KABANATA 21

453 45 4
                                    

~~★~~

Alexander POV

“No” sagot niya.

Parang sinaksak ako ng sampung libong kutsilyo dahil doon kaya napayuko ako.

“Owww” rinig kong sabi ng manonood.

Parang gusto kong umiyak. Naramdaman ko ang pagyuko niya at paghawak sa aking baba at napatingin naman ako sakanya.

“Hindi kasi ayaw kong ligawan mo pa ako” nakangiting sabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ko.

“Hindi mo na kailangan mangligaw, kasi gusto na rin kita, hindi mo na kailangan patunayan na karapatdapat akong maging iyo dahil sapat na ang ilang taon na pag-aantay mo saaken, makita mo lang akong muli.” Paglilinaw niya.

Ilang minuto pa bago ko naiintindihan ang kanyang sinabi at mayamaya lang bigla na lang akong napatayo at niyakap siya.

“Ibig sabihin tayo na?” Tanong ko at tumango naman siya. Hinarap ko ulit siya at hinawakan ang kanyang mukha. “Pwede ba kitang halikan?”

“Dito? Nakaka—” hindi ko na siya pinatapos at hinalikan ko na siya.

“KYAAAAAAAAAA! OMG!”

“SANA ALL!”

Rinig kong sigaw ng mga tao sa paligid. Mahal ko na talaga ang prinsesang eto at hinding-hindi ko na siya papakawalan pa.

Althea POV

“Hi ate, ang ganda mo po” Sabi ng isang babae.

Nginitian ko na lamang siya.

Bawat tao kasing nakakasalubong namen binabati kami. Nakakahiya.

“Dalla, bilisan na naten” Sabi ko.

“Sos, ngayon ka pa nahiya. Nung nakipaghalikan ka kay Xander, hindi ka nahiya” pang-aasar niya.

Kasi naman ehhhh.

“Hahahahahahahaha” tawanan nila pati na rin si Alex.

Bwisit na 'to.

“So kayo na nga?” Tanong ni Cheska kaya tumango naman ako.

Etong si Alex aliw na aliw paglaruan ang aking kamay. Sasapakin ko na to ehh.

“Ingit ka lang sabihin mo bwahahahahahahahaha” pang-aasar sakanya ni Dalla.

“Sino kaya saaten ang ingit, baka etong si Eunice bwahahahahahaha” pang-aasar naman ni Cheska kay Eunice.

“Kingina niyong dalawa pag-untugin ko kayo!” Sigaw sakanila ni Eunice.

“Bwahahahahahahaha” tawa nung dalawa.

“Pero Thea, sigurado kang hindi ka magpapaligaw kay, Xander? Dapat pinahirapan mo na muna. Pinag-igib mo sana hahahahaha” Sabi ni Agatha.

Our Princess, His Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon