Kiss 9
Girlfriend niya si Khamille?
Tama si kuya, imposible yung iniisip niya!
Gusto kong mainis sa sarili ko, bakit ano bang akala ko? At nag-expect ba talaga ako? Pakiramdam ko mali na nandito ako ngayon.
Nagkulong at nahiga na lang ako sa kwarto ko. Busy sina Kuya Gelo at Sir Jess sa pagluluto para sa tanghalian. Pinaghahandaan talaga nila ang pagdating ni Khamille? Kanina pa sila excited sa pagdating nito. Si Sir Jess ang busy sa pagluluto at tumutulong lang sa kanya si kuya.
Special talaga si Khamille?
"Tam..." boses yun ni kuya pero hindi ko iyon pinansin. Nagkunwari akong natutulog. Ayaw kong makipag-usap sa kanila. Kung pwede nga lang magpapasundo ako ngayon kaagad kay Dustin. Kanina ko pa yan pinag-iisipan. Sana pala ay nagpasundo na ako sa kanya kanina. Okay lang naman kay kuya na sunduin ako ni Dustin. At least walang Khamille at Jess sa bahay nina Dustin.
Hindi na ulit kumatok si kuya pero naramdaman kong bumukas ang pinto. Nagpanggap pa rin akong natutulog. Wala akong balak makigulo sa kanila.
"Tam..." Ang boses naman ni Sir Jess ang tumawag sa pangalan ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa higaan ko.
"Tam, okay ka lang ba?" Tanong niya. Hindi ako kumikibo. Pinanindigan ko ang pagpapanggap na tulog ako.
Naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa noo ko. Kakaiba ang init na dulot niyon na nagpabilis ng heart beat ko.
"Tam hindi ka naman tulog eh..." Bisto ni Sir Jess sa akin.
Pinalis ko ng marahan ang kamay niya.
"Sinabi ko bang tulog ako?" Tanong ko. Sinadya kong lagyan ng pagka-asar ang boses ko. "Gusto ko lang magpahinga medyo masama kasi ang pakiramdam ko."
Hindi iyon pinansin ni Sir Jess.
"Malapit nang maluto ang pagkain. Almost lunch time na rin naman kumain ka na muna para makainom ka ng meds. Saka ka magpahinga ulit. Gusto mo bang dalan kita dito?" Sabi ni Sir Jess. " Masama pa ba ang pakiramdam mo?"
Wala ako kaagad na reaction. Hindi ako kaagad sumagot. Nakapikit lang ako.
Pumasok si Kuya Gelo.
"Kayong dalawa tama na yan. Tol malapit na daw si Khamille." Inform ni kuya kay Sir Jess.
Darating na si Khamille kaya naman gusto ko na talagang makaalis dito.
"Kuya nagpapasundo ako kay Dustin. Monday na ang resume ng klase namin. Doon muna ako sa kanya hanggang Monday." Sabi ko kay kuya kahit hindi iyon totoo. Magpapasundo na lang talaga ako kay Dustin. Bahala na!
Gusto kong umalis dito, sana talaga kanina pa ako umalis. Ete-text ko na lang si Dustin para masundo niya ako. May kotse naman siya at madali na lang sa kanya na sunduin ako.
"Kaya mo na ba? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo bunsoy?" Tanong ni kuya. Sinalat niya ang noo ko. "Sige basta mag-iingat ka dun. Sabihin mo sa akin kapag may pinilit gawin si Dustin sayo. Pero kung gusto mo ri naman ay out na ko dun. Tam sabihin mo kay Dustin gumamit kayo ng proteksyon. Durex para matibay." Nang-aasar na biro ni kuya pero bakit kay Sir Jess siya nakatingin? Nakangiti pa siya na parang ewan.
Minsan ang sarap pektosan ni Kuya Gelo. Kung pwede lang ay ginawa ko na. Try ko kaya?
Kinuha ko ang cellphone ko at pasimpleng nagtext kay Dustin.
(asan ka, pwede mo bang sunduin ako? asap! punta ako dyan)
Narinig ko na lang na nagtatalo sina Kuya Gelo at Sir Jess sa labas ng kuwarto ko.
"Tol grabe ka, ewan ko sayo! Alam mong masama ang pakiramdam ni Tam pinayagan mo pang pumunta sa alikabok na yun!Kinunsente mo pa! Talagang nagpayo ka pa na gumamit ng proteksyon! Durex talaga! Ang labo mo! Ang galing mong kuya! Nakaka-init ka ng ulo tol!" Bulyaw nito kay kuya na akala mo naman ang laki ng kasalanan ni kuya sa kanya.
Alam kong subrang close nila kaya bahala sila sa buhay nila. Hindi naman talaga sila nag-aaway nang lagay na yan eh.
Tenext ko ulit si Dustin, (oy..dust..asap, sunduin mo ko..)
Nagtatalo pa rin ang dalawa. Bakit ba pinag-tatalunan nila ang pagpunta ko kay Dustin?
"Tol anong gagawin ko? Malaki na yang si Tam, pwede na niyang gawin ang gusto niya. Isa pa kilala ko naman si Dustin. Boto ako dun sa tao para sa bunsoy ko. Magiging brother in law ko yun pagdating ng araw! Ikaw kung makaalikabok ka dun sa tao parang ang laki ng galit mo dun ah? Inaano ka ba niya? Bakit kaya hindi mo pigilan si Tam? Okay lang naman sa akin kung hindi mo siya papayagang umalis eh. Bakit akong inaaway mo? Bigyan mo siya ng dahilan para makinig siya sayo." Feeling ko lalong inaasar ni kuya si Sir Jess.
Kung mas matanda lang ako kay kuya baka talagang napektosan ko na siya. Gusto ko talagang i-try! Anong mga sinasabi niya?
"Ewan ko sayo tol, badtrip ka!" Bulyaw ni Sir Jess. Subrang inis nito.
Natigil lang ang dalawa ng tumunog ang doorbell.
Siguradong dumating na si Khamille. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko.
Tam kasalanan mo yan kung bakit gusto mong tumakas ngayon pero wala ka namang mapuntahan. Ano naman kung dumating si Khamille, ikaw ba ang pinuntahan niya dito? Malamang hindi dahil si Sir Jess.
Isa pa wala namang ginagawa sayo si Khamille, bakit gusto mo siyang iwasan? Tam nakakatawa ka! Kung anu-ano na lang ang isinisisi ko sa sarili ko. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Para akong sira na ewan.
Bakit ba kasi hindi pa nagrereply si Dustin? Kung kailan kailangan ko ng graceful exit eh wala naman siya. Nakakainis!
Si kuya ang nagbukas ng pinto para kay Khamille. Naiwan si Sir Jess na nakatayo sa may tapat ng pinto ko. Nakatingin siya sa akin kaya pakiramdam ko namanhid ang mukha ko.
Bakit nakatingin siya sa akin? Bakit hindi niya salubungin si Khamille? Nagkunwari na lang akong busy sa cellphone ko.
Kainis si Dustin, asan na ba siya? Wala man lang reply!
Narinig kong sumigaw si Khamille.
"JEEE! I miss you!"
Hala, ang ganda naman ng boses ni Khamille. Boses mayaman! Kainis lang kasi akala mo naman artista si Sir Jess kung makatili siya. At JE talaga, tinamad pang isama ang SS?
Tenext ko ulit si Dustin, (oy dust!) pero waley pa rin. Wala na akong choice kung hindi ang mag-stay dito kasama sila kuya at Sir Jess, kasama rin si Khamille.
Kainis! Parang gusto kong bugbugin si Dustin ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
Kiss, One Last Time (BL Story)
RomanceTwo Parts - BL Story [by mikzylove] Part 1 : (Kiss) Mamahalin ba ng isang straight na lalaki (Jess) na mula sa maayos at mayamang pamilya ang isang kagaya niya (Tammy) na mula sa isang magulong pamilya? Part 2 : One Last Time Kapag may simula mayroo...