KABANATA 6

1.4K 157 6
                                    

~~★~~

Deltha POV

Gabi na ng makabalik kami ng palasyo. Kamusta na kaya ang prinsesa? Nagtungo kasi kami sa kaharian ng Balona upang personal na sunduin ang tatlong prinsesa at ang dalawang prinsipe.

“Deltha” tawag saaken ng hari.

“Ano po iyon mahal na hari?” magalang kong tugon.

“Puntahan mo na ang aking anak. Siguradong hinahanap ka niya”

“Masusunod po mahal na hari” Sabi ko sabay yuko sa harapan niya.

Sigurado nga akong hinahanap na ako ng prinsesa dahil hindi ako nagpaalam sakanya kanina.

Althea POV

Mababaliw ako neto kakaisip kung ano ang mga nakikita ko kanina sa aking isipan. Isang babaeng napapalibutan ng mga taong nakaitim tapos isa sa mga taong 'yon binaril ang ang babaeng yun.

Sino ba sila? At bakit nagkakaganito ako? May sakit ba ako?

Tsaka may isang batang lalake na tinatawag akong paulit-ulit habang naghahabulan kami. Alex? Sino iyon?

*Tok* *Tok* *Tok*

“Prinsesa?” Si Deltha

“Deltha! Saan ka ba nagsusuot ha? Kanina pa kita hinahanap” sabi ko at agad na tumayo mula sa pagkakaupo at bigla siyang niyakap.

(Hinanap daw. Sinungaling!)

Sino ka naman Binibini?

(Luh? Ulol gusto mo patayin na kita ngayon na?)

Ulol ka rin Binibini. Wag muna, may gusto pa akong malaman ehh. Patuloy mo na ang istorya para ng tanga si Deltha kakatingin saken binibini.

(Ghe. Ghe. At sa susunod wag mo akong maulol-ulol ha. Intyendes?)

Yah. Yah. Yah. Shooo!

“Ahh prinsesa, ayos ka lang ba?” Tanong ni Deltha

“Ahh oo ayos lang ako. Siya nga pala, saan ka nagpunta at ganyan ang suot mo?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Ahh kasi pinasama ako ng iyong ama sa kaharian ng Balona, upang personal na sunduin ang mga prinsesa at prinsepe. Rinig ko ay mga kababata mo raw sila?” Sabi niya.

Huh? Kababata?

“Sino-sino sila? Wala akong matandaan” nalilito kong sabi.

“Sina Prinsesa Agatha, Prinsesa Charisse, Prinsesa Anitha, Prinsepe Simon at Prinsepe Harold. Tanda mo na prinsesa?”

“Hindi. Pero eto Deltha, may tanong ako, simple lang naman.”

“Sige ano iyon, prinsesa? Basta yung kaya ko lang sagutin ha.”

“Sa tingin mo kapag sumasakit ang ulo mo ano ang ibig sabihin non?” Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.

“Siguro gutom ka o kaya may sakit ka?” Hindi siguradong sagot niya.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon