuya Gelo mo! "

"Seryoso ka ba?"

"Seryoso ako Tam. " May pinalidad sa boses ni Jess.

Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko?

Bumalik ako sa kuwarto ko after naming magmeryenda. Malakas pa rin ang ulan.

Ako ang nag-presintang mag-luto for dinner. Tumingin ako sa refrigerator kung ano ang pwede kong lutuin? Inilabas ko ang frozen lapu-lapu. Kumuha ako ng kamatis, sibuyas, bawang, at luya. Maigi na lang may kangkong at raddish. Alam ko na ang lulutuin ko, tamang-tama sa panahon. Kapag ganito ang weather masarap humigop ng sabaw.

"I think kailangan ko nang mag-grocery every weekend, mahilig ka palang mag-luto Tam." Sabi ni Jess habang pinapanuod niya ako. After ng conversation namin kanina mukhang nawala na ang ilang ko sa kanya. Somehow comfortable na ako. Parang may malaking pader sa pagitan namin ang nabuwag.

"Pwede bang taga-luto na lang ako? Wala akong pang-share eh." Inihanda ko ang mga gulay habang hinihintay kong ma-thaw ang lapu-lapu.

Kinuha ni Jess ang sibuyas at luya para balatan ito, ako naman kangkong ang hinarap ko.

"Alam mo Tam, bawat lulutuin mo para sa akin, I'm sure yun ang pinaka-masarap na kakainin ko. Sapat na yun, basta ipag-luto mo ko lagi." Sabi ni Jess.

"Babaero ka! Bolahin mong lelang mo!" Sabi ko. It's not my intention na bastusin siya. Nasabi ko lang iyon. At mukhang hindi naman siya na-offend sa sinabi ko.

"Tam, gagawin ko ang lahat maiba lang ang impression mo sa akin."

May ganun talaga? Bakit kailangan niyang gawin iyon? Importante ba ang impression ko sa kanya?

Kumain kami ng dinner na parang ang chill lang ng lahat. Marami pa kaming napag-kwentuhanan pero hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa kiss. Siguro ay nakalimutan na niya ito.

Pinilit kong makatulog kahit ayaw akong dalawin ng antok.

Nagising akong nilalamig ang buong katawan ko. Ang sama ng aking pakiramdam. Kasing sama ng panahon sa labas. Bumabagyo pa rin ba? Umuulan pa kasi. Sabi sa news feed ko sa FB hanggang bukas pa ang pag-ulan at wala pa ngang klase.

Mag-aalas dose pa lang ng hating gabi. Dinama ko ang noo ko at mainit nga ito. May lagnat nga ako. Nahawahan ba ako ni Sir Jess? Gusto kong tumayo para kumuha ng gamot sa medicine cabinet pero hirap naman ako. Nagbalot ako ng kumot kasi pakiramdam ko magye-yelo ako sa lamig. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko. At parang binibiyak ang bungo ko. Kapag ganitong may sakit ako ay si Kuya Gelo lagi ang nag-aasikaso sa akin. Pero wala siya.

Kinukuliglig ako sa lamig ng mag-ring ang cellphone ko. Si Kuya Gelo ang tumatawag, what a coincidence, ini-isip ko pa lang siya.

"Ohmmm kuya...." hindi ko naiwasang itago ang pagdaing ko.

"Tam may sakit ka ba?" Tanong kaagad ni kuya.

"Ang sama ng pakiramdam ko kuya." Daing ko.

"Anak ng! Kaya pala hindi ako mapakali eh. Naisip kita bigla. Kaya napatawag ako. Wait lang bunsoy tatawagan ko si Jess"

"Kuya! Wag na," pero naputol na ang linya namin.

Hindi pa nagtatagal ay narinig ko nang kumakatok si Jess.

"Tam! Tam!" May pagmamadali sa boses niya.

Hindi ko naman nalock ang pinto kaya bumukas na rin iyon at pumasok siya.

"Tol, don't worry akong bahala kay Tam. Hindi ko siya pababayaan. Tawagan na lang kita ulit."

Dinama ni Jess ang noo ko.

"Tam! Anak ng! Kasalanan ko to. Kukuha lang ako ng gamot. Tam hintayin mo ko please." Tulirong sabi ni Sir Jess. Pagbalik niya may dala na siyang gamot at tubig. Pinainom niya ako kaagad.

"Ang lamiiiig!" Daing ko, nilalamig talaga ako at pakiramdam ko ay magdedeliryo ako.

Binuhat ako ni Jess at dinala niya ako sa kuwarto niya. Maingat na inilapag niya ako sa kama niya at kinumutan ako ng comforter. Kumuha pa siya ng isa pang comforter at ipinatong din yun sa akin. Naging okay kahit paano ang pakiramdam ko dahil nabawasan ang lamig.

Humiga sa tabi ko si Jess, inakap niya ako. Kahit dalawang comforter na ang nakakumot sa akin ang pakiramdam ko mas nagdulot ng sapat na init ang katawan ni Jess sa akin.

Mas naging okay ako. Pumikit ako at tuluyan nang nakatulog.

Kiss, One Last Time (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon